"B-bitiwan ninyo ako, ano ba? Papatayin ko ang manok na 'yan?", pagpupumilit na pagpalag ni Marianne sa mga nilalang na hindi nakikita, at tanging siya lang ang nakakakita.
Nabigla ang inay niya sa nakitang tagpo....
Hindi kaagad ito nakagalaw para pigilan ang anak.
Nakita niya itong parang may sinipa sa magkabilang gilid nito, sabay tumakbo sa panabong na manok nila na alaga.
Dahil nakakulong ang kawawang manok sa ilalim ng bahay nila, ay ginapang ito ni Marianne para mahuli. Nagkanda-subsob pa ito sa lupa, maabutan lang ang manok. At pagkatapos ay dinamba niya ito, na ikinahuli naman ng manok.
Parang 'di siya pansin ng anak, pagkat ni hindi siya nito nakikita, kahit na naroroon lang siya, at nagmamasid.
Napatutop pa siya sa bibig ng mahawakan ni Marianne ang manok, at walang pakundangan na kinagat sa leeg, kahit pumapalag pa ito.
Napaurong siya bigla, nangalog ang kanyang tuhod. Hindi niya alam ang iisipin. Ayaw niyang paniwalaan ang unti-unting nabubuo sa kanyang isip.
"Hindiiii!", sigaw pa niya, na ikinalingon naman ni Marianne sa pwesto niya.
Habang patuloy ito sa pag-kagat, at pagkain sa hilaw na manok.
Iba na ang kulay ng mata nito.
Nangingitim ang tabi.
Medyo murang pula ang kulay ng puti nito sa mata. Ang tao-tao niyon ay mas malaki kesa sa normal na mata.
Patuloy ito sa pagkain, pero titig na titig kay Aling Guada.
Nagmarka na ng dugo ang suot nitong damit. Pati na ang katawan nito ay natuluan na nang dugo ng manok.
Nagkalat ang napakaraming balahibo.
Tuluyang nanlambot ang mga tuhod ni Aling Guada, at ito'y napa-upo.
Takot ang lumulukob sa katauhan niya, at pag-aalala na rin kung bakit gano'n ang nangyari sa anak.
Pinilit niya tumayo, saka lumakad ng paunti-unti.
Si Marianne naman ay umaagumod na parang pusang kumakain, na aagawan mo.
Maingat na humakbang ito papunta sa pinaka-pasukan sa loob ng kulungan ng manok nila.
Nais na muna niyang ikulong ang anak doon, saka nalang pakawalan. Baka makapatay pa ito ng tao.
Sasangguni siya kay Tatang Berto na albularyo, kung bakit naging gano'n ang anak niyang si Marianne.
Panay ang agumod nito, habang nilalantakan ang kawawang manok na biktima.
Nakasunod ang tingin nito sa kanya, na animo'y aagawin ang kanyang kinakain.
Pinilit niyang lakasan ang loob. Kahit na nanginginig ang tahod niya'y nakalapit pa rin siya sa pinakabukasan ng kulungan, at agad niya itong isinara.
Itinali niya ito. Pero humanap pa siya ng kawad na marami para ipangtali.
. . . . . . . . .
Si Aling Sendang naman ay ganap nang naiburol. Ipina-ayos nalang ang katawan nitong inabot ng kalunos-lunos na pagpatay.
Matapos ang tatlumpung-taon, nun' lang muli naganap ang gano'ng pagpatay sa isa sa mga taga-sitio Janagdong.
Marami ang haka-haka, at kuro-kuro na aswang nga ang may kagagawan no'n. Pero may ilan na nagsasabing tao lang ang gumawa no'n at may matinding galit sa matandang dalaga. Maaring hindi napagbigyan ito ng humiram, at plinanong patayin.
. . . . . . . .
Nang masigurado ni Guada na hindi makakawala si Marianne ang anak niya sa silong ng bahay na kulungan ng manok ay nagmamadali na siyang lumabas, at isinara ang pinto.
Hindi pa nito nauubos ang hilaw na manok na kinakain.
Kahit na nalublob na ito sa alikabok ay walang patumangga pa rin nitong kinakain iyon. Pati atay, balun-balunan, ay hindi nito pinaligtas.
Halos maduwal naman si Guada ng makalayo siya ng lakad. Hindi niya maatim sa sarili na kumakain ang anak niya ng hilaw na karne ng manok.
Derecho niyang binaybay ang daan papunta sa Albularyong si tatang Berto. Subalit nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad sa niyugan ay nakadinig muli siya ng agumod. At hindi siya maaring magkamali, kay Marianne iyon....
Ngunit paanong....
Nasundan agad siya nito....
Sino ba talaga ang aswang?
At bakit nga nakasunod agad si Marianne sa Ina, gayong ikinulong siya nito?
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
TerrorTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .