XVIII

72 15 3
                                    

Chapter 18//

LEONA

"Hayup ka! Pakawalan mo ako dito! Dimonyo ka! Kung alam ko lang na ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito sana ako na agad ang pumatay sayo, umpisa pa lang!" Sigaw ko habang itinatali ng dimonyong ito ang paa ko. Wala akong magawa. Nakatali ang kamay ko sa poste sa likod ko. Malakas siya kaya kahit anong piglas ko ay wala paring epekto. Pero hindi ako papayag na hindi makalaban.

Nandito kami ngayon sa ikatlong palapag. Nasa loob ng isang malaking kakaibang kwarto. Iba ito sa mga kwarto dahil sa laki nito at lalo na dahil sa isang malaking butas nito sa pader na matatanaw mo ang dagat. Malakas na hangin ang dulot nito. Lalo na sa akin. Nasaan bang lugar kame? Bakit may dagat?!

Habang tinatali niya ang paa ko ay nagpumilit akong pumiglas hanggang sa nabitawan niya ang paa ko at sinipa ko siya ng malakas sa mukha. Alam kong masakit ang tama nun sa kanya.

Nakita kong tumalsik ang mukha niya sa pagkakasipa ko. Napahinto siya sa ganung pwesto ng ilang segundo at sandali pa ay dahan-dahang humarap sa akin ng nakangiti.

"Alam mo bang kanina ko pa gustong putulin ang mga paa mo?" Sabi nito sa akin ng may maladimonyong ngiti. Hindi ko alam pero natakot ako sa ngiti niya kaya't di ako nakapagsalita. "Lalo na nang pinagsisipa mo ako" dagdag pa nito.

Biglang nagtayuan ang balahibo sa buong katawan ko dahil sa narinig ko. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. I-imposible. S-siya ang...

"HAAAHAHA! Oo, ako nga!" Tawa nito ng tila ba nabasa ang iniisip ko. "Oo! Ako ang humahabol sa inyo nuon at ako rin ang pumatay sa pokpok mong kaibigan!" Sabi nito na lalo pang nagtatatawa. H-hindi maaari! N-napakadimonyo mo! At di ko na napigil pa ang emosyon ko. Tuluyan akong naluha nang maalala ko ang karumal-dumal na sinapit ni Kathy.

"H-hayup ka! Napakawalang-puso mo! D-dimonyo ka! Pagbabayaran mo 'to!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Talaga? At ano naman ang gagawin mo, samantalang di mo nga napagtanggol ang kawawang pokpok na yun e!" Nang-iinis pa nitong sabi habang natatawa-tawa.

"H-hintayin mo akong makaalis dito at ako mismo ang papatay sayo!" Sabi ko sa galit. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Gusto ko na siyang patayin. "Papatayin kita! Masusunog ka sa impyernong dimonyo ka! Isasama ko lahat kayo- kayo ng mga kasabwat mo dito! Lahat kayo ay masuusunog sa impyerno!!" Sigaw ko sa kanya at pinilit ko siyang sinipa pero nakalayo siya at hindi ko na siya maabot.

Tumawa lang siya. Tawa siya ng tawa ngunit nabigla ako ng biglang lumipad ang palad niya sa pisngi ko. Malakas ang sampal na iyon na halos nagpanginig ng buo kong katawan.

"O diba natahimik ka?" Sabi nito ng nakangisi. Wala ng boses na lumabas pang muli sa bibig ko. Luha na lang ang nagsasalita sa akin. Sinasabi nitong nasaktan ako. Hindi pang pisikal kundi, pati emosyonal.

Hindi na ako nakapalag pa ng sinubukan niya ulit na itali ang paa ko. Wala na akong magawa. Alam kong matatalo lang ako. Mabilis niyang naitali ang paa ko. Tumayo agad siya at pumunit naman ng isang tela mula sa isang kumot na nasa tabi namin. Wala na akong magawa kundi panuorin na lang siya. Itatali na sana niya iyon sa bibig ko ng naisip kong tanungin siya.

"A-anong kasalanan sa iyo ni Kathy? Bakit galit na galit ka sa kanya" Umiiyak ngunit walang buhay kong tanong. Napahinto siya. Hindi siya nagsasalita.
"Sandali ko lang siya nakasama pero napatunayan kong mabait siya! Bakit kailangan niyang sapitin ang ganuong sitwasyon?!" Pasigaw ko ng sabi. Hindi ko alam kung bakit pero tumawa siya. Tawa siya ng tawa pero sandali lang at sumeryoso ang mukha niya.

"Mabait? That slut?! Mukhang pati ikaw ay nalinlang ng maamo niyang mukha!" Sigaw niya at tumawa ulit. A-anong ibig niyang sabihin? "Mukhang nadala ka sa pag-arti ng pokpok na yun. Alam mo ba kung gaano kasama ang babaeng iyon?!" Wika nito at nanlilisik ang matang tinitigan niya ako. Hindi ako makagalaw sa tingin niya. Puno ito ng galit at puot.

"A-anong ginawa niya sayo? Bakit ba muhing-muhi ka sa kanya?!" Tanong ko padin.

"Wala siyang ginawang masama sa akin" mabilis na sagot nito. Wala?

"K-kung wala, bakit kailangan mo siyang patayin?!" Sigaw ko ngunit nabigla ako ng bigla siyang sumigaw.

"Hindi mo ba nahalatang nagsisinungaling siya sa'yo? Ha?" At nagulat pa ako ng marahas niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap ito sa kanya. "Nagsinungaling siya sayo! Umpisa palang ay alam na niya kung bakit siya nandito! Nandito siya dahil kailangan niyang pagbayaran ang kasalanan niya! Kailangan niyang mamatay!" Galit na sigaw niya habang titig na titig sa mata ko.

Kilabot ang tumakbo sa buo kong katawan. Hindi tao ang nakikita ko sa kanya kundi isang dimonyo.

"Buhay ang sinira niya kaya't buhay din ang kabayaran" sabi niya pa at binitawan ang mukha ko. "Nagkamali ka ng pagkakakilala sa dimonyitang yun! Wag mong sasabihin na mabait siya dahil wala siyang puso!" Sabi nito.

"P-pero bakit kelangan niyang danasin ang ganun?" Nasabi ko na lang at patuloy na umagos ang luha sa mga mata ko. Nakita kong tinitigan niya lang ako.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Sa halip ay may sinabi siyang ikinabigla ko."Masyado kang mabait" sabi nito. "Kaya ka madaling maloko. Nung umpisa pa lang ay gustung-gusto na kitang patayin. Pero hindi pwede" dagdag pa nito. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng patayin? "Ang akala ko ay ikaw ang unang mamamatay dahil napakadali mong maloko, Pero hindi" Wika nito. "Ngayon, gusto mong malaman kung bakit ko ginawa sa kanya yun? Para malaman mo, kelangan mong maranasan ang puot" sabi nito na nagbigay sa akin ng kaba.

"Tamang-tama dahil ikaw ang Final Girl sa larong ito kaya't hindi kita pwedeng patayin. Pero... ipaparanas ko sayo ang puot at galit" Wika nito. Final Girl? Anong ibig niyang sabihin? Naputol ang iniisip ko ng may sinabi siya.

"Papatayin ko ang taong malapit sayo para malaman mo kung paano magalit at maghiganti!" Madiing sabi nito. Hindi ko alam ang pinagsasasabi niya pero kaba ang bumalot sa akin. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko at lalong umagos ang luha ko- Paul!

"S-subukan mo lang siyang kantiin at pinapangako kong papatayin kita ng paulit-ulit!!" Sigaw ko at alam niya kung sino ang sinasabi ko. Tumawa lang siya ulit.

"Yan, natututo kana!" At tumawa siyang muli. Nakita kong tatakpan na niya ang bibig ko kaya't nagpipiglas ako.

"S-subukan mo lang at p-papatayin kita!! I-ikaw pati ang k-kapatid mo!!" Galit na sabi ko habang umiiwas iwas ngunit nahuli niya parin ako at natakpan na ang bibig ko ng tuluyan.

Hindi na siya kumibo sa huli kong sinabi. Tila ba wala siyang pakialam sa mga sinabi ko at diri-diretsong tumayo at naglakad palabas ng pinto. Pero bago pa man siya lumabas ay lumingon siyang muli at nagsalita.

"Kung iniisip mong matatakot ako sa banta mo lalo na dahil sa kapatid ko. Pwes, nagkakamali ka. Wala akong pakialam sa kanya. Sa katunayan... hindi ko talaga siya kapatid" wika niya at ngumiti siya ng sa dimonyo. Yun lang at likod na lang ng taong yon ang nakita ko. Ang taong puno ng tatoo. Ang taong inakala kong kakampi. Ang taong pumatay kay Kathy- si Wilbear.

Kasabay nang paglapat ng pinto ang malakas na hanging galing sa malaking butas ng pader na nagbigay sa akin ng pangamba. Iyak ako ng iyak habang nakatitig sa pintong nilabasan ng dimonyong yun ngunit laking gulat ko ng makita kong gumalaw ang seradura ng pinto. Sandali pa at bumukas muli ito at pumasok ang taong kilala ko. Hindi ko alam ngunit masama ang kutob ko sa pagdating niya.

Muli, umihip ang malakas na hangin mula sa malaking butas ng pader. Dumadaloy ang takot sa buo kong katawan ngunit napalitan ito ng galak ng makita ko kung sino ito- si Jomry.

*End of the Chapter*

Thanky for reading :)
VOTE AND COMMENT!

I-comment nyo po ang mga saluobin nyo, may hula po ba kayo sa mga mangyayari? Or may doubts kayo sa mga character? Just comment. Pag usapan natin yan bwahahahh!

~JuanRom*

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon