Chapter 13

2K 55 0
                                    

 Nang biglang may bumagsak na ahas sa kama, galing bubungan.

"waaaa! Waaaah!'' Sigaw ni Marianne, sabay kapit agad kay Edgar, at yapos. Wala na siyang pakialam kung lumapat man ang katawan niya dito.

Ang mahalaga ay may mapagkunan siya nang lakas. Sobrang takot na takot kase siya sa ahas.

Naglambitin siya sa leeg ni Edgar, at ipinagsiksikang mabuti ang katawan.

"Hey, easy! Maliit lang naman na ahas 'to!", ang natatawang wika ni Edgar sa dalaga.

"Anong maliit? Ah, basta takot nga ako 'dyan! Please paki-layo, mo naman!"

"Eh, pa'nu ko ilalayo, nakakalong ka s'kin."

"eh, pa'nu ako bibitaw sa'yo, nariyan pa 'yung ahas! Wah! Ayoko, ayoko, please parang awa mo na, ilayo mo ako 'dyan! Hu hu hu!", si Marianne, na halos bumaon na ang mukha niya sa dibdib ni Edgar, 'wag lang niya makita ang ahas.

Natatawa naman ang huli sa ini-akto ng babaeng lihim niyang minamahal.

Nakita niyang mabilis na gumapang ang ahas, pababa ng kama, at nahulog na sa siwang ng kawayan na pinaka-sahig.

Maliit lang naman ito, at alibusugin lang, kaya hindi siya takot dito.

"Oh, hayan na po! Wala na siya. Mas natakot sa'yo, hahaha!", biro niya sa dalaga.

Madahan namang tiningnan ni Marianne ang banig kung wala na nga talaga ito, at nang makasigurado ay agad na bumitaw sa lalaki, at lumayo.

"O, bakit bigla ka namang lumayo d'yan? Halika na, umupo ka dito, at ako nang magsusubo sa'yo nito sabaw. Bago pa lumamig ito.", ani Edgar sa dalaga.

"E-Eh kase n-nakakahiya naman!", pautal na sagot ni Marianne dito.

Hindi niya mawari ang sarili. May kung anong kaba siyang nararamdaman sa lalaki tuwing malapit ito.

Hindi iyon takot. Kundi isang pakiramdam na banyaga sa kanya.

Magla-labing walo na siya sa susunod na buwan, pero ni minsan wala pa sa isipan niya ang humanga sa mga kalalakihan. Hindi naman sa wala siyang magustuhan. Ang kaso lang sa kanya ay late bloomer siya. Yung tipong isip bata pa rin sa gano'ng edad niya. But now kakaiba ang pakiramdam niya para sa lalaki.

Ang male scented nito'y parang kumapit sa ilong niya. Napaka-bango, at gusto niyang laging naaamoy ito.

Naubos ni Marianne ang sabaw na isinusubo sa kanya ni Edgar. Nakilala na din niya ang pangalan nito.

Gumagabi na naman. Ini-init nalang ng lalaki ang pagkain na niluto niya kaninang tanghali. Matapos ay hinatiran ulit si Marianne ng pagkain nito sa kwarto. Gustuhin man ni Marianne na umuwi na'y hindi pa talaga niya kayang tumayo, at maglakad.


Kinagabihan naman sa bahay ng nina Marianne ay tuluyan nang nakauwi ito. Nagtaka pa ito kung bakit naroon ang anak niya, at natutulog na sa kwarto nito.

Pumasok siya doon.

"Marianne, Marianne! Anak gumising ka nga muna, at uusisain kita kung bakit nawawala ka kanina sa burol ng lola mo.", ani Guada.

Akala naman nito ay natutulog nga ang anak. Subalit patay na ito.

Iyon ang ipinagpalagay na aswang na si Ason.

Sa paningin ng tao, ay ito si Marianne, pero bangkay na, pagkat may balak siya sa katawan ng pamangkin sa apo.

Sandali pa ay maririnig na ang malakas na pagpalahaw ni Guada.

Dahil na hipuin niya ang anak ay isa nang malamig na bangkay ito.

Nagsipag-suguran ang mga kapit-bahay nila. Inawat si Guada, at tinulungang maayos ang bangkay ni Marianne.


Hanggang sa maiburol.

Palaisipan pa rin kay Guada kung bakit namatay ang kanyang anak. Umabot naman ito sa itinakdang oras ng tiyahing niyang aswang, pero bakit kinitil pa rin ito.

"Anak ko, hu hu hu hu, anak ko, anak ko! Bakit? Ang bata-bata mo pa para mamatay! Huhuhuhu! Napakasakit! Iniwan mo na si nanay! Huhuhu! Tayong dalawa na nga lang sa buhay, tapos nawala ka pa! Hu hu hu hu!", panangis ni Guada sa ataul ng anak.

Si Tatang Berto naman na albularyo ay lihim na nakamasid. May naaamoy siyang hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw. Babalutin nang lagim ang buong Sitio ng Janagdong. Kailangan niyang makapag-handa. Nalalapit na naman ang pagtutuos nila nang aswang na si Ason.

Alam niya ang lihim ng pamilya ni Guada. Matagal na panahon na ring hindi niya nai-ensayo ang kanyang alam. Dahil naging kampante siya. Akala niya'y hindi na ito makakawala pa.

Nung una pa lang na mabalitaang niyang namatay ang tandang Sendang, ay naamoy na niya ito sa paligid.

. . . . . . . . .

Inabot na nang hating gabi si Marianne ay hindi pa rin ito makatulog, naliligalig ito sa kanyang nararamdaman.

Nang biglang. . . .

Evil Society Series 1: AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon