KUNDI isang bangkay nang lalaki.
"Waaaaaaah!", sigaw niya. At nawalan na siya ng malay. Dahil sa reyalidad na nalaman.
Si Edgar naman ay kasalukuyang umiigib ng tubig sa balon na medyo malapit doon.
Napalingon siya sa pinag-mulan ng sigaw. Iniwan niya muna ang kanyang galon na dala, at nagpunta siya doon.
Sandali lang ay naroroon na siya. At takot din ang lumarawan sa kanya nang makita ang bangkay nang lalaki, sa kalunos-lunos na kalagayan.
Ang ulo nito ay nasa di-kalayuan. Dilat pa ang mga mata nito, na animo'y nakakita nang nakakatakot sa pinakahuling buhay nito, bago, nalagutan ng hininga.
Inilibot pa niya ang paningin, at sa banda pa roon ay nakita niya ang isang dalaga, na walang saplot. Ganap nang maliwanag ang paligid no'n.
Nilapitan niya agad ito, at dinaluhan.
Subalit ng mahawi niya ang buhok nito, ay gayon nalang ang gulat niya. Walang iba-kundi ang kanyang lihim na iniibig. Si Marianne.
Subalit, nagtaka siya kung bakit ganito ang ayos nito, at napakaraming dugo sa buong katawan.
Ngunit saka na siya mag-uusisa, kailangang matulungan niya muna ang dalaga.
Hinubad niya agad ang suot na damit, at ibinalabal dito. Bago binuhat niya ito, at dinala sa kanyang maliit na bahay-kubo. Mabuti nalang, at nasa panulukan ang kaniyang bahay, walang nakapansin sa kanya.
Inayos niya muna ito na ihiga sa kanyang nag-iisang katre, sa kanyang kwarto. Binalikan niya saglit ang kanyang inigib na galon, at nagmamadali siyang bumalik. Para maasikaso nang maayos ang dalaga.
Kumuha siya nang plangganita. Nilagyan niya iyon ng maligamgam na tubig. At pumanhik siya sa kwarto, kung saan naka-higa ang dalaga.
Wala pa rin itong malay nang madatnan niya.
Sinimulan na niya itong linisan. Walang halong malisya iyon. Pagkat iginagalang niya ito. At tunay ang kanyang hangarin para dito.
Tapos na siya pagkaraan ng ilang saglit.
Dinamitan na muna niya ito nang damit niyang malaki, pansamantala.
Para may maisuot. Pero wala itong panty, at bra sa ilalim.
Nilagyan pa niya ito ng kumot.
Hindi niya naiwasang pagmasdan, ang mala-anghel na mukha nito.
Pati na ang labi na parang kay sarap halikan.
Subalit nagpigil siya. At bago pa siya mangahas na matukso dito ay mas minabuti na muna niya lumabas.
Matinding pagpipigil sa sarili ang dapat niyang gawin. Ayaw niyang basta nalang lamangan ito, dahil sa kalagayan. Mas ok pa din naman ang binigyan talaga siya nito ng karapatan, na gawin iyon.
Nagtingin siya sa kusina, kung ano ang maari niyang mailuto. At sinimulan na niyang mag-gatong ng apoy.
Kahoy lang ang gamit niya.
Isang tipikal na magsasaka lang si Edgar sa Sitio Janagdong. Hindi masyado palakibo, kung 'di mo babatiin. Kahit pa'nu ay mas gwapo naman ito ng isang paligo, sa mga kalalakihan doon. Medyo kulot ang buhok nito, na bumagay sa hugis ng mukha nito. Kayumangging kaligatan. At ma-masel na pangangatawan. Gawa ng batak maghapon sa pagbubukid.
Mabuti nalang, at meron siya kahit pa'nu na mga stock ng pagkain. Gawa nga ng malayo siya sa kabayanan.
Ipinagluto niya ang dalaga ng sabaw. Kombinasyon ng itlog, luya, at asin, or mas kilala sa tawag na "basa-basa", mabisa iyong pam-pauli ng lakas. Kaya naman iyon ang niluto niya para dito. Nag-saing na rin siya, at nagluto ng ulam, para sa kanyang tanghalian.
Napagpasyahan niya na 'wag na munang pumunta sa kanyang bukid, pagkat ayaw naman niyang iwan ang dalaga.
Ganap na alas-onse ng umaga, ay binuksan niya ang kanyang munting radyo, at nakinig ng dula doon.
Iniisip pa rin niya kung ano nga bang nangyari sa dalaga. At sinong pumatay sa lalaking naroroon nang matagpuan niya ito.
. . . . . . . . .
Samantala, ang pamangkin ni Aling Elsa ay kasalukuyang nagtatawag sa bahay niya.
Nagtataka ito kung bakit, kaninang-kanina pa ay hindi man lang lumalabas ang kanyang tiyahin. Samantalang bukas naman ang pinto nito.
"Tiya! Tiya! Ano bang ginagawa n'yo? Ba't ang tagal n'yo lumabas, may pinapa-sabi po si Inay!", ani nito. Subalit wala pa rin. Kaya nagpasya na itong pumasok sa bahay. Ngunit pag-bungad niya sa loob, ay karima-rimalim na tanawin ang kanyang nakita...
BINABASA MO ANG
Evil Society Series 1: Aswang
HorrorTeaser : Nakakita ka na ba nang tulad niya? Naniniwala ka ba sa kanya? Kung hindi ang sagot mo.... Simulan mo nang maniwala ngayon! ABANGAN. . .