VI: LUCKY

2 1 0
                                    

FAYRA

Pagkatapos namin magmeryenda ay naalala ko yung puno ng kahel kanina sa dinaanan namin ni Cersei kong kaya binalikan ko iyon. Habang naglalakad ako pabalik doon sa puno ng kahel ay manghang-mangha parin talaga ako sa mga bahay nila dito, pakiramdam ko parang nananaginip parin ako. Hindi parin ako maka paniwala na nakapunta ako dito.

Nang marating ko na yung puno ng kahel ay nakita kong may isa itong bunga at luto na kaya naman natakam ako at sinubukang abutin yung bunga ngunit hindi ko maabot kong kaya tumalon ako upang maabot ito ngunit hindi ko makuha. Sinubukan ko ulit... ng ulit.. ng ulit... at ulit.. arrrrgggghhhh. Nakakainis!. Sinubukan kong maghanap ng sanga ng kahal ngunit wala akong nakita sa halip ay ang ugat nito na medyo may kalakihan.

"Pwedi na ito siguro patungan... hindi naman siguro mabigat para mabiyak 'to no?"

"Naku naman! huli na ito... paghindi kita nakuha, suko na ako." Sabi ko sa sarili ko at umakyat sa ugat ng puna noong una ay nanginig pa yung tuhod ko ng marinig ang pagragatak ng kahoy ngunit malapit ko na makuha yung bunga at.... ayun nakuha ko rin ngunit yung inaapakan kong ugat ay narinig kong  nabiyak at dahil sa takot ko ay naipikit ko nalang ang mga mata. Pero imbis na mahulog ako ay naramdaman kong may humila sa kamay ko at kaagad akong niyakap ngunit nanigas nalang ang buo kong katawan ng may malambot na dumikit sa bibig ko kong kaya kaagad kong idinilat ang mga mata ko at doon ko nakita ang isang lalaki na may telang nakatabon sa mata nito ngunit ang mga labi namin ay magkadikit.

Sa sobrang gulat namin ay naitulak namin ang isa't-isa at doon ko lang nakita na si Haakon pala iyon. Sa sobrang hiya ko ay napatalikod ako kaharap ang puno ng kahel, gusto kong suntokin ang puno ng kahel sa sobra hiya, yung pisngi ko pakiramdam ko ay umaapoy sa sobra init.

"Pa-pa umanhin Dilara." sabi nito at nagdalawang isip naman ako kong haharap ba ako sakanya o hindi ngunit wala akong nagawa kundi ang harapin siya.

"Paumanhin din." tanging nasabi ko nalang at na-una ng maglakad pabalik sa loob ng Dukna.



Umuwi kami ni Cersei na hindi na ako nakapagpaalam kay Haakon dahil sa sobrang hiya ko na makaharap siya dahil sa nangyari kanina. Shit! first kiss ko yun  eh.

"Binibini, may problema po ba kayo?" tanong sakin ni Cersei kong kaya napatingin naman ako sakanya.

"Huh? w-wala." sagot ko sakanya kaya tumango naman ito.

Habang papalapit na kami sa bahay nila haring Zumtra ay meron akong napansin na kakaibang puno kong kaya napatigil ako sa paglalakad .

"Ano ho yun binibini?" tanong nito ng makitang napahinto ako sa paglalakad.

"Anong klasing puno 'yon?" takang tanong ko sabay turo sa kakaibang puno dito sa Zanaria. Hindi kasi siyang isang ordinaryong puno lang ito ay may tubig na nakapalibot sa puno at papunta ito sa itaas hindi pababa sa tubig na nasa ilalim niya.

"Ah yan ang puno ni diyosa Xanth, diyosa ng tubig. Ang puno na yan ay nakatanim sa tubig kong kaya umaakyat ang tubig sa puno papunta sa mga dahon at bulaklak nito." paliwanag nito at napa wow nalang.

"Sabi nila kapag lumapit ka daw sa puno na yan at may nahulog na bulaklak ay may nais itong ipakita sa'yo sa hinaharap." dagdag pa nito.

"Talaga?" hindi ko pakapaniwalang tanong sakanya at tumango naman ito kong kaya hindi  na ako nagdalawang isip pa na lumapit sa punong sinsabi niya.

"Wow..." tanging nasabi ko ng makalapit ako sa puno. Umikot pa ako sa puno para tignan ang buo nitong hitsura ngunit nagulat nalang ako ng may mahulog na bulaklak sa tubig kong saan ito naka tanim kaya kaagad ko naman ito kinuha.

"Binibini Dilara mukhang may nais na ipakita sa'yo ang puno ni diyosa Xanth." masayang sabi nito saakin kaya na excite naman ako.

"Paano?" nae-excite kong tanong sakanya.

"Hawakan mo ng dalawang kamay mo at ilagay mo sa kaliwang mata mo." rinig naming sabi ni haring Zumtra sa likuran ko kong kaya nilingon ko ito kasama pala nito si reyna Dansa kong kaya kaagad kaming yumuko ni Cersei bilang pagrespeto sakanila.

"Ngunit mamayang gabi pa iyan magagamit Dilara, kapag bilog na ang buwan." naka ngiting sabi nito kong kaya napangiti rin ako sakanya.

"Nawa'y binibini makatulong iyan para maalala mo na ang iyong nakaraan." ani naman ni Cersei kong kaya napangiti nalang ako sakanya.

"Sige po gagawin ko po ito mamaya." nakangiting sabi ko sakanila.

HAAKON

Simula kanina ng aksidenting naglapat ang mga labi namin ni Dilara ay para bang may kakaibang nangyayari sa buo kong katawan. Pakiramdam ko ay nilalamig ako na naii-initan na hindi ko maintindihan. Para bang pakiramdam ko ay lumakas ang katawan ko at para bang may kuryenting nananalaytay sa mga ugat ko.

"Ginoong Haakon, tapos na ang pag-iinsayo hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong sakin ni Rool.

"Hindi pa... para kasing may kakaiba sa katawan ko." sagot ko sakanya at hinawakan ang labi ko.

"Marahil ay... sa halik ni binibini Dilara 'yon dahil siya ang unang halik ninyo." sabi nito kong kaya tinignan ko ito at mukhang natatawa ito.

"Nakita mo kaming dalawa?" usisa ko sakanya.

"Opo sinundan ka namin ni Cersei kanina." sagot nito kong kaya napapikit nalang ako sa hiya.

"Huwag mong ipagsasabi sa iba ang nakita ninyo, naiiintindihan ba mo?" utos ko sakanya at napatango naman ito.

"Tara na ho ginoo." aya nito sakin kong kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod na sakanya sa paglalakad palabas sa Dukna. Isasara ko na sana yung pinto ng Dukna ng paghila ko sa pinto ay bigla nalang ito nabaklas at tumilapon sa harap ni Rool na siyang ikinagulat naman niya. Kaagad nitong binitawan ang mga dala niya at lumapit sakin at lumuhod sa harapan ko.

"Ginoong Haakon pangako hindi ko po ipagsasabi sa iba ang nakita ko, pupuntahan ko kaagad si Cersei at kakausapin na tumahimik huwag niyo lang po kaming saktan. Di kaya ako nalang ang parusahan ninyo huwag lang si Cersei dahil mahal ko po siya." sabi nito na ikinagulat ko naman.

"A-ano bang pinagsasabi mo. Hindi kita sasaktan at mahal mo pala si Cersei? bakit hindi mo sabihin sakanya hindi puro padala ka lang ng bulaklak at nagnanakaw ka lang ng tingin sakanya?" usisa ko sakanya.

"Eh kasi nahihiya ako sakanya." sagot nito sakin kaya sinipa ko siya at hindi ko naman yun sinasadya ngunit napa tilapon si Rool.

"Rool! hindi ko sinasadya!" sabi ko at kaagad siyang nilapitan para tulongan.

"Ang sakit non ginoong Haakon, para akong sinipa ng dalwang kabayo." sabi nito at hinimas ang dibdib nito.

"Gaya nga  ng sinabi ko sayo kanina, may kakaiba sa katawan ko." sabi ko sakanya kong kaya tinignan naman niya ako.

"Anong ibigsabihin nito ginoong Haakon?" tanong nito sakin kong kaya napa-isip naman ako.

"Isa lang ang makakasagot nito...si Dilara" sagot ko sakanya at nauna ng maglakad pabalik sa bahay ni haring Zumtra.



Pagkarating namin ay kaagad kong hinanap si Cersei at Dilara.

"Ginoong Haakon ayun si Cersei ngunit hindi niya kasama si binibining Dilara." sabi ni Rool sabay turo kay Cersei na may dalang palanggana na may mainit na tubig.

"Cersei nasaan si Dilara?" tanong ko dito.

"Anong nangyayari bakit pawis na pawis ka Cersei?" tanong ni Rool sakanya.

"Dadalhin ko ito kay binibining Dilara, inaapoy kasi siya ng lagnat." alalang sagot nito kong kaya nagulat naman ako. Hindi ko na pinigilan si Cersei pa at kaagad kaming sumunod sakanya sa silid ni Dilara at soon ko nakitang nakabalot sa makapal na kumot si Dilara at pawis na pawis ito.

Kaagad akong lumapit sa tabi niya at inilagay ang likod ng kamay ko sa noo nito at talaga ngang inaapoy ito ng lagnat.

Nong humupa na ang lagnat ni Dilara ay pinagpahinga kona si Cersei at Rool sinabihan ko sila na ako na ang titingin kay Dilara.

"Sino kaba talaga Dilara? anong ginawa mo sa'kin kanina?" tanong ko sa tulog na Dilara.



TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon