XIII

103 25 1
                                    

Chapter 13//

Third Person's POV

Hindi na napigilan ng binatang si Kearl ang masuka ng makita ang magkasintahang sina Verra at Rustly na magkapatong sa loob ng isang cubicle sa CR.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Nakaharap sa kanya ang duguang dalaga na si Verra at tadtad ito ilang saksak sa katawan. Nakapatong at nakasandal ito sa binatang si Rustly na duguan din na nakaupo naman sahig at nakasandal naman sa toilet bowl at nakatingala na ang ulo'y lupaypay sa loob mismo ng bowl. Natatakpan ng dalaga ang kasintahan.

Shit! Napamura sa isip ang binata sa takot at pandidiri. Sinong tao ang gagawa ng ganyan? Kahit naman baliw baliw ako ay hindi ko magagawang pumatay. Hindi na talaga kinaya pa ng binata at isinuka na nito ang halos lahat ng kinaen niya sa pinakamalapit na lababo. Aalis na sana siya ng banyo ng narinig niya ang parang palo sa pintong bumagsak. Ano yung pumitik? Babaliwalain na sana niya iyon ng sa isang beses pa ay may pumalo ulet. Dahan-dahang sumilip ulet ang binata sa cubicle kung saan nandun ang magkasintahan. Isang mata pa lang ang isinisilip niya ay natakot siya sa natunghayan.

"AAAAHHHH! ZOMBIEEEE!" Takot na sigaw ni Kearl at bumagaak ito ng paupo sa sahig ng makita ang dalaga na nakadilat at nakataas ang kanang kamay. Pinipilit nitong gumalaw pero sadyang nahihirapan siya dahil sa sinapit.

"Wag kang lalaapit sa akin! Hindi ako masarap! Aaaahhhh!" Sigaw nito at pumikit sabay iniangat ang dalawang kamay at ipinagcross ang dalawang daliri para magmukhang krus.

"T-tulong" mahinang sambit ng dalagang ngayon ay gumagapang na papunta sa kanya. Nahimasmasan naman ang binata ng magsalita ang dalaga. Napanuod ko nun, hindi nakakapagsalita ang zombie. At dumilat ito at nakita ang dalagang nakadapa at naghahagilap ng hangin.

"B-buhay ka?" Nauutal na wika ng binata. Hindi niya alam ang gagawin. Buhay siya, naku! Pag di ko siya tinulungan, baka mamatay pa siya dyan, ako pa ang makokonsensya. Kaya dali-dali siyang tumayo at binuhat ang dalaga. Ng mabuhat na niya ang dalaga ay tsaka niya lang napansin ang sinapit ng binatang si Rustly. Tadtad ito ng saksak sa buong katawan. At ang leeg nito... duon dumadaloy ang napakaraming dugo. Nilaslas ito ng napakadiin na halos maputol na ang leeg nito. Kaya pala nakatingala ito at halos pumasok na ang leeg sa toilet bowl. Nanginig ang buong katawan ni Kearl sa nakita.

"U-uuuhh" ungol ng nahihirapan ng dalaga. Di na nagdalawang-isip pa si Kearl at inilabas na niya ang buhat niyang dalaga sa banyo. Kailangan kong makahingi ng tulong sa iba. P-pero sino ang tutulong sa amin?

****

Halos mabaliw ang dalagang si Leona matapos niyang makita ang sinapit ng kaibigan. Buhat siya ngayon ni Paul na nagpasyang bumalik muna sa kwarto nila kanina para mapakalma ang dalaga. Iyak lang ng iyak si Leona at tulala na tila tinakasan na ng bait. Ilang sandali pa ay naraating nila ang dulo ng pasilyo kung saan nakaharap ang hagdan. Nagulat silang dalawa ng may marinig sila mula sa baba na sigaw ng babae.

"AAHHHHH!! Tulooong!" Sigaw ng takot na takot na babaeng paakyat na sa hagdan. Humigpit ang hawak ni Leona kay Paul. Ibinaba naman ni Paul ang dalaga at sumenyas na tumakbo na. Naisip ng binata na kailangan niyang tulungan ang babae pero kailangang mapagtago niya si Leona dahil baka mapahamak ito.

"Uuuuhhhhhhh!" Ungol na sigaw ni Paul at sumesenyas sa dalaga na umalis na. Alam ni Leona ang gustong mangyari ni Paul pero imbis na magtago ay nanatili lang ito sa kinatatayuan niya. Hindi. Namatay na si Kathy. Wala siyang labang pinatay. Hindi ko papayagang mamatay din ang babaeng iyon.

"Hindi. Tutulong ako. Hindi ko na hahayaan may ibang taong mamatay pa" diing sabi ng dalaga. Wala na lang nagawa ang binata. Alam niyang hindi magpapaawat ang dalaga. Nakita ni Paul ang hawakan ng hagdan na mukhang kakalas na kaya tinadyakan niya ito at sinira para makuha ang kahoy at magamit. Narinig nilang papaakyat na ang dalaga kya nagtago sila sa gilid at aabangan nila ang humahabol sa babae.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon