8

38 6 0
                                    

Paggising ko sa umaga, alam ko na agad ang una kong gagawin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paggising ko sa umaga, alam ko na agad ang una kong gagawin. Naghilamos ako sa bathroom at nilinis ko ang katawan ko. Pagkatapos nito, tumungo ako sa aking cabinet at isa-isa kong kinuha ang aking mga damit pati na ang iba pang mga bagay na mahalaga sa akin. Inilagay ko ang mga ito sa loob ng aking malaking bag at inayos ng mabuti saka ko ito isinara. Sinuot ko ang aking Division 3 uniform at sandali muna akong humarap sa salamin, inoobserba kung okay na ba ang itsura ko. Nakita ko ang mukha ko mula sa aking repleksiyon, ang mukha ng isang babaeng hindi pa kayang iwan ang lahat kung ano ang mayroon sa kanya.

     Kagabi pa ako napapaisip ng malalim tungkol sa paparating na palabas ngayong miyerkules at kung ano ang mangyayari kapag nagsimula na ito. Sa tuwing iniisip ko ang Perfect Match, hindi nagiging panatag ang puso ko. Parang may batong nakabaon sa ilalim nito—pero 'di bale, iisipin ko na lamang na magiging katuwa-tuwa ang kompetisyong ito. Ayokong maging negatibo. Nasasabik na akong makilala kung sino ba kaya ang lalaking magiging karapa't dapat sa akin. Ang lalaking magiging kinabukasan ko at kaagapay ko habambuhay.

     Kinuha ko na ang aking bag at sinuot ito. May narinig akong tunog ng sasakyang huminto mula sa labas at pumarada ito sa gilid ng daanan. Malapit ito sa amin. Lumabas na ako sa aking kuwarto at sinara ko ang pinto nito. Magkasamang nakatayo si Maggie at Mom sa harap ng hagdanan, parang inaantay nila akong dalawa. Parehas silang nakatingin sa akin lalo na si Max na kasalukuyang nakahiga sa upuan.

     "Andiyan na sila," sabi sa akin ni Mom.

     "Sinusundo na nila ako?" tanong ko.

     "Oo, ate." Tumango si Maggie, kanina ko pa napansin ang ngiting nakaguhit sa mga labi niya at naiintindihan ko na ang ipinapahiwatig nito. "Excited na akong mapanood ka sa telebesyon. Sino kaya ang makakatuloyan mo ate, no? Sayang, hindi ako makakasama sa 'yo."

     Wala akong nasabi. Tumawa lang ako kay Mags. Masaya ang kapatid ko dahil sa kasabik-sabik sa kanya kung ano ang mangyayari sa akin sa show na ito pero ako, nalulungkot ako na sa araw na 'to ay mahihiwalay na ako sa kanya pati na kay Mom. Ayoko pang umalis sa bahay na 'to, nais ko pang manatili kasama sila ng matagal.

     "Anak, nag-aantay sila sa 'yo. Sa tingin ko ay maaari ka nang sumakay sa bus ngayon din," giit ni Mom.

     "Okay po," matamlay na tugon ko. Bumaba ako sa hagdanan, lumapit muna ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. "I love you, Mom. Mami-miss kita."

     Humalik siya sa noo ko. "Mag-enjoy ka doon. Huwag kang mag-alala."

     "Alam ko." Ngumiti ako sa kanya. Pagkatapos ng aming yakapan, si Maggie naman ang sunod kong niyakap. "Magpakabait ka kay Mom, okay? Tulongan mo siya palagi sa pagtatrabaho rito sa farm."

     "Ipapangako ko 'yan, ate. Basta aabangan kita ngayong miyerkules, isa ako sa magiging number one supporters mo," saad niya sa akin.

     "Talaga?" Marahan akong natawa sa kanya at humiwalay na ako kay Maggie. "Sige, aalis na ako. Paalam sa inyong dalawa."

HOAX (A Sci-fi Mystery-thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon