Nang biglang umitim ang buong mata niya. Wala ka doong makikita na puti man lang.
At parang may isip ang katawan niya tumayo, lumabas ng kwarto, at nag-derecho sa pintuan palabas ng bahay.
Manhid na naman ang katawan niya, at ni wala na naman siyang maramdaman.
Sinundan niya ang bumubulong sa kanya. Animo'y tinatawag siya nito sa kakahuyan. Kahit naka-paa si Marianne ay patuloy pa rin ang paglalakad nito sa gitna nang kadiliman.
Ang mga karatig na bahay sa may kalayuan ay mga nagtahulan ang mga aso nitong alaga. Dahil nararamdaman nila ang aura ni Ason, bilang isang aswang sa katauhan ni Marianne.
Hindi katulad nang nagdaang gabi na nahirapan siyang magpalit nang anyo. Ngayon ay mas kontrolado na niya ang katawan ng pamangkin. At saglit pa'y nasa kaulapan na ito, lumilipad, at naghahanap nang mabibiktima.
Tamang-tama naman na nagsasagawa nang ritwal na orasyon si Tatang Bertong albularyo nang gabing iyon. Naramdaman din niya ang aura nang aswang, at dinig din niya ang pagtatahulan ng mga aso sa kalayuan. Senyales na nakapagpalit na ito nang anyo.
Inihanda niya ang kanyang medalyang gagamitin dito. Ito ay namana pa niya sa kanunu-nuan. Ito talaga ang ginagamit nila, kapag isang malakas, at 'di pangkaraniwang pwersa ang kakalabanin. Lalo na , at isang sugo ng diyablo.
Mahiwaga ang medalyon na iyon. Isinukbit niya ang itak sa beywang, at kinuha ang buntot-pagi na nakalagay sa kanyang bubungan. Hindi din iyon ordinaryo, pagkat nao-orasyunan iyon nang dasal na nagbibigay proteksyon dito.
Isang hagupit no'n ay katumbas nang isang-daang hampas.
Kaya ang matamaan talaga no'n ay manglilimahid sa sakit.
Sa burol naman ni Marianne, ay may nagkakagulo na mga lasing. May pinagtatalunan kase itong usapan.
Si Mang Kadyo, at Mang Pater.
"Bakit ayaw mo kaseng maniwala, hiks, pare...?"
"Eh, binabastos mo itong burol eh! Hiks! Sino namang maniniwala sa'yo? Hiks!", sagot pa nito na may aksyon pa talaga.
"Gusto mo ibulid ko pa 'yang kabaong eh! Hiks!"
"Bah...
'di na maganda 'yan! hiks!
Eh, kung ikaw ang ibulid ko d'yan? Hiks! Umalis ka na nga dito, kung ganya lang, hiks, sasabihin, at gagawin mo! Hiks!"
"Mga gago kayo, eh! Hiks! Wala naman talagang patay d'yan! Hiks! Ah, basta, may nanggagago dito, hiks! Hintay ka pare d'yan, akong magpapatotoo, hiks!", sabi pa nito,
saka tumayo si Mang Kadyo, at derecho na sanang lalakad sa kabaong, nang harangan ito ni Mang Pater.
"Pare, naman, 'wag na! Umuwi kana lang! Walang maniniwala sa sinasabi mo! Hiks!" ani Pater dito na nagtitimpi.
"Ay basta! Hiks! Tumabi ka d'yan! Hiks!", -Kadyo
Sinaklit naman ni Pater ang braso nito, at hinilang palayo doon. Dahil nga mga lasing, ay mabubuway na ang mga lakad na dalawa. Pilit kumakawala si Kadyo sa pagkakahawak kay Pater, subalit mahigpit ang kapit nito sa kanya.
Nasa kalayuan na rin sila nang paglalakad mula sa burulan.
Nang biglang sapakin ni Kadyo ang kumpare.
Sumadsad ito sa damuhan, siya naman ay halos matumba. Buti nalang at may puno nang niyog ang kanyang nasandalan.
Medyo nahilo si Pater sa suntok na iyon nang kumpare, pero pinilit niya tumayo. Sa nanlalabo niyang paningin, ay parang may tao sa likuran nito, na hindi niya mahitsurahan kung anung anyo.
Kinusot niya ang mata upang luminaw, at para na rin makasigurado kung tao nga ba iyon...
Nang marinig nalang niya ang. . . .
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
HorrorTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .