XI

153 29 6
                                    

Hello guys :)

Sa mga magbabasa po, gusto kong malaman niyo na ang chapter na ito ay puno ng madugo, sensuwal, at masasamang salita. Binabalaan ko po ang mga batang nagbabasa na baka hindi niyo ito kayanin. Hntayen nyo na lang ang next chapter haha!

And kathrinemay, here is my promise ;)
Your B-E-D S-C-E-N-E! Haha xD

Enjoy reading guys!

Chapter 11//

Third Person's POV


Kasalukuyang nagtatago ang takot na takot na dalagang si Kathy sa kwarto kung saan nakakulong kanina si Leona. Duon niya naisipan na magtago dahil inisip niyang duon rin siya susundan ni Leona. Nasa ibabaw ng kama at nakatalukbong ng kumot, nagdadasal ang dalaga na sana ay makabalik si Leona sa kwarto.

Ilang sandali pa ay may kumatok na sa kwarto. Ate Leona. Dali-daling lumapit si Kathy sa pinto para buksan ito sa pag-akalang si Leona ang nasa kabila. Pagkabukas niya ng pinto, madilim man ay alam niyang ang taong nasa harap niya ay hindi si Leona kundi isa sa mga tao na kanina lang ay kasama na nila sa baba. Bago pa makapagsalita ang dalaga ay yumakap na ito sa kanya.

"Salamat at nakita rin kita dito, Kathy! Pinahanap ka sa akin ni Leona para bantayan ka, muntik na kaming mahuli ng humahabol sa amin buti na lang at nakapagtago kami" wika nito at nakilala niya ang boses nito.

"H-ha? Saan siya nagtatago? Puntahan na natin siya ngayon. Baka mapahamak siya!" Natatarantang sabi ni Kathy.

"Wag mong ilakas ang boses mo. Baka marinig nila tayo. Delikado ang sitwasyon natin. Alam kong nasa ligtas si Leona. Magtiwala ka sa kanya" pagpapahinahon nito kay Kathy.

"P-pero natatakot ako" mangiyak-ngiyak na wika ni Kathy. Niyakap ng taong iyon ang dalaga para pakalmahin. Umiiyak ang dalaga sa bisig ng taong iyon. Bakit ba ako napasok dito? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Si Ate Leona, baka mapahamakk siya.

"Tahan na Kathy, nandito na ako. Hindi ka nila magagalaw. Puprotektahan kita" aniya sa dalaga.

"T-teka, paano mo nga pala ko nahanap dito? Sinabi ba ni Ate Leona na nandito ako?" Tanong ng dalaga

"Hindi. Naisip ko lang na baka dito ka sa kwarto ka ni Leona pumunta" Wika niya.

Sa di inaasahan ay kinilabutan ang dalaga. Paano niya nalaman na kwarto 'to ni Ate Leona? Imposible namang sinabi ito sa kanya. Imposible.

"Basta Kathy, kahit anong mangyari, wag kang lalayo sa akin. At mag iingat ka, lahat ng makikita at makakasalubong natin ay kaaway. Don't trust anyone. Kahit ako" paliwanag ni Leona.

Napabitaw ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya. Umurong siya ng kaunti para dumistansya.

"P-paano mong nalaman na ito ang kwarto ni A-ate Leona?" Nauutal na tanong ng dalaga. At lalo pa itong umurong.

"H-ha? Sinabi ko bang alam kong kwarto ito ni Leona?" Pagmamaang pa nito.

"L-lumayo ka sa akin! L-lumayo ka sa akin!" Takot na wika ng dalaga at umurong ng umurong. Sa isang iglap ay biglang nagbalik ang kuryente at kasabay nito ang pagliwanag ng paligid. Ngayon ay kitang-kita na niya ang mukha ng taong ito. Nakangiti ito ng parang sa dimonyo. Ang mukha niya. May bakat ng sapatos! Duon ay halos mawalan ng lakas si Kathy. Siya ang humahabol sa amin kanina.

"Well, mukhang wala na kong itatago pa. Matalino ka rin pala, pero sayang.. dahil ito na ang katapusan mo" wika nito at walang anu-ano'y biglang lumapit ito sa dalaga at tinadyakan sa tiyan. Napabagsak naman ang dalaga sa lakas ng tadyak at diretso ito sa kama. Namimilipit pa sa sakkit ang dalaga at halos maisuka na ang kinain nito ng lumapit ulit ang taong iyon at hinawakan ang buhok niya paitaas at sinuntok siya sa sikmura ng ilang beses pa. Sumuka ng sumuka ang dalaga dahil kakakain lang nito at may kasama narin itong dugo. Halos lumuwa narin ang mata nito sa sakit hanggang sa nawalan ito ng malay.

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon