UPANG MAPAGTANTO lang na wala pala siyang panloob, at tanging damit lang na malaki ang kanyang suot. Kinabahan siya.
Bakit gano'n? Ano ba talaga ang nagyari sa kanya? At bakit wala siyang maalala?
Mga katanungan sa isip niya. Tiningnan pati niya ang silid kung nasaan siya. At banyaga rin iyon.
Nahawakan niya ulit ang ulo niya. Pagkat sumasakit na naman iyon ng matindi.
"Aaaah!!", sigaw niya. Sa tindi ng kirot na nararamdaman.
Napalingon naman si Edgar sa silid, kung nasaan ang dalaga. Narinig kase niya ang pagsigaw nito. Tumayo siya, at pinatay na ang radyo na pinakikinggan. Pagkatapos ay dumerecho siya sa silid niya, kung nasaan ito.
Bumungad sa kanya ang dalaga, na namimilipit sa pagkakahiga, at hawak ang ulo. Dinaluhan agad niya ito, para antabayanan, sana. Subalit pagkakita nito sa kanya ay napa-urong ito sa sulok, at tila takot na takot ito.
"Wag kang matakot s'kin! Ako si Edgar....", aniya dito. Nanantya pa siya sa reaction ng dalaga. Parang nagpapakiramdaman silang dalawa.
"A-anong ginawa mo s'kin? Bakit narito ako? At wala ni anumang saplot?", sunod-sunod na tanong ni Marianne dito sa pagitan nang kanyang pag-iyak.
"W-wala! Ang totoo niyan, tinulungan lang kita. Nakita kase kita na nakahiga sa damuhan, at walang malay. Puro dugo ang iyong katawan, at sa katabi mo ay may isang bangkay ng lalaki, na wasak ang katawan.", sagot niya sa dalaga.
"p-panong nangyari iyon?", anito.
"Aba, malay ko! Nilinisan pa nga kita, at binihisan na din. Kaya lang damit ko 'yang pinagamit ko sa'yo!"
"Ano??? Kung gano'n nakita mo na lahat ng itinatago ko?", gulat na wika ng dalaga sa binata.
Napakamot naman sa batok si Edgar, bago sumagot. Alanganin siya, at medyo nahihiya sa dalaga.
"Ah, eh, o-oo! Hubad ka nga ng makita ko sa damuhan. Alangan namang hindi kita tingnan, habang nililinisan kita?", sagot niya dito, na may dipensa agad na dahilan. Sabagay tama nga naman.
Hindi na nakasagot pa si Marianne dito, pagkat nahiya na siya sa kaharap. Parang gusto tuloy niyang maglaho nang mga sandaling iyon. Kaso wala naman siyang powers, kaya nagtalukbong na lang siya ng kumot, para mapaktakpan ang pagkapahiya niya dito.
Kakamot-kamot naman sa ulo si Edgar. Nahihiya din siya sa dalaga, pero kailangan niya itong asikasuhin.
Naalala niya ang niluto niya dito na pagkain. Tumayo siya sa papag na pinag-hihigaan nito, at lumabas papunta nang kusina niya. Nagsalin siya doon ng tama lang ang dami ng sabaw sa tasa. Buti nalang, at mainit pa ito, gawa naman may baga pa naman. Kumuha siya ng kutsara, at bumalik sa kwarto dala iyon.
"Heto oh, humigop ka muna nang sabaw. Niluto ko talaga 'to para sa'yo!", aniya sa dalaga.
"I-Ilagay m-mo n-na lang diyan. Ako nang bahala.", ani naman nito sa kanya.
"Pero, kaya mo na ba? Ako ng magsusubo sa'yo, baka 'di mo pa kaya, at matapon lang.", aniya na may pag-aalala sa tinig.
Gusto niyang asikasuhin ang dalaga.
"Ba't ba ang kulit mo? Sabi ko ilagay mo na lang diyan, at ako nang kakain mag-isa. Hindi naman ako lampa!"
"G-Gano'n? Okey s-sige. Naalala ko lang naman ikaw, eh!'', saka tumayo na siya para iwan ito. Nakatabon pa rin ito ng kumot, at ayaw magpakita sa kanya.
"Kung kailangan mo nang tulon nasa labas lang ako nang kwarto, ha! Sige, paalam. Ubusin mo 'yan para mag-uli ang lakas mo.", ani pa niya, bago tuluyang lumabas.
Pinakiramdaman naman ni Marianne ang lalaki. Bago dahan-dahang sumilip sa kumot na nakatakip sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag, nang makitang umalis na ito. Sabay naman tumunog ang kanyang tiyan. Senyales na gutom na nga siya.
Tinanggal niya ang kumot sa katawan, at bababa sana sa papag na kinalalagyan niya. Kaya lang biglang umikot ang paningin niya, at parang matutumba siya. Subalit bago pa man siya sumayad sa kanyang babagsakan ay may mga braso na sumambot agad sa katawan niyang balingkinitan.
Nais niyang kumawala dito. Kaso hindi niya kaya. Nanlalambot ang kanyang katawan, at gusto niya lang na nakahiga.
"Ayan kase! A-ayaw pa, 'di pa naman pala kaya!", wika ni Edgr dito, habang nasa mga braso niya ang dalaga, at inihihiga sa papag na may banig, at unan.
Hindi naman makapag-salita si Marianne sa binata. Namumula ang pisnge niya sa pagkapahiya. Aksidente namang sumayad ang braso ni Edgar sa tabihan nang namumukol na niyang bundok. Nagkatinginan sila nito. Gusto niya sana itong sampalin, ngunit may isang bahagi ng pakiramdam niya ang parang nabuhay. Pakiramdam niya ay medyo nakiliti siya doon.
Unang nag-bawi nang tingin si Edgar. Nag-sorry ito sa dalaga, at tuluyan na nga niya itong inihiga na dahan-dahan sa unan na naroon.
Wala namang imik sa dalaga.
Nang biglang may. . .
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
HorrorTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .