"Ssh! woshhhu! Mga asong 'yan! Wala nang ginawa kundi magtahulan......", ani Sendang sa mga alaga n'yang aso.
Doon kase s'ya natulog sa kubo n'ya na nasa gitna ng palayan. May maliit na pulo do'n, at may isang puno ng mangga.
Tag-anihan ng palay. Ang mga inani ay hindi natapos na hakutin sa kanyang bahay kamalig. Kaya walang pagpipilian ito kundi doon matulog, at bantayan iyon.
Tingkarol na ilawan lang ang gamit ng matandang dalaga na magdamagan sa kubo.Hindi naman ito matatakutin kaya't kahit nag-iisa'y lumalarga ito.
Laging nakasukbit ang itak nito sa beywang. Para kahit anung oras, ay handa s'ya. Lalo na sa mga magnanakaw ng palay. Uso pa naman iyon pag tag-anihan.
Si Aling Sendang ay kilalang matandang dalaga. Ang nag-iisang kapatid nito ay nasa kabilang baryo nakapag-asawa. Kaya ang kasama lang nito sa malaking bahay nito sa panulukan ng baryo Janagdong ay ang pinsan nitong lalaki na si Minero. Ito ang naiwan na natulog sa malaking bahay n'ya. At siya ay piniling bantayan ang mga aning palay sa kubo n'ya.
"Waaaak, waaak!", mula sa taas ang huni ng malaking ibon.
"Huh, subukan mo lang! May akalagyan ka dito sa kubo kapag umatake ka.", wika sa isip ni Aling Sendang.
Hindi rin kase lingid sa kanya ang mga gano'n. Lalo na, at baryo ang lugar nila.
"Awooooh, awoooooh, aw, aw, aw, aw!", mga aso na naman ang muling nag-ingayan.
Napatayo ulit si Aling Sendang.
Napipirwisyo na s'ya ng nambubulabog na wakwak, o kung anu pa man iyon.
Sinuot n'ya ang tsinelas 'nya, at may binunot na mahabang latigo sa bubong ng kubo na naka-ipit.
Inihaplit muna niya iyon bago lumabas.
"Ssshiii. Haeeeey. Putris 'tong mga asong 'to. Ang ingay!
Isa ka pang wakwak ka! Damuho ka! Ay magpatulog man lamang!", sigaw n'ya sa taas nakatingin. Sabay hinaplit ulit ang latigo na hawak n'ya sa bakod.Nagmasid pa ng ilang sandali si Aling Sendang, pero parang umalis na, sa pakiramdam n'ya.
Ang mga aso ay hindi na rin galit, at payapa na ang mga ito na nakalugmok.
"Huh, takot ka pala ay!", sa loob-loob ng matandang Sendang.
Sa taas naman ay hindi nga makalapit ang isang mukhang malaking ibon. Takot ito sa latigo na hawak ng matanda. Kaya minabuti nitong mag-hanap ng ibang biktima.
. . . . . . . . .
"Hoy, Marianne! Aba ay hindi ka prinsesa 'dyan. Bumangon ka na, at madaming labahin!!", sigaw ng nanay niya sa kanya. Alas singko pa lang iyon ng umaga, ay umuusok na ang kanilang kusina. Nakapag-init na kase agad ang nanay n'ya ng kakapehin nila.
"Hala, 'Nay naman. Sobrang aga pa...
Mamaya na lang po. . . .", ani Marianne sa ina na hindi pa bumabangon.
"Anong mamaya? Hindi pwede, at may pupuntahan tayo. Naospital kagabi ang lola mo. At kaylangan ng taga-bantay... Sasaglit tayo sa Capitolyo, at ihahabilin kita doon. Para may silbi ka naman....
Maliwanag!",anito habang may ginagawa ito sa kalan.
"Ako...??!
Inay naman... ayoko makasama si Lola. Ewwww! Pa'nu kung tumae 'yun? Tapos, tapos, ako lang nandoon? Wah, ayoko! Kadiri!!", anito na bumangon na din sa Papag na kinahihigaan.
"Aba't....
Bakit mayaman ka ba Marianne, ha? Kung maka-Ew-ew ka d'yan, 'kala mo 'di ka galing do'n?",ani Inay na galit na napatingin .
Winalang-bahala ko iyon, at patuloy na nangatwiran sa kanya.
"Eh, bakit kase ako pa ang magbabantay do'n? Naman! Kung bakit kase na-ospital pa ang matanda na 'yun? Nang-aabala lang! Hmp!"
"Ano Marianne? Wala kang galang na bata ka, ha? Halika ka nga, nang magtanda ka d'yan sa mga sinasabi mo?"
Humakbang ang Inay niya palapit.
Napatayo naman ako agad, at tumakbo sa labas.
"Marianne!!! Bwiset ka talagang bata ka! Tingnan mo lang, at bumalik ka dito makakatikim ka!", habol na sigaw pa ng Inay n'ya. Pero 'di na inintindi pa.
Dumerecho ito ng takbo sa sapa, at doon muna siya magpapalipas ng sandali. Hintayin n'ya lang na umalis ang Inay n'ya. Saka s'ya babalik.
Habang ikinakasaw n'ya ang mga paa sa tubig ng sapa ay parang pumupula ang tubig doon.
Hindi n'ya alam kung bakit? At kung anu iyon. Hanggang sa sige pa rin ang pagkasaw n'ya ng paa. Tapos biglang s'yang napa-atras sa nakita n'yang lumutang.
Lumukob ang takot sa dibdib n'ya, at napasigaw.
"Waaaaah, Inay!"
At tuluyan na ngang lumutang ang bangkay ni Aleng Sendang.....
Ganap niya iyong nakita, subalit nawalan s'ya ng malay. At hindi na n'ya alam kung anong mga sumunod na nangyari.
Basta ang huling natatandaan n'ya ay may mga hakbang s'yang narinig na papalapit.
Sino ba ang Lola ni Marianne?
At ano ang koneksyon nito sa pagkamatay ni Aling Sendang?
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
TerrorTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .