Nang marinig nalang niya ang sigaw nito sa malayo. Sinundan niya ang tunog nito, subalit masyadong mabilis makalayo. Lasing pa siya, kaya hinayaan nalang niya.
Hawak naman ni Marianne ang kanyang biktima na inililipad niya ito sa gitna ng kakahuyan.
Hindi naman kataasan ang kanyang lipad, dahil mabigat ang kanyang buhat.
Nang 'di kawasa'y may humagupit ng latigo sa kanyang likuran.
"eeeeccccrk! Sino ang pangahas na iyon! Rrrrrr!",sigaw niya.
At nang lumingon siya sa kanyang likuran ay ang matandang Albularyo pala na si tata Berto.
"Wag kang makialam, tanda!", ani niya dito.
Subalit, inihaplit ulit nito sa kanya ang latigong hawak nito.
"Eeeeeerrrccck! Ang tigas nang ulo mo tanda! Humanda ka! Ikaw ang uunahin ko! Grrrr!", at lumipad siyang paitaas muna, nagpaikot-ikot na parang lawin pabulusok kay tatang Berto.
"Hindi kailanman magagapi ng masama ang kabutihan, Ason! Hindi ko hahayaang maghasik ka na naman ng lagim dito sa Sitio Janagdong! Kailangan mo na talagang mamatay!!!!", sigaw na matanda dito.
Padaluhong naman itong si Marianne na aatake sana, subalit, sinabiran siya nito nang latigo na hawak nito. Hindi siya makagalaw. Pati ang kanyang pakpak.
"Pakawalan mo ako dito tanda! Ginagalit mo talaga ako! Pagsisisihan mo kapag nakawala ako dito. Wala akong ititira sa lahi mo!", ani Marianne dito, sa nakakatakot na boses.
Si Edgar pala lihim na nakamatyag sa dalaga, mula nang magbago ang itsura nito, subalit nagtataka siya, dahil parang iniwasan siya nito, o hindi lang nakita.
Gayon pa man, sinundan niya ito kung saan pupunta, kahit medyo takot siya dito.
At ngayon nga'y kitang-kita niyang nahuli ito ng matandang Berto.
Parang nag-uusap ang mga ito, pero wala siyang maintindihan.
At ang mga tao nama'y bakit parang hindi nila naririnig ito. Dahil ni wala pa ring nagigising.
Habang patuloy na nakamatyag si Edgar sa nangyayaring tagpo nang dalawa ay hindi niya mapigilan ang pagmasdang mabuti si Marianne sa kaanyuan nang isang aswang...
Bakit gano'n?
Bakit hindi ako gaano'ng natatakot sa kanya? Mga katanungan sa isip niya.
. . . . . . . . .
"Hoy, tanda' tanggapin mo ito, hi hi hi hi hi! Pwe!", ani Marianne sa matandang nag-sasagawa ng orasyon.
Lumasik ang laway ni Marianne sa matanda, malala iyon, subalit parang balewala lang dito.
Hawak nito ang medalyon na ibinilibid sa kanyang latigo.
May kung anung pwersa ang gumapang doon papunta kay. . .
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
TerrorTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .