13

36 5 0
                                    

Paggising ko sa umaga, bumukas ang glass cover ng aking hibernaculum at bumangon agad ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paggising ko sa umaga, bumukas ang glass cover ng aking hibernaculum at bumangon agad ako. Sandali muna akong nanatili sa aking higaan at ako ay napatunganga sa kawalan. Napaisip ako ng malalim tungkol sa aking napanaginipan ngayon. Isang panaginip na kakaiba at ewan ko ba kung may kahulugan ito. Sabi sa akin ni Mom, kadalasan sa mga panaginip natin ay mayroon itong ipinapahiwatig sa ating buhay at kung ano man ang ating mga pinagdadaanan pero sa panaginip kung ito ngayon, hindi ito isang simbolo o kaya isang senyales-kundi isa itong senaryo na parang nangyari na sa akin noon.

     Base sa mga naaalala ko mula sa aking panaginip, nagkaroon daw nang isang malaking gyera at ang mga tao sa paligid ko ay nagkakagulo. Tumatakbo ako palayo sa kagulohang ito at may nakahawak sa aking kamay, isang matandang lalake. Sa mga paningin ko, malabo ang mukha niya sa akin dahilan para hindi ko makilala kung sino siya. Sa puntong iyon, isa siyang estranghero sa akin pero pakiramdam ko ay may namamagitan sa aming dalawa. Malapit ang puso ko sa kanya. Wala si Max, si Mom o kaya si Maggie sa panaginip ko. Takbo raw kami ng takbo hanggang sa nabaril ako. Ako'y bumagsak sa daanan at niyakap ako ng misteryosong lalake. Umiyak siya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos nun ay binanggit niya ang aking pangalan, "Analyza." Kilala niya ako pero paano?

     Hindi tuloy maalis sa isipan ko ang panaginip na 'yon-parang totoo at tunay na nakakapangilabot. Hanggang ngayon ay nanindig pa rin ang aking mga balahibo habang iniisip ang iyong senaryo sa panaginip ko. Sino ba kaya ang lalakeng iyon? Ba't parang may kaugnayan ako sa kanya? Kaano-ano ko ba siya? Simula pa sa paglaki ko ay wala akong nakakasamang matandang lalake sa buong buhay ko.

     Ilang sandali ay napabuntonghininga ako. Ayoko ng mag-aksaya pa ng oras sa walang kuwentang panaginip na 'to. Tiyak akong wala itong maihahatid na tulong o kahulugan sa akin kaya tumayo na ako at umalis sa aking hibernaculum. Oras na para maligo, magbihis at magpaganda. Umarte ulit na parang isang prinsesa.

****

Matapos ang paglalagay ni Stacey ng makeup sa aking mukha, umalis na ako ng dressing room at mag-isa na akong bumaba sa hagdanan. Sa totoo, nais akong ihatid at alalayan ni Candice sa pagbaba pero tumanggi ako dahil gusto kong masanay na bumaba sa hagdanan na walang gumagabay sa akin maliban na lamang kung kinakailangan ko lalo na't mahirap ang aking suot pero sa aming kasuotan ngayon, isang simpleng gown lamang ito at hindi kumplikado kaya okay lang sa akin na kumilos na walang alalay.

     Dahan-dahan ako sa paghakbang pababa at hinawakan ko muna sandali pataas ang ibabang bahagi ng aking gown upang tiyak na ligtas akong makababa na walang palpak. Nang makarating na ako sa ground floor ng palasyo, nakita ko ang mga babae sa sala na nagtipon-tipon kaya tinungo ko sila at ako'y nakisali sa kanilang lahat.

     "Lyz!" tawag sa akin ni Kathie nang makita niya ako. "Hali ka, tabi tayong dalawa."

     Si Kathie, katabi niya si Uniece. Iilang babae ang nag-uumpukan habang nakaupo sa sahig at sila'y nakikinig kay Henessy na kasalukuyang nakaupo sa couch habang may kinukuwento siya sa kanila. Sa puntong ito, para silang mga batang nasasabik at interesadong makinig sa kuwento ng kanilang lola. Umupo ako sa tabi ni Kathie at binati naman ako ni Uniece nang makita niya rin ako. Sandali kong inayos ang aking damit upang hindi ito magusot.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon