VI

133 37 5
                                    

Chapter 6//

Third Person's View


Leona woke up on the right side of her bed. Tumayo siya at tinignan ang wall clock at nakitang quarter before 9 na. Tumingin siya sa labas ng bintana at napansing madilim na.

'Matagal pala akong nakaidlip' sabi niya sa sarili niya. Tumayo siya at nag-inat-inat. Sandali pa at napaharap siya sa salamin. Napansin niyang Nakauniporme pa pala siya. Naisip niyang marahil ay hindi na siya ginising ng Mama niya dahil nahimbing siya ng tulog.

Nakaramdam ng di pagkakomportable ang dalaga dahil naiinitan na siya sa suot at pinagpawisan narin siya kaya't napagdesisyunan niyang magshower muna bago bumaba at kumaen ng hapunan. Isa-isa niyang hinubad ang suot niyang damit hanggang sa panloob na lang ang natira. Kinuha ng dalaga ang towel at mga damit na susuotin at pumasok na ito sa banyo at nagsimulang mag shower.

Kumportable ang dalaga sa kilos niya sa  loob ng kanyang kwarto. Hindi niya namalayan na may isang tao na kanina pa pala nagmamatsag sa lahat ng kilos niya. Nag-aantay lamang ng pagkakataon para matupad ang kanyang pakay. Nakangiti ang lalaki kanina habang pinapanuod ang dalaga na maghubad ng uniporme. Sa unang pagkakataon ay humanga ang lalaki sa isang dalaga. Ngayon niya lang napagtanto na maganda pala ang dalaga. Ang maputi at makinis nitong kutis. Ang maamo nitong mukha. Ang matang nakakaakit at labing namumula-mula pa. Sa unang pagkakataon ay nabighani ang lalaki sa dalaga. Ang lalaking may marka ng alakdan sa batok.

Papasok na sana ang lalaki na nagtatago sa puno na nasa harap ng bintana ng dalaga, nang biglang may pumasok sa kwarto ng dalaga. Isang babae na siguro ay nasa early 40s. Napansin nitong wala ang anak sa kama kaya't lumapit ito sa pinto ng banyo upang kumpirmahin kung nandun ito.

"Leona, anak. Nasa banyo kaba?" Tanong ng babae na nakumpirma ng lalaki na magulang ng dalaga.

"Opo 'Ma! Nagshoshower po ako sandale" sigaw namang sagot ng dalaga.

"Osige anak, pagkatapos mo dyan ay bumaba kana para kumaen. Mag hahanda na ako"

"Sige po" sagot naman ng dalaga. At lumabas na ng kwarto ang matanda.

Hindi na muna lumabas ang binata mula sa pinagkakataguan at napagdesisyunan na papasok na lang siya oras na lumabas na ng kwarto ang dalaga.

Natapos magshower ang dalaga at nakapagbihis na rin.  Lumabas ito at bumaba ng nadatnan ang kanyang Mama na naghahain ng kakainan nila. Maganang kumain ang mag-ina at pinagsaluhan ang luto ng Mama niya.

Samantala sa kwarto naman ng dalaga, lumabas na sa pinagtataguan ang binatang may marka ng alakdan. Pumasok ito sa kwarto mula sa bintana. Pinagmasdan niya muna ang buong kwarto na wari'y pinag-aaralan. Nakita nito ang isang estante na puno ng Manyika at Bear Toys. Napangiti siya sa naisip, dito ay isiningit niya ang isang maliit na debateryang Spy Camera at siniguradong hindi mapapansin. Pagkatapos ay inilabas niya ang isang maliit na envelope at isang rosas na kanina pa niya hawak at inilapag itong pareho sa study table sa kwarto. At nang matapos na ang pakay ay dali-daling umalis ang lalaki gamit ang dinaanan papasok ay lumabas ito doon.

***

LEONA

Umakyat ako sa sa kwarto ko pagkatapos namin mag dinner ni mama. Pagpasok ko pa lang ay tumama na sa mukha ko ang malakas na simoy ng hangin na nanggagaling sa bintana. Nagtaka ako kung bakit bukas na bukas ito. Dali-dali ko itong nilapitan at isinara. Pagkasara ko nito ay uupo na sana ako sa kama ko ng may mapansin ako sa ibabaw ng study table ko. Isang envelope at rosas. Kinabahan ako ng magsink-in sa utak ko kung ano iyon. Kilabot ang bumalot sa akin nang mapagtantong hindi pala panaginip ang lahat ng nangyari. Inakala kong panaginip lang ang nangyari kaya't maayos pa ako nang nagising ngunit iba ba ngayon. Totoo ang lahat. At alam nila kung nasaan ako.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon