XII: DARKNESS VS LIGHT

1 0 0
                                    

HAAKON

"Sinabihan na kita Haakon... kaya kitang patayin kagaya ng iyong ama." ani ni Jamalya at itinutok sa leeg ko ang espada nitong nababalot ng itim na Dusan.

"Hindi ako natatakot na mamatay Jamalya. Isang karagalan ang mamatay sa digmaan." Sabi ko sakanya at itinaas nito ang espada niya upang ako ay kanyang mapaslang ngunit may kong ano ang tumama kay Jamalya dahilan upang ito ay tumilapon papalayo sakin at dahilan para ako ay makawala sa mga itim na dusan na naka hawak sakin.

"Mukhang huli na yata ako." Ani ng isang pamilyar na boses konga kaya ay nilingon ko ito na syang ikinagulat ko naman.

"Dilara." Usal ko ng makita ang babaeng may suot na kalasag pandigma.

Lumapit ito sa'kin at hinawakan ang mukha ko na dati ay nakatago ngayon ay buo na ang makikita niya. Napangiti ito habang tinititigan ako.

"Kamukha mo sya." Ngiting sabi nito sa akin.

"Kamukha mo ang ama mo Haakon." Dagdag pa niya na ikinasaya ng aking puso.

"B-buhay ka Dilara." sabi ko sakanya at tumango naman ito.

"Buhay na buhay." naka ngiting sabi nito sakin at kinuha ang aking kamay at inilgay sa kanyang pisngi para madama ko ang init ng kanyang mukha.

"Pa anong nabuhay kapa Dilara, pinatay kana ng aking anak." galit na sabi ni Jamalya sa babaeng mahal ko kong kaya ay tinapunan siya nito ng masamang tingin.

"Malamang nabuhay ako para patayin ka." sabi sakanya ni Dilara.

"Isa kang hangal kong ganun, isa ka lang mortal na tao." panliliit sakanya ni Jamalya. Susugurin ko sana siya ngunit pinigilan ako ni Dilara.

"Mortal nga pero... nasa akin ang Dusan ni Bahalmos." sabat sakanya ni Dilara na siyang ikinagulat ni Jamalya at ng ibang taong nakapalibot sa'min.

"Galing ako sa kinabukasan ninyo, ako'y ibinalik dito sa panahon ninyo para tapusin ang dapat na matagal ay ginawa na ni Bahalmos." dagdag pa ni Dilara na mas ikinagalit pa niya.

"Imposible! hindi na makakabalik ang kapatid ko!" protesta nito.

"Bakit hindi mo ako subukan." hamon sakanya ni Dilara at hindi naman nag atubili si Jamlya na sugurin ang babaeng mahal ko gamit ang kanyang espada nyang nababalot ng mga itim na Dusan na kapag tumama sa iyo ay tiyak na ikakamatay mo. Pero ang hindi inaasahan ni Jamalya ay bigla nalang lumabas sa lupa ang mga matatalim na yelo na parang mga kristal kong kuminang. At bigla nalang umulan ng nyebe.

"Totoo ang sinasabi niya. Nagkaroon na ng nyebe ulit." sabi ni reyna Shenna.

"Pagkatapos ng dalawang put dalawang taon ay nagkaroon na ulit ng nyebe." manghang sabi ni haring Zulu.

"Ang ika-limang elemento ni Bahalmos." ani ni haring Zumtra na nasa likuran ko.

"Elemento ng nyebe." ani ni Chasta.

"Ama!" sigaw ni Jetrysus at sinubukang pakawalan ang kanyang ama ngunit bigo ito at walang talab ang espada niya.

"Pakawalan mo siya!" galit na sigaw nito kay Dilara kong kaya ay iniharang ko ang sarili ko sa harap ni Dilara.

"Dadaan ka muna sakin." sabi ko sakanya kong kaya ay nanlisik ang mga mata nito sa sobrang galit.

"Teka, hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo sakin. Masakit kaya yun." seryusong sabi ni Dilara sa likuran ko.

"Kong gayun... papatayin kita ulit." galit na sabi nito at kaagad na sumugod ngunit hindi pa man ito nakakalapit ng husto ay tinapunan siya ni Dilara ng mga yelo na matatalim kaya napatigil ito dahil kong magpapatuloy siya ay matutusok siya ng mga yelong nasa harap niya.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon