XV

122 26 7
                                    

Chapter 15//

Third Person's POV

Natataranta si Perceus na nagtatakbo sa kanang bahagi ng pasilyo. Kailangan kong makahanap ng lubid para kay Merdy. Tila ibang-iba ang kinikilos ng binata ngayon dahil sa kagustuhang tulungan ang dalaga. Ngayon lang siya nakadama ng gantong pakiramdam-- ang kagustuhang iligtas ang iba.

Napahinto siya nang matagpuan ang isang pintong gawa sa bakal. Iba ito sa lahat ng pinto na nakita nya sa loob ng lugar na iyon. Wala itong susian o doorknob man lang kundi isang hawakan lang na bakal din para buksan ang ito. Paano to bubuksan?

Sinubukan niya itong buksan kaya itinulak niya ito ngunit hindi man lang ito nauga. Sinubukan niya naman ng pahila pero wala paring pagbabago. Inis siya dahil hindi niya ito mabuksan. Kainis. Kailangan ko ng balikan si Merdy, baka mapahamak siya. At sa sobrang inis ay pinagtatadyakan niya ang pinto. Sa huling tadyak niya ay dumausdos ito pakanan. Nagulat siya ng gumalaw ang pinto. Nagkaroon siya ng hula kung paano ito bubuksan dahil duon.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kapitang bakal at buong pwersa niyang itinulak ito ng pakanan. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok siya sa loob ng kwartong iyon. Madilim ang kabuuan nito ngunit napansin niyang may malakas na liwanag sa dulo. Dahan-dahan niyang tinahak ang daan papunta sa maliwanag na parte ng kwarto.

Nabigla siya ng makita kung saan nanggagaling ang liwanag. Ito ay nanggagaling sa mga monitors. Nagtaka siya kung bakit may mga monitors duon kaya nagulat siya ng makita ang mga nakalagay sa screens nito.

Nakikita niya ngayon ang iba't-ibang bahagi ng lugar kung nasaan sila. Ibig sabihin, umpisa palang ay may nagmamasid na sa lahat ng kilos namin. At kitang-kita niya ngayon ang nangyayari sa loob ng lobby. Bakit sila nag-aaway-away? Anong nangyayari sa kanila? Hindi na muna niya inintindi ang mga nasa lobby dahil ang mas iniisip niya ay ang mailigtas si Merdy. Binuksan niya ang mga kahon sa ilalim ng lamesang pinagpapatungan ng monitor para makahanap ng kahit na anong makakatulong sa kanya ngunit wala siyang nahanap. Bwiset.

Patayo na sana siya nang di inaasahan ay may nakatawag ng pansin niya ang isang papel na mukhang naiwan sa ibaba. Iniangat niya ito malapit sa monitor para makita kung ano ang nakasulat.

Binasa niya ang nakasulat dito.

SCORE POINTS:

SCORPIO - WALA NG PAG-ASA!

VIRGO - |

TAURUS - ||

GEMINI - |

Ha? Scores? Anong ibig sabihin ni--. Naputol ang iniisip niya nang mapansin ang isang monitor. Nakikita niya ang sarili niya, pero... hindi siya nag-iisa sa monitor-- may tao sa likod niya.

"Tama na yan bata." sabi ng tao sa likod niya. Mabilis siyang napalingon pero huli na ang lahat. Bumagsak siya sa sahig matapos siyang paluin ng malakas ng isang baseball bat sa ulo. Umagos ang dugo sa ulo ni Perceus. Sinubukan niya pang gumapang sa kabila ng hilo ngunit mabilis siya. Walang awang sinipa siya sa sikmura at isa sa pa sa ulo. S-sorry Merdy. Sorry. At sandali pa ay nawalan na ito ng malay.

Nilapitan ng taong iyon si Perceus at inangat ng bahagya ang ulo sa pamamagitan ng paghila ng buhok nito. "Matalino ka at nakaabot ka pa dito. Osige, hayaan mo.. isusunod na kita" sabi nito at binitawan ang binata at dumiretso sa tapat ng mga monitor. Napansin niya ang papel na sinusulatan niya ng puntos. Aba, nahanap niya. Hindi na ako maghihirap hanapin to. Tumawa siya ng parang baliw at kinuha ang ballpen at dinagdagan ang puntos sa pangalang Virgo. Pag napatay ko na ang binatang 'to, magiging tatlo na ang puntos ko at siguradong ako na ang mananalo. Lalo pa ngayon, na walang gustong makuha ang Alakdan kundi ang babaeng 'yon. At natawa siyang lalo. Ngayon, paano ko kaya papatayen ang binatang ito? Hmmm...

Eyes Wide Open [an on-going terror]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon