Chapter 2

2.9K 82 1
                                    

 May mga hakbang siyang narinig, at iyon ang huli niyang natatandaan.

Napatakbo naman ang ina ni Marianne ng marinig ang sigaw nito. Nag-alala ito para sa anak.

Pero bago pa ito makarating doon, ay may kumuha na ng katawan ni Marianne. Dinala iyon sa malapit na likod ng malaking puno. May ibinulong dito. At tila wala naman sa sariling biglang nagkamalay ito.

Mababakas ang kasiyahan sa mukha ng kung sino man ang gumawa no'n kay Marianne.

"Wah, wah, wah, mga kapit-bahay, tulong, hu hu hu....

Si Aling Sendang andoon sa sapa, at patay na. Wakwak ang tiyan, at wala na ang lamang loob nito, pati na ang puso!", sigaw ni Guada na ina ni Marianne, pagkakita nito sa bangkay na nakalutang sa sapa.

Napa-urong agad ito, at patakbo ngang humingi ng tulong sa mga ka-nayon.

Saglit pa ay napakarami na ng mga usyosero, at usyosera ang mga nakapalibot doon.

Lahat ay takot ang makikita sa kanilang mukha, at pagtataka, kung sino naman ang gagawa ng karudmal-dumal na pagpatay na iyon.

Isang matanda ang sumigaw.

"Nakatakas na siya! Magsisimula na namang mamirwisyo ang aswang! Mag-ingat kayong lahat, mga kanayon. Matagal nang panahon na naikulong namin 'yan. Pero heto na naman, at nakatakas na pala ang salot na iyan!", anito.

Nagbulungan naman ang mga tao. Ang iba ay hindi naniwala. Pero may ilan na sumang-ayon.

Pagka-tayo naman ni Marianne ay derecho itong naglalakad pauwi sa kanila.

Ang nanay naman niya ay pilit siyang hinahanap sa karamihan ng tao.


"Huh, nasaan kaya ang batang iyon? At bakit wala dito, ay narinig ko naman ang sigaw kanina? Makauwi na nga, baka nagkasalisi pa kami no'n. Delikado pala ngayon.

Naku, sana 'di totoo ang mga haka-haka nilang may aswang!", wika sa sarili ni Guada.

Tumalikod na ito, at humakbang na palayo sa sapa.

Natatakot pa rin s'ya sa nakitang kalunos-lunos na sinapit ni Aleng Sendang. Nakamulat pa ang mga mata nito. Na animo'y matinding pagkasindak ang huling nakita.

Nang makarating si Guada sa bahay nila, ay nadatnan n'ya doon ang anak, at parang tulala ito.

"Oh, ano namang nangyari sa'yo, ha? Pa'no kang nakabalik dito, gayong narinig kitang sumigaw do'n malapit sa sapa?"


Ani ng nanay niya sa kanya.

Wala naman itong sagot man lang, kundi tahimik pa din na naka-tingin sa kawala.

Lumapit si Aling Guada sa anak. Kinumpas-kumpas ang kamay sa harap ng mukha ng Anak.

Ni hindi man lang ito kumisap ng mata.

"Marianne!!", sigaw pa nito. Saka inuyog ang anak sa balikat.

Doon pa lang itn parang nakamalay.

Pero umungol lang, at hindi ito nagsalita.

Sinandam ni Aling Guada ang noo nito, para makasigurado kung wala itong lagnat o ano pa man.

Wala pa naman ang mag-ama niya at nasa pagpapa-upa ng pag-aani ng palay. Kaya sila lang ang naroon.

Iniwan na niya ang anak ng masiguradong okey naman ito, at nagpunta na sa banyo sa likod bahay nila para maligo.

Hindi na siya nag-usisa pa sa namatay na si Aling Sendang. Dahil mas importante sa kanya ang makapunta sa nanay niyang nasa ospital.

Nang makatapos s'yang makapagligo ay napansin n'yang wala na naman si Marianne sa loob ng bahay.

Tinapos niya lang magbihis, at lalabas na sana nang....


Sino ang kumuha kay Marianne?

At ano ang napansin ni Aling Guada bago ito lumabas?

Evil Society Series 1: AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon