XX

28 3 0
                                    

Chapter 20//

Third Person's POV


"Lumayo kayo sa pintuan at babarilin ko ang seradura nito" wika ng tao na nasa labas. Agad namang kumilos sina Kearl at Jona at lumayo sa pinto.


"Okay na po!" sigaw ni Kearl sa tao sa kabilang pinto. Isang putok ng baril ang narinig nila at pagkatapos nun ay ang pagsipa ng malakas sa linto na nagpabukas dito.


Nakanganga si Kearl nang maaninag ang tao sa labas ng pinto. Isa itong matanda nang lalaki at may hawak ng baril.


"Sino po kayo?" tanong agad ni Jona.

"Ako ang hepe ng Rosewood. Ayos lang ba kayo?" nag-aalala nitong tanong at inaaninag ang mga mukha nila Jona at Kearl. Agad namang tumayo sina Kearl at Jona para lumapit dito.


"Opo! Maraming salamat po! Mabuti na lang po at nahanap niyo kami!" Pagpapasalamat ng natutuwang si Kearl at lumapit dito.

"Salamat po at dumating kayo!" sigaw ni Jona at dali-daling tumakbo palapit sa Hepe at yumakap. Nagtaka naman agad ang hepe nang makita ng harapan ang dalawa.

"Teka, ano ang mga pangalan niyo?" tanong agad ng hepe.

"Ako po si Kearl Derres at siya naman po si——"

"Jona Valentin" mabilis na wika ni Jona na pumutol sa sasabihin ni Kearl.

Agad na napahawak ng mahigpit ang hepe sa baril na hawak niya. 'May mali' sabi nito sa kanyang isipan at napatingin kay Kearl at muli kay Jona.

"Chief, kailangan po nating mahanap agad ang kuya ko. Baka mapahamak siya kung nasaan man siya ngayon" nag-aalalang wika ni Jona kaya't napatingin sa kanya ang hepe.

"Osigi, hahanapin natin siya. Pero sabihin nyo muna sa akin kung ano ang nangyari dito? Baket kayo na-trap sa kwartong 'yun?" tanong nito.

"Hindi ko po alam. Basta ang natatandaan ko lang ay nawala ang kuryente at may sumuntok sa akin. Tapos nang magising ako, nasa loob na ko ng kwarto kasama ang maanyakis na 'yan" wika nito at itinuro si Kearl na para bang diring-diri.

"Hoy! sinagip lang kita dahil ikaw ang pinakamalapit sa akin nang makatas ako. Atsaka kayo 'tong may kasalanan dahil pinagbintangan niyo na ako ang pumapatay!" pagtatanggol nito sa ssarili.

"Teka, may namatay na? Ilan na ang namatay?!" gulat na tanong nito.

"Tatlo po ang nakita kong namatay.Una si Larny, tapos yung mag-syota pero hindi pa po namin nahhahanap  ang iba dahil nagkahiwa-hiwalay  kaming lahat" paliwanag ni Kearl.

"Tatlo? Ilan kayong lahat na nandito?" tanong ulit ng hepe.

"Labing-apat po!" pagsingit naman ni Jona. Kumunot ang noo ng hepe sa narinig. Nakumpirma niyang nasa loob nga ng bahay na 'to si Paul.

"Sige. Kailangan na nating mahanap ang iba niyo pang kasama pero kailangan nating mag-ingat" At tinignan muli ng hepe ang binatang si Kearl na namumula ang mata at nangungulangot.

Nagsimula silang maglakad sa pasilyo sa labas ng kwartong napagkulungan ng dalawa nang may maalala ang hepe.

"Nga pala. Si Leona, nakita niyo na ba siya?" tanong niya kaya't napatingin agad sa  kanya ang dalawa niyang kasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon