XIX

105 15 9
                                    

Chapter 19//

Third Person's POV

Pilit na kinakalagan ni Perceus ang kadenang nakagapos sa hinang-hinang si Annie gamit ang isang kutsilyo na ginamit din para kalagan ni Jessa ang kanya. Halos bumagsak ang dalaga ng makawala sa kadena. Dali-daling sinapo ni Perceus ang kawawang dalaga at inihiga ito. Hirap na hirap itong huminga dahil napakarami ng dugong nawala dito. Tinanggal ni Perceus ang nakatakip na duct tape sa bibig nito.

"Annie, kumapit ka lang!" Nag-aalalang wika ni Perceus at dali-daling pinunit ang parti ng suot niyang damit para itali at itakip sa naputol na braso ng dalaga.

Ngayon ay malaya na silang makagalaw dahil kasalukuyang nakatali ng lubid ang mga kamay ni Larny sa likod niya at bagsak itong nakadapa habang nakatutok parin sa kanya ang baril na hawak ni Jessa.

"Ngayon, Virgo. Magsalita ka kung ayaw mong magkalat ang utak mo sa sahig" banta ni Jessa kay Larny. "Ilan kayong nandito?" Seryosong tanong nito ngunit tawa lang ang isinagot ni Larny.

"Tanga ka ba? Parang hindi tayo nagkasama ng matagal a! Sa tingin mo sasagot ako sa tanong mo?" Patawa-tawang sagot ni Larny.

Narinig ng binatang si Perceus ang sinabi ni Larny at nagtaka siya. "Nagkasama? Kasabwat ka rin nila?" Gulat na tanong nito kay Jessa. "Sino ka ba talaga?" Muling tanong nito. Hindi naman sumagot ang dalaga, sa halip ay si Larny ang nagsalita.

"Akala ko ba matalino ka? Hindi pa ba halata na kasabwat ko siya?" Sarkastikong wika nito. Nainis naman si Jessa sa sinabi nito kaya't hinila nito ang buhok ni Larny at walang habas na inuntog ng paulit ulit sa sahig.

"Wala akong oras na magpaliwanag. Ang tinatanong ko ang sagutin mo!" Galit na sabi nito at bumaling ulit kay Larny na dumudugo na ang mukha. Labis na natakot si Perceus sa nakita. Delikado din ang babaeng 'to. Hindi ko alam kung pwede siyang mapagkatiwalaan. Sabi nito sa isip niya.

"S-sige! G-gawin mo na'ng l-lahat ng g-gusto mo!" Sabi ni Larny na hirap magsalita dahil sa ginawa ni Jessa. "H-hintayin mo lang a-akong m-makaalis dito at p-papatayin kitang traydor ka!" Banta nito. Ngunit hindi man lang natinag ang dalaga. Ginawa niya ay lalo niyang nginudngod si Larny sa sahig.

Alam ni Jessa kung gaano kahirap makalaban si Virgo. Naaalala niya pa nuon ng minsang magkagalit sila ni Scorpio. Halos mamatay na ang binata dahil sa ginawa ni Virgo. Mabuti na lang talaga at naawat sila ng dumating si King Leo ng maabutang halos na maubusan na ng dugo si Scorpio dahil sa pagsaksak ni Virgo sa kanya.

Masyadong bihasa si Virgo sa pagpatay. Hindi ko siya kakayanin kung ako lang mag-isa. Mabuting mamatay na agad siya kung hindi ay manganganib ang buhay ko dito- namin.

Walang alinlangang itinutok ni Jessa sa sentido ni Larny ang baril na hawak niya. Desidido na siyang wakasan ang buhay nito. Kakalabitin na sana niya ang gatilyo ng biglang...

"A-annie!! Huminga ka! Annie, wag kang bibitaw!!" Sigaw ni Perceus sa naghihingalong si Annie. Hirap na hirap na itong huminga dahil sa . Napunta dito ang atensyon ni Jessa at sa isang pagkakamaling iyon ay bumaligtad ang lahat.

Mabilis na gumalaw si Larny. Mabilis itong gumulong upang mapahiga at biglang sinipa ang baril na hawak ni Jessa para nabitawan iyon ng dalaga at tumalsik. Kinuha ni Larny ang pagkakataong iyon at sa isang iglap ay tila ba isang goma ang katawan na inilipat niya ang nakatali niyang kamay mula sa likod papunta sa harap. Pinadaan niya ito sa paa niya at napaka-flexible ng katawan nito para ma-bend at magawa ang paglipat ng kamay sa harap.

Dali-daling tumakbo si Jessa sa tinalsikan ng baril. Kukuhanin na niya sana ito ng nabigla siya dahil hinila ang leeg niya ng isang lubid. Gamit ang lubid na nakatali sa kamay ay ginamit ni Larny ito para sakalin si Jessa. Maaksyong labanan ang naganap sa dalawa. Pinipilit ni Jessa na makawala sa pagkakasakal sa kanya.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon