XIV: DILARA

1 0 0
                                    

FAYRA

Gaya ng sabi ni Sandra ay tutulongan daw niya kami na matunton ang mga larawang ginuhit ko ay sigurado akong napuntahan kona ang mga lugar na 'yun. Sa bawat pinupuntahan namin ay merong nagfa-flash sa isip ko ngunit hindi ko maaninang ng masyado ang mga mukha nila.

"Heto naman ang Dukna, ginagamit ito noon bilang silid ng pagsasanay ng mga hukbo ng sandatahan at ngunit ginawa naming museo nandito ang lahat ng mga artifacts na na ipon namin." sabi nito kong kaya naman ay napatingin kami sa mga bagay na naka display ngunit merong isang bagay ang naka kuha ng atensyon ko. Isang panyo na may burdang bulaklak kagaya ng bulaklak na nasa drawing ko at bigla nalang sumakit yung ulo ko.

"Teka, may ibibigay pala ako sa'yo Haakon." 

"Heto, ginawa ko ito para sa'yo. " 

"Bulaklak 'yan ng diyosang si Xanth dahil sa bulaklak na'yan nalaman ko na ang lahat." 

"Maligayang kaarawan Haakon, sana nagustohan mo ang aking simpleng regalo." 

"Iyong binuo ang aking kaarawan Dilara, ito ang pinaka masayang kaarawan sa buong buhay ko." 

"Fayra okay ka lang?" tanong sakin ni Airren ngunit hindi na ako nakasagot pa at bigla nalang nandilim ang paningin ko.

ION

"Dr. Ionwerth Del Sembana, welcome back." sarkastikong sabi ng pinsan kong si Theok.

"Tigilan mo nga ako, pagod ako sa byahe." sabi ko sakanya at umakyat sa bahay ng lola namin.

"Lola Chandria nandito na si Ion!" sigaw ni Theok kong kaya napapikit ako sa inagy nito. Ugali talaga nito ang mangbulabog.

"Naku duamating na si Haakon." masayang sabi ni Lola na makita ako kong kaya nagmano kaagad ako sakanya.

"Lola Chandria hindi po ako si Lolo Haakon ako po si Ion." pagtatama ko sakanya.

"Ah.. kahit na kamukha mo parin ang pinsan ng Lolo ng Lolo mong si Avestro ay kamukha mo si Haakon. Matagal na kaya namin yang sinasabi sa'yo." piliti nito kaya napatango nalang ako para hindi na humaba ang kwento ni Lola.

"Sige po la, magpapahinga na po muna ako napaka pagod po kasi ng shift ko kagabi." paliwanag ko sakanya kong kaya ay pinalagpas na ako ngunit itong pinsan ko hindi talaga ako tinitigilan.

"Naku, naku sabihin na miss mo lang yung pasyenti mo." sabi nito kaya binato ko siya ng sapatos ko dahilan para mapa takbo ito palabas ng kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay napa upo ako sa tabi ng kama ko at binuksan yung drawer na nasa tabi ng kama ko at kinuha ang isang pirasong papel na may mantsa pa ng dugo ng babae kong pasyente. Nakuha ko 'to sa bulsa niya noong araw na naaksedenti siya tinawag pa nga niya akong Haakon na siyang ikinagulat ko.

"Bakit mo kilala si Haakon?" tanong ko. Mahihiga na sana ako ng maalala kong may sketch din ako ng mukha ng isang babae na ginawa ko noong college din ako. Kaagad kong kinuha ang maliit na kahon sa ilalim ng kama ko at binuksa iyon at kaagad ko namang nakita ang isang papael na naka tupi kaagad ko iyong binuksan at nagulat nalang ako ng mamukhaan ang babaeng nasa drawing ko.

"Damn... magkamukha sila ng sinasabi sakin ni Lolo, si Dilara." nasambit ko. Naagaw nalang ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Sandra.

"Sandra bakit?" kaagad kong tanong ko sakanya.

"Kuya kailangan ko ng tulong mo may babae kasing torista dito na hinimatay." sabi nito kong kaya ay kaagad kong kinuha ang susi ng kotse ko at kaagad siyang pinuntahan.

"Sandra nasaan na yung pasyente mo?" tanong ko sakanya at yung isa namang babae ay mukhang nagulat ng makita ako.

"Shettt totoo siya." ani nito na mukhang shock na shock.

"Inihiga lang namin siya dito, pero bigla nalang siyang nawala hinahanap na siya ng pinsan niya kasi may nakapagsabi daw na tuamkbo siya papunta doon ilog na malapit sa Stygian." paliwanag nito kong kaya ay kaagad naman akong pumunta doon.

Sabi sakin ni Lolo Avestro reincarnated daw ako ni Haakon at dadating daw ang panahon na magkikita daw ulit kami ng babaeng pinangakuan ni Haakon na siya lang ang mamahalin nito sa susunod nitong buhay. Ibigsabihin ay ako yun at yung babaeng nasa drawing ko ay si Dilara at walang iba kundi si Fayra na naging pasyenti ko. Pagkadating ko sa Ilog ay kaagad kong hinanap ang punong sinasabi nila na parating pinupuntahan Haakon dahil doon niya unang nakita si Dilara at hindi naman ako nabigo na mahanap iyon ngunit wala doon ang babae tanging mga papel na may mga drawing ng mga lugar dito sa bayan ko.

"DILARA!" tawag ko sa babae.

"HAAKON!" rinig kong sigaw ng isang babae ko ng kaya hinanap ko 'yon kong saan nanggaling.

Kaagad akong tumakbo para salubungin ang taong papunta sakin at kaagad ko naman siyang nakita. Ang babaeng nakilala ko noon ay ngayon ay kaharap ko na ulit, ang oras namin ngayon ay nagtagpo na sa wakas.

FAYRA

Pagkagising ko kanina pagkatapos ko mawalan ng malay ay kaagad akong tumakbo papunta sa punong ito. Dito kami unang nagkita ni Haakon at sinabihan ko siyang dito kami ulit magkikita, ngunit wala siya rito. Oo, pagkatapos kong makita ang panyong iniregalo ko kay Haakon ng kaarawan niya ay isa-isa ng bumalik ang mga alaala ko.

"Haakon..." sabi ko at napa hagulsol sa pag-iyak ng maalalang nasa hinaharap na ako at siya naman ay nasa nakaraan na.

Pagkatapos kong ilabas lahat ng luha ko at lungkot ay napagdesisyunan ko ng maglakad pabalik dahil baka mag-alala ang mga kasamahan ko pero hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay naalala ko ang mga drawing ko, naiwan ko yata sa puno kanina kong kaya naman ay naglakad ako pabalik ng may narinig ako na siyang nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Dilara!" sigaw nito.

"HAAKON!" sigaw ko pabalik at saka tumakbo pabalik at doon ko nakaharap ang isang lalaki na napaka pamilyar sakin. Nag-iba man ang pananamit nito pero ang wangis nito at siyang-siya.

Naglakad ako papalapit sakanya at kaagad na hinawakan ang mukha niya.

"Totoo ka nga, ikaw na nga ito... Haakon." masayang sabi ko at mangiyak-ngiyak.

"Akala ko nga rin ay hindi totoo ang sinasabi nila sakin, pero heto ka... Dilara." sabi nito at hinawakan ang mga kamay ko hinalikan.

"Tinupad ko ang pangako ko sa'yo." naka ngiting sabi nito at hinila ako papalapit sakanya upang mayakap niya ako.

"Oo at upgraded kapa nga eh... doktor kana." masayang sabi ko sakanya.

"At ikaw naman ang una kong pasyenti. Bwena mano ka sakin." sabi nito na ikinagulat ko naman.

"That's my first duty as a doctor." nakangiting sabi nito kong kaya medyo kinilig ako. Sino ba naman kikiligin doon eh nag-aagaw buhay ako. Naglakad kami pabalik sa puno kong saan kami unang nagtagpo noon.

"Natatandaan mo din ba'tong puno?" tanong ko sakanya.

"Oo naman lahat ng panaginip ko eh ipinapakita sakin ang dati kong buhay." sagot nito habang hawak ang kamay ko.

"Eh bakit hindi mu'ko hinanap?" tanong ko sakanya na medyo may tampo.

"Eh akala ko kasi ng una hindi tunay yung mga panaginip ko pero nong makita kita sa emergency room ay doon na ako simulang naniwala lalo na nong tinawag mo akong Haakon." paliwanag nito kaya napatango naman ako.

"Bumawi." mahinang sabi ko at nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilain papalapit sakanya.

"Babawi talaga ako ngayon." sabi nito at marahang hinawakan ang ulo ko at inilapit sakanya.

"Mamahalin kita hanggang sa susunod ko pang buhay Dilara ko." nakangiting sabi nito.

"Ako din, ikaw lang hanggang sa susunod ko pang buhay Haakon ko." nakangiti ko ding sabi sakanya at maharan akong hinalikan saksi ang ilog at puno kong saan kami unang nagkita.







------------THE END------------

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon