XI: A WAR

1 0 0
                                    

HAAKON

"Hindi parin siya sumusuko Haakon. Gagawin at gagawin niya makuha lang ang katawan ni Dilara." ani ni Pyrrhos na kasama ko sa silid kong saan ko itinago ang katawan ni Dilara na naka preserba sa malamig na timperatura.

"Sinabihan ko na siya sa bawat pagtangka niya sa paglapit sa babaeng mahal ko ay sisirain ko ang bawat parte ng kaharian nila." giit kong sabi at saka lumabas sa silid ni Dilara.

"Hanggang kailan ba matatapos ang laban ninyo ni Jetrysus, Haakon?" tanong sakin ni Chasta na naka abang samin ni Pyrrhos.

"Hanggang isa samin ang mamatay." madiin kong sagot.

"Nagbago kana talaga Haakon." Ani naman ni Sachi na kadadating lang din kasama si Avi.

"Lahat nagbabago pagdating sa pag-ibig." sabi naman ni Avi.

"Ano yun?!" tarantang sabi ni Sachi ng makaramdam kami ng paggalaw ng lupa sa itaas namin kong kaya ginamit ni Chasta ang kapangyarihan niya naglabas siya ng bolang tubig kong saan makikita ang nangyayari sa itaas.

"Dumating si Jetrysus kasama ang mga itim na Dusan at ang pitong alagad niya na mga halimaw." sabi nito kong kaya naman ay isa-isa na silang naglaho.

"Dito nalang po ako magpapa-iwan." presnta ni Cersei na hanggang ngayon ay inaalagaan parin si Dilara.

"Ako din ho Ginoo babantayan ko po ang lagusan dito baka kasi mapasok ng mga kampon ni Jetrysus itong silid." ani naman ni  Rool kong kaya hindi ko na sila pinigilan pa. 

Kaya naman bago ako umalis ay ginamit ko muna ang kapangyarihan ko upang dagdagan ang proteksyon ng silid ni Dilara.

"Babalik ulit ako mahal ko." sabi ko at saka naglaho na sa silid na iyon.

"Haakon nagkita tayo ulit!" ani ni Jetrysus kong kaya ay kaagda ko siyang sinugod gamit ang kapangyarihan ko ay pina-ulanan ko siya ng iba't-ibang kapangyarihan na taglay ko mapa hangin, tubig, lupa at apoy ay itinatapon ko sakanya at walang palya ang bawat bato ko sakanya lahat non ay tumatama sakanya kahit kalasag nito ay hindi uubra.

Ngunit hindi ko inaasahan ang pagsali ni Jamalya sa laban namin ni Jetrysus. Ako ay tinamaan ng itim na pana nito.

"Masakit ba Haakon? Yan ang panang ginamit sa pagpaslang sa babaeng mahal mo." sabi nito at tinawanan pa ako ngunit nginitian ko lang sila.

"Hindi ko nakakalimutan iyon dahil 'yon ang nagpapa-alala sa akin para patayin ko kayong mag-ama!" galit kong sabi at saka binagsakan sila ng malaking bato na nahati naman nila.

"Dalawang tao ang ipinagkait ninyo sa'kin" sabi ko naman at tinapunan sila ng tubig.

"Dalawang buhay ang inagaw ninyo sakin!" Dagdag ko at isang malaking ipo-ipo ang ibinato ko sakanilang mag-ama.

"Tama kana Haakon, kong noon ay napatay ko ang iyong ama. hindi ka narin bago sakin para patayin ka!" sabi ni Jamalaya at saka sinugod ako at hindi ko naman siya inurongan. Ngunit tuso nga talaga sila. Nahuli ako ni Jetrysus at na itali sa mga itim nilang Dusan.

"Sinabihan na kita Haakon... kaya kitang patayin kagaya ng iyong ama." ani ni Jamalya at itinutok sa leeg ko ang espada nitong nababalot ng itim na Dusan.



FAYRA

"Fayra gising." rinig kong tawag sakin ng boses ng lalaki kong kaya iminulat ko ang mga mata ko para hanapin ang taong tumatawag sa'kin ngunit nagulat nalang ako ng makitang napakaputi ng paligid at pati ang inaapakan ko ay napakaputi at puno ng hamog ang paligid.

"Fayra." rinig kong tawag sakin ulit ng boses ng isang lalaki sa likuran ko kong kaya ay nilingon ko ito. Isang lalaki na medyo matanda na ngunit napaka ganda parin ang pangangatawan nito. Nakasuot ito ng puting tela at may mga ginto itong palamuti.

"Nasasayo ang Dusan ko Fayra. Gamitin mo 'yan para iligtas sila at taposin ang kasamaan ni Jamalya at ng anak niyang si Jetrysus." sabi nito kong kaya ay nakilala ko siya.

"Bahalmos?" tawag ko sakanya at tumango naman ito.

"Ako nga." sagot nito at lumapit sakin.

"Ikaw lang ang makakatalo kay Jamalya, Fayra." sabi nito kong kaya naguluhan naman ako.

"Paano ho? mukhang patay na ho ako eh at saka nasa kay Haakon na  ang espada ninyo." paliwanag ko sakanya at napangiti naman ito. Anong maganda doon sa sinabi ko?

"Buhay pa ang katawan mo Fayra ang kailangan mo lang ay bumalik sa katawan mo upang magisng ka at alam kong nasa anak ko na ang espada ko ngunit may isa pa akong elemento na hindi alam ni Jamalya at yun ang makakatalo sakanya." sabi nito at nagulat naman ako.

"Anak ninyo si Haakon? at buhay pa ako?" paniniguro ko sakanya.

"Oo, kaya kailangan mo ng bumalik bago pa mahuli ang lahat." sagot nito sakin na ikina saya ko naman.

"Pero teka ano po yung isa pa ninyong elemento?" usisa ko.

"Ang elemento ng nyebe, gamitin mo ito upang ikulong si Jamalya upang mawalan ng kapangyarihan ni Jetrysus at matalo ninyo ang mga kampon niya." paliwanag nito na kaagad ko namang na gets. So si Jamalya pala ang source of power huh?

"Pero paano naman po ako makakabalik?" tanong ko sakanya kasi mukhang wala namang exit door dito.

"Kami ang tutulong sa'yo." singit ng isang napaka gandang babae na may kasama pang dalawang babae at katulad din ang suot nila kay Bahalmos. 

"Siya si Sunneva diyosa ng araw, si Irva diyosa ng buwan at saka si Xanta ang diyosa ng tubig." pagpapakilala ni Bahalmos sakanila.

"Pero bago ka bumalik sa lupa Fayra ay may nais kaming ibigay sa'yo." ani ni Irva.

"Ito ang tubig ng paghilom, ihagis mo ito sa langit para umulan ang at magamot ang mga mortal na sugatan na nakikipag laban sa kampon ng kasamaan." sabi ni Xanth at ibinigay ang bula na gawa sa tubig.

"Ito naman ay kalasag iyong magiging proteksyon laban kay Jamalya." dagdag naman ni Irva.

"Ito naman ang iyong magiging sandata." ani ni Sunneva at ibinigay ang espadang kumikinang na kulay ginto.

"Ngayon ikaw ay handa na Fayra." Sabi ni Bahalmos at bigla nalang nagliwanag kong kaya ay ipinikit ko ang aking mga mata.

CERSEI

Patuloy parin ang pagyaning ng lupa sa itaas ng silid kong saan naka tago si binibining Dilara ay nandito naman kami ni Rool naka bantay sa labas ng silid.

"Cersei magtago ka. Mukhang may naka pasok na sa lagusan." ani ni Rool kongg kaya kaagad ko naman siyang sinunod. Pumasok ako sa silid ni binibining Dilara. Pwedi akong makapasok dito kahit na may proteksyon ito maliban na ngalang sa mga kalaban.

Nakikita ko mula dito sa loob ay nakikipag-away si Rool sa dalawang kampon ni Jetrysus at mukhang dihado ito dahil mga halimaw ang kalaban nito. Lalabas sana ako para tulongan siya ngunit bigla nalang lumiwanag ang buong katawan ni binibining Dilara.

"Binibining Dilara?" ani ko at lalapitan ko sana ito ngunit hindi ako makalapit dahil sa napaka silaw nito at dahil sa masakit ang liwanag nito ay napapikit ako.

"Cersei." rinig kong tawag sakin ng pamilyar na boses ng isang babae kong kaya kaagad kong iminulat ang aking mga mata at doon ko nakita ang nakatayong binibining Dilara na ma suot na pandigmang kalasag.

"Binibing Dilara! Buhay ka!" masayang sabi ko ng makita siyang buhay na buhay.

"Oo Cersei, nakabalik na ako." naka ngiting sabi nito.

"Si Rool." ani ko ng maalala si Rool na nakikipag-away sa labas ng silid.

"Ako na ang bahala sakanya." ani ni binibining Dilara at kaagad na lumabas sa kanyang silid.

Pagkalabas ko ay napatumba na ni binibing Dilara ang mga kampon ni Jetrysus.

"Cersei, totoo ba'tong nakikita ko buhay siya?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Rool.

"Oo buhay si binibing Dilara." sagot ko sakanya.

"Binibining Dilara, kailangan nila ng tulong mo." sabi ni Rool sakanya kaya walang ano man ay bigla nalang itong naglaho.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon