III

203 34 14
                                    

Chapter 3//


LEONA

"Amon Syuno?"

Who the hell art thou?

A game invitation? Really? What game?

Binuksan ko ang envelope dahil curious na ko sa invitation na 'to. Isang papel ang nasa loob ng envelope. Nakasulat dito ang mga katagang nasa kakaibang font style..

"I got the first player but I still need more

I chose you to be one of them so you won't get bored

If you ever say no, then say goodbye to someone

I'll be waiting for your answer before the clock's hand strucks at one"

What the hell?

Isa lang ang masasabi ko. Adik ang gumawa nito! Mukhang  may nagtrip sa aking isang walang magawa sa buhay na estudyante. Napakakapal ng mukha ng taong yun para ako pa ang gagawa ng gantong kalokohan. Pero sino naman kaya ang nakasinghot ng katol na maglalakas loob na gumawa ng gantong trip sa Student Council President? Naku, kapag mahuli ko lang kung sino yun, mapapatay ko talaga siya!

"Huy! Ano yan?" Biglang salita ng tao mula sa likod ko.

"Ay pusang gala!" Gulat ko  kaya bigla akong napalingon sa nagsalita. At nakita ko na si Paul lang pala.

"Baket ka ba nanggugulat Paulita!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako nanggugulat at hindi Paulita ang name ko. Paul. Ang seryoso mo lang kasi diyan" sagot naman niya. Napansin niya ang hawak kong bulaklak at envelope at nakita ko ang pag seryoso ng mukha niya.

"Ano yan? May nanliligaw sayo?" Tanong niya at sumimangot siya habang nakatingin sa bulaklak.

"Wala! Bwisit lang at may nagtitrip saken. May naglagay nito sa locker ko at may sulat pang iniwan" Sabi ko sa kanya at pinabasa ko ang sulat.

"Ha? Anong klaseng imbitasyon to kung sapilitan din naman. Ang kapal naman ng mukha niya para magbanta. Amon Syuno. May kilala ka bang ganto ang pangalan?" galit na tanong niya.

"Wala nga e. Wala akong idea kung sino ang gumawa nito. At yung pangalan na yan, ngayon ko lang narinig yan" paglalahad ko.

"Ireport naten mamaya yan sa Guidance para malaman nilang may nababaliw sa school na'to" inis niyang suhestiyon. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Kaya napangiti ako.

"'Wag na. Ikaw naman, mas galit ka pa kaysa sa'kin. Nagseselos ka noh?" nakangiti kong biro.

"H-ha? H-hindi ah. Halika na nga nasa SC Room na yung ibang officers hinihintay kana para sa plano sa mangyayaring event. Bilisan na natin" nauutal niyang sabi at nakita ko siyang namumula ang tainga kaya pumayag na ako.

Kinuha ko ang notes ko at ng naisara ko na ang locker ay dumiretso na ako kasama si Paul sa SC Room.

***

"So Guys, this'll be your last week para sa term nyo bilang officers. Next week na ang election ng new officers at yun ang paghahandaan nyong event. After the election, magkakaron ng grand ball at dun na rin mag o-oath-taking ang officers pagkatapos nyong ipasa sa kanila ang pwesto niyo. Dapat ay maging maayos ang grandball dahil ito na ang huli nyong project. Naintindihan nyo ba?" Tanong ni Ma'am Luz na adviser ng Student Council.

"Opo madam'" sabay-sabay nameng sagot.

"Ok sige. Leona, aasa ako sayo as the President. And be ready for your last speech bilang President. Okay?" Pagkumpirma sa akin ni Ma'am.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon