III: THE FOUR KINGDOMS

2 1 0
                                    

FAYRA

Habang naglalakad kami sa sinasabi nilang centro ng mga kaharian na kong tawagin nila ay Halisiya kong saan dito daw nagaganap ang mga kalakaran at negosyo ng bawat kaharian. Na-ikwento pa nito na sa dami ng kaharian sa mundo ay tanging apat na kahariaan lang ang pinagpala at yun ay ang Aquatophia, Aksumite, Kanaria at Stygian dahil sila lang ang pinagkalooban ng apat na espada ng tinatawag nilang si Bahalmos.

"Haakon, malayo pa ba tayo?" tanong ko sakanya kaya napatigil ito at nilingon ako.

"Malapit na tayo." sagot nito sakin.

"Huh?! parang halos tatlong oras na tayong naglalakad eh." angal ko sakanya at tinignan ang wrist watch ko na siyang ikinagulat ko naman. Tumigil ang pagtakbo ng oras sa relo ko na eksaktong alas dose yung relo ko.

"Yun ba ang oras na napasok ako sa mundong to?" tanong ko sa sarili ko.

"Anong sinasabi mo?" tanong nito sakin.

"Ha? w-wala." sagot ko sakanya at inilibot ang panigin ko at doon ko nakita ang kakaibang kaharian sa palibot ng Halisiya.

"Anong kaharian yun?" turo ko sa kaharian na nababalot ng maitim na usok katulad ng usok na sumugod sakin.

"Huwag mong ituturo sa ang kaharian na yan. " sabi nito at hinawakan ang kamay ko at ibinaba iyon.

"Bakit? anong meron dyan?" usisa ko at inilapit nito ang bibig nito sa tenga ko.

"Yan ang pinaka kitakatakotan ng bawat kaharian dahil nandiyan si Jamalya at ang anak nitong si Jetrysus at ang inang reyna nito na si Beeyana. At ang mga itim na usok na yan ay tawag dyan ay DUSAN mga espiritong sumasamba kay Jamalya." bulong nito sakin kong kaya nanindig naman ang mga balahibo ko. 

Kong gayon isa palang Dusan ang sumugod sakin. Pero paano siya napunta sa mundo ko?

Pagkarating namin sa sinasabi ni Haakon na tinatawag na Kanaria ay naamaze ako sa ganda ng Kanaria para bang yung mga nababasa ko sa libro at napapanood sa TV ay para bang totoong-totoo ngayon sa mga mata ko.

"Ginoong Haakon, sino po yang kasama ninyo? bakit kakaiba ang pananamit niya?" tanong ng isang babae na sumalubong sakanya.

"Ahh siya si Dilara sya ay kaibigan ko na nagmula pa sa kabilang bayan." sagot ni Haakon sakanya.

"Dilara siya pala si Cersei anak ni Ginang Jadis na nagpalaki saakin." pagpapakilala ni Haakon sakanya kaya ngumiti naman ako sa babae.

"Cersei dumating na ba si Avi?" tanong ni Haakon sa babae.

"Opo kaninang umaga lang ho." sagot nito sakanya.

"Ahh sige, Cersei pwedi mo bang samahan muna si Dilara at bigyan mo siya ng damit upang makapaglait na siya." ngiting sabi nito kay Cersei at agad naman yumuko yung babae.

"Opo naman. Binibini dito po tayo." sabi ni Cersei at iginaya ako ngunit hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at  agad na hinawakan ang damit niya kaya nagulat naman ito at tinitigan ako sa mata.

"Pupuntahan kita pangako, babatiin ko lang ang pinsan ko." ngiting sabi nito sakin kong kaya wala na akong nagawa kundi bitawan ang damit niya na para bang bathrobe.

"Binibini Dilara dito po tayo." sabi ni Cersei at iginaya ako papasok sa isang bahay na gawa sa kawayan. Para syang bahay kubo ngunit napaka lawak nito.



Pagkatapos akong bihisan ni Cersei ay napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili na nakasuot ng mahabang gown para akong pupunta nito sa santa- cruz an ehh.

"Napaka ganda naman ho ninyo binibini Dilara." puri nito sakin kong kaya nahiya naman ako.

"Naku... hindi naman masyado." nahihiya kong sabi sakanya.

"Totoo ho tanungin niyo pa po si Ginoong Haakon." sabi nito at doon ko lang nakita si Haakon na naka tayo sa gilid ng pinto at naka tingin sakin.

"Tama siya napka ganda mo diyan sa suot mong damit." sang-ayon nito kay Cersei kong kaya naman bigala nalang uminit ang mga pisngi ko sa hiya. Ngayon alang ako pinuri ng isang lalaki.

"Ginoong Haakon tara na ho at malapit na mag-umpisa ang pagtitipon." Singit ng isang lalaki na medyo chinito.

"Sige susunod na kami Rool." sabi ni Haakon at lumapit sakin at inilahad ang kamay niya.

"Tara Dilara ipapakilala kita sa aking Tiyo at pinsan pagkatapos ng pagtitipon." sabi nito kong kaya tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad.

"Teka, pwedi ba nating isama si Cersei panatag kasi ang loob kong makipag-usap sakanya." paki-usap ko kay Haakon at tumango naman ito at ngumiti.

Habang nasa silid kami ng pagtitipon na sinasabi nila ay iniwan muna ako ni Haakon kay Cersei dahil may kakausapin lang daw ito at pumayag naman ako.

"Cersei." tawag ko sakanya kong kaya lumapit naman ito sakin.

"Sino yung mga taong naka upo sa harap ng mahabang lamesa na yun?" usisa ko sakanya.

"Ah sila yung apat na kaharian na mataas sa iba pang kaharian sa ating munda. Sila ang pinagpala ni Bahalmos." sagot nito sakin.

"Sino sila? Sino yung naka asul na mga babae?" tanong ko ulit.

"Sila ay galing sa Aquatophia pinamumunuan nila ang elemento ng tubig. Si reyna Shenna ang ang nakaupo sa mataas na upuan at ang nasa gilid nito ay si Chasta sya ang tumataglay sa sandata ni Bahalmos na may kapangyarihan ng tubig." pagpapakilala nito.

"Sunod ay galing sa Aksumite na pinamumunuan ni Reyna Karishma pinamumunuan naman niya ang elemnto ng lupa at yung nasa tabi niya ay si Sachi nasa kanya ang sandata naman ng lupa. At palagi silang nakasuot ng berdeng mga dami." dagdag pa nito.

"Eh yung nasa kabila? yung mga lalaki sino naman sila?" tanong ko sakanya.

"Yung mga naka puti ay ang Kanaria ang ating tinitirahan pinamumunuan ng tiyo ni ginoong Haakon. Siya ay si haring Zumtra namumuno sa elemnto ng hangin at ang nasa tabi niya ay ang pinasan ni ginoong Haakon na si prinsipe Avi nasakanya naman ang sandata ng hangin at yung susunod na naka kulay pula ay..." putol na sabi nito.

"Ano sila?" usisa kong tanong.

"Sila ang Stygian pinamumunuan ni Haring Zulu pinamumunuan niya ang elemento ng apoy at ang katabi niya ay si prinsipe Pyrrhos nasa kanya ang sandata ng apoy kinakatakotan sila dahil naging asawa ni prinsesa Beeyana si Jamalya sila yung nakatira sa nakakagimbal na kaharian na pinapalibutan ng mga DUSAN." sabi nito at baas sa boses niya ang takot.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" usisang tanong ni Haakon ng madatnan kami ni Cersei na nagbubulongan.

"Ah wala. May tinanong lang ako." ngiting sagot ko sakanya at nauupo na ito sa tabi ko.

Sa kalagitnaan ng pagpupulong nila ay bigla nalang nandilim ang paligid at lumakas ang hangin kong kaya napa kapit ako sa braso ni Haakon na kaagad naman niyang hinawakan. Bigla namang bumalik ang mga ilaw sa silid at doon ko lang napagtanto na merong dumating na dalawang lalaki na nakasuot ng mga itim.

"Ang matandang lalaki ay si Jamalya at kasama niya naman ay si prinsipe Jetrysus ang kanyang anak." bulong ni Cersei sakin ngunit nanindig nalang ang balahibo ko ng magtagpo ang paningin namin ng sinasabi ni Cersei na si Jetrysus kong kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin at tinitigan si Haakon na kaagad namang hinuli ang paningin ko.





TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon