PROLOGUE

403 43 9
                                    

Prologue //


7:19

"President!" Sabay-sabay na sigaw ng iba pang officers nang nakita nila akong pumasok sa back stage. Hingal na hingal ako sa pagtakbo dahil alam kong late na ako para sa program kaya't napahawak na lang ako sa dalawa magkabila kong tuhod para makapagpahinga saglit, ngunit hindi pa ako nakakabawi sa paghingal ay nakita kong dumating si Jessa.

"Leona! buti dumating kana. You are 20 minutes late! 'Di tayo makapagsimula ng program kung wala ang speech mo at kanina pa naghihintay ang mga estudyante—naiinip na sila, ano kaba?" sunud-sunod na wika niya. Magpapaliwanag na sana ako ng mahagip niya ang suot kong sapatos.

"O, akala ko ba kukunin mo lang yung heels mo at magpapalit, e bakit nakarubber-shoes ka parin? Atsaka baket parang lalo kang namutla atsaka--"

"Sorry I'm late, sorry talaga sa inyong lahat. Hindi ko sinasadya..." Pagpaumanhin ko sa lahat pagkatapos kong takpan ang bibig nitong bestfriend kong si Jessa para pigilan ang bibig niya sa kakasalita. Binigyan na lamang ako ng mga ngiti ng mga officers ko at ang iba ay nag-thumbs-up pa.

"Okay lang President. Sige, i-open ko na ang program at maghanda kana para sa speech mo President" mabilis na aksyon ng secretary.

Mabilis siyang lumabas sa stage at narinig ko siyamg nagsalita para sa opening. Napakabilis ng mga pangyayari. Hinihingal kong inalala ang sasabihin ko para sa speech, pero hindi parin mawala sa isip ko ang tungkol sa invitation na huling pinadala sa akin.

"My invitation is inevitable.

You will play my game no matter what"

Naalala ko ang linyang ito sa pinadala saking imbitasyon. Nagbigay ito sa akin ng matinding kilabot na nagpatayo sa balahibo ko...

"Hooy Leona, di mo ba naririnig? Tinatawag kana sa stage. Ayos ka lang ba?" pag-aalala ni Jessa na ikinagulat ko.

"Ha? O-oo, oo okay lang ako" pautal kong sagot.

Dali-dali akong lumabas sa stage at inabot saken ni Marife ang mikropono. Humarap ako sa mga estudyante na suot ang kani-kanilang magaganda at makukulay na damit. Nilakasan ko ang loob ko para makapagsalita ng maayos para sa aking huling speech bilang president ng student council.

"May I have all the attention?" paunang sabi ko at ang lahat ng mga mata'y napako sa akin.

"Good evening my fellow students, I am here in front of y--" wala pa man ako sa kalahati ng sasabihin ko ay bigla akong naputol ng bigla na lang nawala ang liwanag sa buong gym.

Naririnig ko ang takot sa boses ng mga estudyante at mas labis akong nabahala ng may isang babaeng tumili mula sa likod at kasabay nito ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril at ang biglang sigawan ng mga estudyante.

"Ahhh!!" sigaw ng mga estudyanteng nagkakagulo na sa takot na matamaan ng baril.

Maging ako, sa takot ko ay napayuko narin. Labis ang bilis nang tibok ng puso ko  sa takot sa mga nangyayari. Lalo akong natakot ng pumasok sa isip ko ang mga katagang ginamit sa imbitasyon na ipinadala sa akin.

" This is the night ..

When they think everything is going right

You'll be mine in a pop of a bubble,

When it's you that everybody's looking at "

Tumindig ang balahibo ko ng maalala ko iyon. Hindi kaya nandito na siya? Kukunin na niya ako! Sobra na ang takot ko at hindi ko na alam ang gagawin ko kaya't napaiyak na lang ako at napapikit.

"Leona!" narinig kong sumigaw si Jessa mula sa likod. Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses pero wala akong makita sa sobrang dilim.

"Jessa, nasaan ka?! Tulungan mo ko!" sigaw sa gitna ng kadiliman at ng ingay ng mga estudyanteng nagkakagulo.

"Leona, nasaan ka?!" muli kong rinig sa boses ni Jessa na marahil ay natatakot na din.

"Jessa, nandito ako--" napigil ang sasabihin ko ng bigla na lamang may nagtakip ng panyo sa bibig ko mula sa likod. Hindi ko alam pero takot ang pumasok sa buo kong katawan kaya't pinilit kong magpumiglas, ngunit ang bawat paglaban ko ay tila ba walang epekto dahil napakalakas ng taong 'to.

Nakaramdam ako bigla ng pagkahilo na para bang ano mang oras ay mawawalan ako ng malay. Marahil ay may kung anong kemikal na inilagay sa panyong nakatakip sa bibig at ilong ko. Nagtatalo ang utak at ang pakiramdam kong lumaban ngunit alam kong talo ako. Bago pa man ako takasan ng kamalayan, naramdaman kong inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at nagsalita.

"I told you I'll come for you. You can't escape my Invitation" kilabot ang bumalot sa katawan ko ng sinundan niya ito ng mahinang tawa. "Leona, you may now sleep, because the next time you wake up, you should keep your eyes wide open" yun na lang ang huli kong narinig at tinakasan na ako ng kamalayan.

*End of the Chapter*

Prologue pa lang pero medyo lame na po xD please bear with my story. Aayos din po ito. Hintay lang :)

VOTE AND COMMENT GUYS :)

~ JuanRom°

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon