Chapter 9

2K 57 0
                                    

 "Halika, pogi! Sundan mo ako. Dito tayo. Hi hi hi!", ani Marianne pa, sa malamyos, at mas malandi na tinig.

Sinundan iyong ng hakbang ng lalaking lasing.

Nalayo na ito sa tamang daan. Nasa kasukalan na ito nang paglalakad.

Nang makarating siya sa kinaringgan nang tinig ni Marianne, ay wala ito doon, at tanging damit lang na hinubad ang naroroon.

Pasubsob na dinaluhong iyon ng lalaki. Subalit nag-derecho lang ito sa lupa, at nangudngod ang nguso.

"A-Aray! Punyetang babae iyon ah! Hik, p-pinaglalaruan pa ako! Hik, lumabas kana babes, hik! Pinapasabik mo pa ako, eh! Hik.",anito.

Si Marianne naman ay kasalukuyang nasa taas na nang puno, humahanap na ng tiyempo para sumalakay.

Tumungo ang lalaki, at pinulot ang kaniyang damit kanina. Pagkakataon naman sa kanya iyon pa daluhingin ito.

Kinalmot agad niya ng matatalim na kuko niya, ang likuran ng lalaki.

"A-Aray! S-sino ka?", sabi pa nito na umayos nang tayo, kahit sobrang hadpi ng likuran niya.

Napunit na ang damit niya doon, at umaagos ang sariwang dugo.

"Wag, mo nang kilalanin! Wala na rin naman silbi pa. Ha ha ha! Tapos kana! (shiiiiiik, plasssst)", ani Marianne, at kasabay no'n ay nilaslas nito ang ultimong leeg ng lalaki.

Nalaglag ang ulo nito sa lupa, kasamang natumba ang katawan.

Hindi magkamayaw si Marianne sa pagkain. Kung ano na lang ang uunahin nito.

Naroong, simulan nito ang braso, tapos, pupunta naman sa hita.

Panay ngasab.

Biniyak pa nito ang katawan, at sinaid ang lamang loob. Hinuli nitong kainin ang puso na pumipintig pa nang mahina sa mga kamay niya.

Subalit hindi naman niya iyon naubos.

Dahil magbubukang liwayway na, at babalik na siya sa dating katauhan niya.

Ganap na alas-kwatro ng madaling-araw ay bumalik sa dating katawan si Marianne. Doon siya naabutan sa kanyang huling biktima.

Akala pa niya ay nanaginip siya. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata. Sa pag-aakalang hindi iyon totoo. Pero walang nagbago. Naramdaman niya ang malapot na likido sa kanyang palad, pati na sa buong katawan. Sumasakit ang ulo niya sa amoy nito. Maging ang kanyang buhok ay parang meron din nung malapot na likidong iyon.

"Ano 'to? Anong nangyari kagabi? Bakit wala akong matandaan? Pa'nu ako nakapunta dito? At bakit wala akong saplot?",tanong niya sa sarili.

Napakabilis lumiwanag nang paligid.

Medyo kita na niya ang mga puno, at damo na nasa harapan, tagiliran, at likuran.

Napakado ang kanyang mga mata sa nagkalat na mga karne sa 'di kalayuan sa kanya.

Pinilit niyang bumangon, at gumapang papunta doon.

Subalit napatda siya nang masuri niyang mabuti iyon, walang iba kundi. . . . .

Evil Society Series 1: AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon