Natakot sila sa hitsura ng matanda, dahil puro latay ang mukha, at katawan nito.
Sabog pa ang buhok. Maiitim ang ilalim ng mata, na halatang walang tulog. Nakatulala ito sa kawalan. Sabay napangit nang lumingon sa kanila ito. Na ang mata ay nakatuon lang kay Marianne.
"Halika, apo! Lumapit ka....", wika nito sa malamyos na tinig.
Natatakot pa si Marianne na lumapit dito. Alanganin siya, pero parang may sariling isip ang mga paa niya na humakbang palapit dito.
Pipigilan pa sana ito ni Guada, subalit, isang galit na titig ang ipinukol nito sa kanya. Na ikina-urong naman niya.
Habang humahakbang si Marianne palapit sa lola niya, ay parang nag-iiba ang anyo nito. Parang gumaganda ito, at bumabata sa paningin niya. Ang mga latay kanina ay nawala na nang tuluyan ng makalapit na siya sa kama nito.
Alam niyang may kakaibang nangyayari, pero bakit hindi siya makapag-salita para tumutol. ....
"Guada....
Gado.... Lumabas muna kayo!", ani ng Matanda.
Nagtataka si Gado sa nakikita.
Si Guada nama'y naiiyak na, dahil sa magiging kapalaran nang kanyang anak.
''Lola, bakit n'yo raw ako hinahanap?", ani Marianne, na hindi mapigil ang mga sinasabi.
"Nais ko na ibigay sa'yo ito....
Bago man lang ako lumisan.", anito.
Na nilabas ang may kahabaan na dila. Bumukas ang dulo niyon, at may bilog na itim na bato ang naroroon.
Derecho itong pumunta sa bibig niya.
Ayaw sana niya, natatakot siya sa hitsura nito, pero bakit gano'n? Bakit hindi siya makatutol?
Kusang bumuka ang mga labi niya para tanggapin ang ibinibigay nito.
Pagkasayad niyon sa kanyang dila, ay parang lumubog ito doon, at hindi na niya matanggal.
Naninibago siya sa pakiramdam.
Nang mailipat ng matanda sa kanya iyon ay tuluyan na itong nalagutan ng hininga.
Doon pa lang parang bumalik si Marianne sa reyalidad.
Napaurong siya pagdaka...
"Aaah! Inay!", sigaw niya.
Derecho takbo sa pinto para lumabas. Nadinig naman iyon nina Guada, at Gado. Nagkatinginan ang mga ito, sabay na tumayo.
Hustong bukas nila ng pinto, ay bukas din ni Marianne sa loob.
Nagkasigawan pa silang mag-ina sa gulat.
"Aaaah!"
Bago nahimasmasan.
"Anak, ano ba nangyari? Si Inay, kamusta?", ani Guada.
"I-Iyon po inay, n-nasa k-kama.",sagot ni Marianne na nangangatal pa ang boses.
Tumabi siya, para bigyang daan ang mga ito.
Nang makapasok nga ay....
Pumalahaw nang iyak si Guada. Tinuluyan nga ito ng kapatid na aswang.
Napakasama talaga nang tiya Ason niya. Iniisip lang talaga nito ang sarili.
Si Marianne ay nanatiling tahimik, at takot lumapit sa matanda.
Nahihiwagaan pa rin siya sa nangyari kanina lang.
Pilit niyang hinahanap ang itim na bato na ibinigay sa kanya ng matanda, pero hindi niya iyon, makapa sa kanyang dila. Pero ramdam niyang naroroon lang ito.
Dahil sa kakapusan. Hindi na nila pina-embalsamo ang matanda.
Iniuwi nalang nila ito sa bahay ni tiyo Gado niya. Kasama pa rin silang mag-ina.
Pinagawan nalang nila ito ng kabaong na yari lang sa plywood.
Napagkasunduan nalang din nila na isang gabi nalang ito iburol. Hindi kase pwedeng patagalin ito.
Parang iba na pati ang hitsura nang matanda.
Natutuyo't ang balat nito, na animo'y dapat matagal nang patay.
Ilan lang ang mga nakiramay, at nagpunta sa burol.
Nakahiga lang ito sa kawayan na katre, sinapinan ng banig, at nilagyan lang ng unan, at kumot. Tapos may kulambo, para hindi mahapunan ng langaw.
Abala ang lahat. Iilan lang ang naroon sa bangkay nang matanda, para bantayan.
Si Marianne naman ay balisa. Hindi siya mapalagay sa nararamdaman niyang kakaiba....
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
KorkuTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .