24

28 5 2
                                    

Tumungo kami sa tahimik at walang katao-taong lugar upang simulan na namin ang mahalagang pag-uusap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumungo kami sa tahimik at walang katao-taong lugar upang simulan na namin ang mahalagang pag-uusap.

     "Magsabi ka ng totoo at huwag na huwag kang gumawa ng kasinungalingan sa amin," seryosong sabi ni Madison kay Stacey.

     "Teka, ano po ba talaga ang ating pag-uusapan? Kinakabahan tuloy ako sa inyo," pag-aalala nito.

     "Huwag kang kabahan, wala naman kaming gagawing masama sa iyo. Ang nais lang namin ay iyong magpaliwanag ka at maging tapat sa mga isasagot mo," ani ko.

     "May alam ka 'di ba tungkol sa tunay na pagkamatay ni Chloe Garcia?" mahinahong tanong ni Madison sa kanya.

     Nanigas agad ang mga labi ni Stacey. Siya ay nawalang imik sa katanungan nito sa kanya at ang mga mata niya'y nahihirapang tumingin sa aming tatlo—mga mata'y binalot ng sindak at pangangamba. Sa kanyang ekspresyon, halatang may mga lihim siyang takot na isiwalat sa amin.

     "Si-si Chloe?" Nautal siya.

     "Oo." Tumango ako.

     "Umamin ka," pilit ni Madison sa kanya. May puwersa sa boses niya, halos naiinis.

     "Oo, may alam ko," sagot agad ni Stacey at mabuti nama't napaamin din siya.

     Tahimik lamang na nakikinig si Henessy sa amin. Nakatayo siya sa aming likuran at ang mukha'y naiintriga sa usapang ito.

     "Salamat naman at inamin mo rin dahil mayroon kaming mga ebidensiya mula sa 'yo na kung saan ay sangkot ka sa isang crime scene kaya hindi mo na magagawa pang magsinungaling sa amin," sabi ni Madison na siyang ikinagulat naman ni Stacey.

     Dumugtong ako. "Well, hindi pa sapat ang mga ebidensiyang mayroon kami ngayon kaya nga narito kami sa harap mo upang magtanong at mabigyan ng mga kasagutan ang mga kakulangan sa mga kaalaman namin."

     "Paano kayo nakakuha ng mga ebidensiya? Anong ginawa niyo?" pagtataka ni Stacey.

     "Bakit? Ano naman ba ang iyong gagawin? Isusumbong mo kami kay Madam Charmaine?" Tinaasan ko siya ng kilay, naging strikto muli ang asal ko.

     "Hindi." Umiling siya. "Ba't ko naman iyon gagawin? Baka nga ako pa ang ilalaglag niyo sa lahat na ako'y kasabwat sa krimeng ginawa ni Madam Charmaine. Pakiusap, huwag niyo itong gawin."

     "Huwag kang mag-alala, Stacey. Kakampi mo kami ngayon at hindi ka mapapahamak. Alam ko namang mabait kang tao at dinamay ka lamang ni Madam Charmaine sa kasamaang ginawa niya," sabi ko kay Madison.

     "Siguradohin niyo lang na hindi ako mapapahamak sa mga ginagawa niyong ito kasi ginawa ko talaga ang makakaya ko na manahimik dahil kung hindi ay malalagot ako kay Madam." Nanginginig ang boses ni Stacey sa takot at napansin kong namula ang kanyang mga mata, parang naiiyak siya.

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon