I

305 37 7
                                    

Chapter 1 //

LEONA


Sunday.

"Ma, darating pa kaya talaga si Papa?", pang-anim na beses ko nang tanong ko kay mama ngunit binigyan na niya lamang ako ng isang pilit na ngiti pero hindi na ulit nagsalita pa.

Isang oras na kami halos nag hihintay. Nakakalungkot. Nakakalungkot na sa araw na to hindi nanaman kami makukumpleto. Nalulungkot ako para sa sarili ko, pero mas nalulungkot ako para sa mama ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot ng pangungulila pero alam ko sa sarili ko na wala akong magawa para dun.

Hinawakan ni mama ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Halika na, umorder na tayo at gutom na 'ko." atsaka ngumiti sa akin. "Waiter!" tawag niya sa waiter ng restaurant sabay senyas para hingin ang menu.

Pumipili kami ni mama ng oorderin ng may kumalabit sa akin mula sa likod. Hindi ko alam pero labis akong nagalak. Alam kong siya na ito kaya't dahan-dahan akong lumingon sa likod ko habang nakangiti sa sobrang tuwa.

"Excuse me po, Ma'am Leona" unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko ng makita ko si Mang James na ngayon ay may butbit na cellphone. Si mang James ang personal driver ng papa ko at alam ko na ang ibig sabihin nito. Agad-agad kong kinuha ang cellphone at kinausap ang nasa kabilang linya.

"Hello" walang emosyon kong pagbati. Nakita kong napatingin sakin si Mama.

"Leona, anak happy birthday!" bati sa akin ng papa ko sa kabilang linya. Napasimangot ako sa narinig.

"Darating ka pa ba?" tanong ko ng walang emosyon.

Naghintay ako ng isasagot niya pero buntong-hininga lang ang narinig ko. Naikuyom ko na lang ang kamao ko para pigilan ang galit.

"Kung di ka na pupunta, sabihin mo para di na kami umaasa. Sanay na naman kami e" medyo pagalit ko ng wika.

"Pwede ka bang lumingon sa bintana?" sagot na lang niya kaya napalingon naman ako sa bintana. Lumingon  din si mama kung saan ako nakatingin at napangiti ako.

Kitang-kita ko ang sasakyan ni papa sa labas ng restaurant. Tinignan ko si mama na nakangiti na rin while she nods kaya dali-dali akong tumayo at lumabas.

***

"Salamat papa dumating ka" wika ko pagkayakap ko sa kanya.

"Syempre, mapapalampas ko ba ang birthday ng dalaga ko?" sabi ni papa sabay halik sa noo ko.

"Akala ko hindi ka nanaman kase darating tulad nung christmas at new year" patampo kong sabi.

" 'Wag ka na magtampo anak. Look, papa has something for you, pangbawi ko sayo" at nakangiti niyang inabot sa akin ang isang pahabang kahon.

Dali-dali ko itong tinanggap at binuksan. Natuwa ako nang makita ang laman ng kahon. Isang kwintas na ginto, halatang mahal ito at may pendant na hugis puso. Kakaiba  siya, dahil sa design ng kwintas at ng pendant.

"Happy birthday, anak." Muling bati ni papa. Kinuha niya sa akin ang kwintas atsaka tumayo sa likod ko para isuot ito sa akin. Habang sinusuot sa akin ni papa ang kwintas ay mapigilan ang ngiti sa labi ko. Napakasaya ko dahil kasama ko siya—isang napaka-rare na moment.

Ng maisuot sa akin ay pinaharap niya ako sa kanya. "Pa, bagay ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, anak. Napakaganda mo sa kwintas na  iyan. Tamang-tama lang talaga" Sagot ni papa na may malapad at matamis na ngiti.

Napakasaya ko. Ito na ang pinakamasayang araw sa taong ito.

"Anak, sa bakasyon saan mo gustong pumunta?", tanong ni papa.

Lalo akong nanabik sa narinig ko dahil pinaplano ko rin sana magbakasyon sa isang sikat na lugar dito sa pilipinas.

"Gusto ko sana mag Palawan papa", sagot ko na nagagalak pa.

"Okay sige, itext mo na lang sa akin kung magkano ang magagastos at ipapadala ko sayo." Sagot ni papa.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

"Ipapadala? Hindi ka sasama sa amin ni mama?" nalulungkot na tanong ko.

"Leona, sorry pero hindi pwede e." Sagot ni papa. "Alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya naten, hindi ako pwede na sumama sa inyo".

Iyan na naman. Iyan nanaman yung dahilan nya. Sawang-sawa na kong marinig ang dahilan na yan. Nakakainis na lagi na lang kaming pangalawa sa buhay nya. Anak niya ko pero hindi niya ko mabigyan man lang ng oras. Bago pa man ako magalit ay ikinuyom ko na lang ang kamay ko at pinigil ang sarili ko.

"Osige 'pa, wag na lang pala. Pasok na lang tayo sa loob?" aya ko sa kanya pero palingon pa lang ako ay nakita ko nang palabas si mama kasunod si mang james.

" 'Ma, baket kayo lumabas?" tanong ko ng makalapit sila sa amin pero imbis na si mama ang sumagot ay si Papa.

"Leona, 'di kase ako pwedeng magtagal dahil may meeting ako sa client ko. Sana maintindihan mo, sorry." pagpaumanhin ni Papa. Nawala na ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero lungkot na ang bumalot sa'kin.

"Nagpatake-out na lang ako ng pagkaen at ihahatid na tayo ni Mang James sa bahay. Pasensya kana, anak" pagpapaumanhin naman ni Mama. Kitang-kita ko rin ang lungkot sa mga mata niya kaya binigyan ko na lang siya ng isang ngiti.

Naiintindihan ko. Oo, sa ilang taon kong pinagdiriwang ang kaarawan ko, naiintindihan ko na hindi kami pwedeng maging buo ng matagal dahil pangalawang pamilya lang kami.

Hindi na lang ako nagsalita pa at dali-dali na lang pumasok sa sasakyan kasunod ang mama. Tinignan kong muli si Papa na kumakaway sa akin mula sa bintana. Kumaway na lang ako sa kanya at nang pumasok na siya sa kanyang kotse ay napapikit na lamang ako. Pinipigilan ang luha na tumakas sa mga mata ko.

"Happy birthday to me" bulong ko sa sarili ko hanggang sa umalis na ang sasakyan lulan ako.

***

Monday Morning.

Maaga akong nag ayos ng sarili dahil papasok ako sa school. Gusto ko rin pumasok ng maaga ngayong araw para hindi na namin mapag-usapan ni mama yung nangyari kagabi. Hindi ko na siya kinausap simula kagabi at natulog na lang agad pagkauwi.

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ko at mabagal na humakbang pababa ng hagdan para di makagawa ng ingay na makakagising kay mama. Palabas na ko ng pinto ng may nagsalita sa likod ko.

"Ang aga mo naman. Nag-almusal ka na ba?" At doon ay lumingon ako para sumagot.

"Sa cafeteria na lang ako mag breakfast 'ma, may gagawin kase kame ng student council ngayon kaya kailangan ako ng maaga e", sabi ko atsaka lumapit kay mama sabay halik sa pisngi. Tumalikod na agad ako para umalis ng magsalita siya.

"Alam kong gusto mo lang takasan at 'wag na lang pag usapan ang nangyari last night. I'm sorry Leona, pagpasensyahan mo na lang ang papa mo. Ako rin, patawarin mo sana a-ako", she said. I heard a crack in her voice. I know she's about to cry so I turned to her and tried to smile.

"No 'ma, I'm ok. And it's not your fault either so wag kang mag sorry saken. At una sa lahat 'ma, nagpapasalamat ako that you're my mom". I hug her tight and kiss her in the forehead then I hurried out of the gate before we both start to cry. And before I got out, I turned to see her once more. I saw her to whisper words in the air but I can still read it. It simply says "Thank you, I love you". And then I smiled and whisper the same words to her. And with that moment, I forgot what happened yesterday. It just simply made my day. I love my mom. Really.

*End of the Chapter*

~ JuanRom*

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon