I: MIRACLE

2 1 0
                                    

DIMITRI

(ALARM RINGS)

"Anong nangyayari? Sinong pumasok sa basement?" Madiin kong tanong sa mga tauhan ko na nakabantay sa museo na pagmamay-ari ko.

"Hindi po namin alam Sir kong sino ang pumasok dito" sagot nito sakin at napapikit nalang ako para pigilan ang galit ko sa taong kaharap ko.

"Kumalma ka. I have the CCTV footage." Singit ng babaeng kadadating lang.

"At bakit ka naman nandito? Isinama mo ba si Sirius?" Kunot noong tanong ko sa asawa ko na may dalang Ipad.

"Shhhhh." Saway nito sakin at inilapat ang daliri nito sa bibig ko.

"Iniwan ko siya kina Raze at Mierra. Tignan mo itong artifacts mo." Sabi niya at ibinigay skin ang Ipad na dala niya na siyang kaagad ko namang inabot. HAbng tinitigan ko ito ay hindi parin ako makapaniwala.

"May sariling buhay yata yang gladius sword na nakuha mo sa ilalim ng tubig." sabi nito sakin kaya napatingin anman ako sakanya.

"Kong may sariling buhay 'yon? Saan naman yun pupunta at kanino?" Tanong ko at nagkibit balikat naman siya.


FAYRA

Between life and death situation, you will always choose what is the best for all even though it will cost a one life.

"Ibigay mo sakin ang kapangyarihan ni ama!" Sigaw ng isang lalaki sa nakaluhod na lalaki sa harap nito na tila ay nanghihina na sa mga sugat nitong natamo. Gusto ko itong lapitan at tulongan ngunit wala akong magawa kundi ang tignan ito sa malayo dahil wala akong kalaban-laban sa kaharap nito. Nagulat nalang ako ng may babaeng lumapit sakin at umiiyak ito at naka luhod sa harapan ko.

"Paki-usap sagipin mo siya. Paki-usap!" pagmamakaawa nito sakin kong kaya napatingin ako sa lalaking nanghihina. Bigla nalang ako nakaramdam ng bigat sa aking dibdib kong kaya naman ay walang takot kong dinala ang sarili sa harap ng lalaki at iniharang ang aking sarili at ipinikit ang mga mata ko at itinaas ang aking kamay upang pigilan ang lalaking gustong pumaslang sa kaawang-awang lalaking sugatan ngunit nagulat nalang ako ng meron na akong espadang hawak sa kamay ko at nakita ko nalang na tumilapon papalayo ang lalaking gustong pumaslang sa kaawang-awang sugatan na lalaking nasa likuran ko.

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko 'yong espada ngunit hindi ito nahulog sa lupa kundi ay bigla nalang iyong naglaho sa hangin na syang ikinataka ko narinig ko nalang na merong nagsalitang isnag lalaki na may kaedaran narin dahil sa maputi nitong mga buhok.

"Dumating na ang itinakda! dumating na siya!" sabi nito na may pag-asa sa boses niya.

Ngunit napaluhod nalang ako sa lupa ng makaramdam ako ng malakas na kuryenti sa buong katawan ko. Kong kaya nilapitan ako ng lalaking tinulongan ko kanina at doon ko lang nakita ang mukha nito. Ang napakaamo nitong mukha, puno man ito ng sugat ay makikita mo sakanya ang kagandang lalaki nito. 

"Hihintayin ko ang pagbalik mo..." Sabi nito bago mangdilim ang paningin ko.

"Bumalik na ang pulse niya. Her blood pressure is in normal now." Rinig kong sabi ng babae kong kaya naman ay iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang nakakasilaw na ilaw bago mawalan ulit ng malay.

Ngunit sa pagmulat ulit ng aking mga mata ay bumungad sa paningin ko ang maputing kisame at  naamoy ko yung bango ng mga rosas kong kaya naman ay inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang namalayan na nasa tabi ko pala si Mama nakatulog at hawak ang kamay ko.

"Ma?" tawag ko sakanya kong kaya nagising ito at doon ko nakita ang mugto nitong mata dahil sa kakaiyak siguro.

"Anak gising kana. Janeo gising na ang anak natin." Masayang sabi nito na tinawag si Papa kong kaya ay nagising si Papa at kaagad na lumapit samin.

"Anong nangyari?" mahinang tanong ko ng kumirot ang dibdib ko.

"Huwag mo munang pwersahin ang sarili mo anak at baka ma pano ka pa." alalang sabi ni Papa sakin. At doon ko lang natandaan kong ano ang nangyari sakin.

Katatapos lang ng last subject namin non bumalik ako sa room namin sa second floor dahil naiwan ko yung payong ko pagkalabas ko ng room namin ay naramdaman kong may nakatingin sakin ngunit hindi kona iyon pinansin at naglalakad na ako sa hallway ng may naramdaman akong may sumusunod sakin kong kaya ay nilingon ko ito at doon ko nakita ang maitim na usok na papalapit sakin kong kaya ay tumakbo ako papunta sa hagdan at sa sobra takot ko ay natalisod ako dahilan para gumulong ako pababa sa hagdan at nakita ko ang itim na usok ay bigla nalang naglaho.


TWO WEEKS LATER

"Napakabilis mo namang gumaling Farya, hindi katulad ng iba na nahulog sa hagdan ay halos isang buwan nakaratay." Bilib na sabi sakin ni Vincent.

"Malakas lang siguro ang kapit ni Fayra sa taas kong kaya ganyan kabilis siya maka recover." sabi naman ni Deniese.

"Hindi ibig sabihin non masamang damo lang talaga si Fayra akalain mong ikatalong buhay na niya yan diba?" ani naman ni Airren.

"Talaga Fayra? Ikatatlong buhay mo nayan?" amaze na tanong sakin ni Deniese at tumango naman ako.

"Paano?" curious na tanong sakin ni Vincent.

"Kaya  Nassya Fayra ang pangalan ko kasi yung Nassya means Miracle then Fayra kasi gift of God kase nong ipinanganak ako ni Mama ay wala na akong buhay halos isang oras na ang lagpas noon at the doctor already declared that I am totally died but after that bigla nalang akong umiyak sabi ni Mama." kwento ko sakanila at halos hindi sila maka salita sa sinabi ko.

"Wow, yan lang talaga ang masasabi ko kong kaya napa ka swerte mong nilalang ka Fayra!" Amaze na sabi ni Vincent sakin.

"Haynaku! tara na at malapit na yung time at next subject na natin." yaya ko sakanila kong kaya agad naman silang nagsitayuan at kinuha ang mga bag nila.

Habang nasa klase kami ay naalala ko nanaman yung mukha ng lalaking iniligtas ko. Para kasing hindi siya panaginip lang, para siyang totoo.

"Hihintayin ko ang pagbalik mo." sabi nito sakin

"Hoy Fayra. Okay ka lang?" bulong na tanong sakin ni Airren.

"Naalala ko na naman kasi yung lalaking nakita ko sa panaginip ko." sabi ko sakanya kaya napataas naman ang kilay nito.

"Ito ba siya?" usisa nito at inilabas ang isang pirasong papel na may mukha ng isang lalaki na dinorowing ko.

"Airren..akin nayan." madiin kong sabi sakanya at agad na inagaw yung papel at agad na tinago sa bag ko.

"Sus! may pinagpapantasyahan kana huh." sabi nito sakin at sabay kindat.

"Tigilan mo ako, makinig kana nga sa kalse." saway ko sakanya at nilakihan siya ng mata.




Habang inaayos ko yung laman ng bag ko ay nakita ko yung papel na may drawing ko ng mukha ng lalaking nakikita ko sa panaginip ko simula ng maaksedenti ako sa school.

"Sino kaba talaga?" tanong ko sa lalaking nasa drawing ko.

(knock knock)

"Anak, tapos kana bang magbihis? Aalis na tayo hinihintay na tayo ng mga tito at tita mo." sabi ni mama sa labas ng kwarto ko. Meron na naman kasing family dinner kina tita Marcel na kapatid ni Mama. Ayaw ko nama sanang pumunta doon kasi yung family dinner nila parati nalang nauuwi sa away ng mga lalaking kapatid nila Mama at tita Marcel. Ngunit pinilit ako nila Mama at Papa kasi matagal na daw akong hindi nakikita nila Lola at Lolo at gusto din daw nila akong kamustahain pagkatapos ng nangyari sakin.

"Opo Ma, lalabas nadin ho ako saglit lang." Sabi ko at inilagay sa mesa ang larawan ng lalaking dinorowing ko bago lumabas sa kwarto ko.

AUTHOR'S POV

Pagkalabas ni Fayra ay bigla na namang lumatang ang itim na usok na syang humabol kay Fayra ng maaksedenti ito. Lumapit ito sa lamesa ni Fayra at kinuha ang papel na may larawan ni Haakon na siyang pamangkin ng hari ng KANARIA na si Zumtra.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon