VIII: YOUR DESTINY

1 0 0
                                    

FAYRA

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko kay Haakon ng bigla nalang ako niyaya pagkatapos ng insayo nila sa Dukna.

"Ibibili kita ng damit na susuotin mo sa piging ni panginoong Bahalmos." sagot nito sa'kin.

Habang naglalakad kami papunta sa centro ay napatigil si Haakon kong kaya tinignan ko ang taong tinitignan niya.

"Haakon, sino siya?" usisa ko sakanya.

"Guro Jaquen." sabi nito at napangiti naman ang lalaking nasa harap namin.

"Akala ko ay hindi muna ako makikilala." ngiting sabi nito at lumapit saamin at nagkamayan silang dalawa pagkatapos ay napatingin sa'kin ang lalaki na si Guro Jaquen.

"At sino naman itong binibining kasama mo?" usisa nito.

"Siya si.. Dilara ang aking pares... Ang aking iniibig." sabi ni Haakon at kinuha ang aking kamay at tinitigan ako kita sa mga mata nito ang kinang kapag sinasabi niya iyon. Kahit na may takip ang mukha nito na tanging mata lang ang nakikita ay alam kong masaya ito dahil sa mga mata niya ay makikita mo ang tunay niyang pagkatao.

"Napaka swerting binibini. Alam mo bang hindi pa umibig si Haakon?" tanong nito sakin kaya napa lingo naman ako.

"Napaka ka swerte mo at bagay kayong dalawa, nawa'y maging masaya at puno ng pagmamahal ang inyong pag-iibigan." naka ngiting sabi nito sa'min.

"Tiyak na pupunuin ko siya ng pagmamahal guro." seryusong sabi ni Haakon sakanya.

"Sige mauuna na ako at pupuntahan ko pa si Zumtra dahil marami kaming pag-uusapan." Paalam nito sa'min kong kaya hindi na namin siya pinigilan at meron din naman kaming pupuntahan.

Pagkarating namin sa lugar na sinasabi ni Haakon ay namangha ako sa mga damit na tinitinda.

"Anong  gusto mo? Bibilhin natin." sabi nito sakin habang tinitigan ang mga damit na nasa harapan namin. Kanina pa niya hinahawakan ang kamay ko, hindi niya ito binibitawan para bang ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

"Ano ba sa palagay mo ang babagay sa'kin?" tanong ko sakanya at kunwari ay naghahanap ng damit na magugustohan ko.

"Kahit ano pa ang isuot mo ay sigurado akong babagay sa'yo." sabi nito sa'kin na tumunaw sa puso ko.

"Kukunin nalang namin itong limang piraso na inilabas ninyo." sabi ni hakon na ikinagulat ko.

"T-teka... ang dami naman non." pigil ko sakanya.

"Lahat ibibigay ko sa'yo mapa saya ka lang, aking Dilara." sabi nito kong kaya pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko.

"Pitong pirasong ginto." sabi nong tindira at nakita ko namang ini-abot ni Haaon ang limang pirasong parang holen ang laki.

"Heto po. Maraming salamat at balik po kayo." nakangiting sabi nong tindira sa amin.

Paglabas namin ni Haakon ay nasalubong namin si prinsesa Chasta at mukhang nagulat ito na makita kaming magkasama ni Haakon at saka napatingin din ito sa kamay namin ni Haakon na magkahawak ang kamay namin.

"Prinsesa Chasta, magandang gabi sa inyo." bati ni Haakon sakanya ngunit hindi na sumagot si prinsesa Chasta at tinanguan lang si Haakon.

"Mauuna na akmi prinsesa Chasta at kami ay bibili pa ng sapatos ni Dilara." paalam ni Haakon at saka yumuko at ganun din ako bago kami umalis.



ZUMTRA

"Malapit na ang piging ni Bahalmos, magdadalawang put dalawa na siya." ani ni gurong Jaquen na nasa harapan ko.

"Opo pero hindi naman bumubukas ang kanyang kapangyarihan simula ng nagbinata na siya." sabi ko naman sakanya.

"Marahil dahil wala pa sakanya ang espada ng kanyang ama." sabi nito kong kaya napatingin ako sakanya.

"Kong gayon, paano natin ito mahahanap?" tanong ko sakanya.

"Hindi na kailangan... sariling tadhana na nila ang nagtagpo sakanila." sabi nito na ikinataka ko naman.

"Ano ang ibig ninyong sabihin?" usisa ko.

"Ang babaeng kasama ni Haakon, nasasakanya ang espada ni panginoong Bahalmos." sagot nito sakin na ikinagulat ko.

"Nakikita ko sa loob ng babae na'yon na nasa kanya ang espada ni panginoong Bahalmos." paliwanag nito.

"Kaya pala kakaiba ang babaeng 'yon, nasasakanya pala ang espada ni panginoong Bahalmos." sabi ko at napangiti sa magandang balita.

FAYRA

"Napaka ganda naman ng mga damit na pinili ni ginoong Haakon para sa inyo binibining Dilara." sabi ni Cersei habang pinipili ang damit na isusuot ko para sa piging ni Bahalmos at kanina ko rin lang nalaman na kaarawan din pala ngayon ni Haakon kong kaya gumawa ako panyo at may burda ng bulaklak ni Xanth. Wala naman kasi akong gintong pilak kaya nagpatulong nalang ako kay Cersei kanina sa paggawa.

"Magugustohan kaya ito ni Haakon?" tanong ko kay Cersei habang hawak ang panyong ginawa ko.

"Oo naman po, basta gawa ninyo ay tiyak ako na magugustohan 'yan ni ginoong Haakon." sagot nito sakin kaya napangiti naman ako.

"Hali kana po at ng maisuot na ninyo ang damit ninyo." sabi nito sakin kaya napatayo naman ako.

HAAKON

"Ginoong Haakon nandiyan na sila." ani ni Rool kong kaya nilingon ko ang mga taong padating. Sina Dilara at Cersei.

"Pasensya na at naghintay kayo." sabi ni Dilara ng makalapit ito sakin.

"Napaka ganda mo naman aking Dilara." sabi ko at hindi ko mai-alis ang tingin sakanya.

"Maraming salamat sayo, hindi dahil sayo ay hindi ako makakapag-suot nito." ngiting pasasalamat nito kong kaya ako ay nasiyahan naman dahil nagustohan niya.

"Tara na? malapit na kasing mag-umpisa ang piging." singit naman ni Rool kong kaya tinignan ko siya.

"Sabi ko lang naman po." ani nito.

"Teka, may ibibigay pala ako sa'yo Haakon." ani ni Dilara at may inilabas na isang panyo.

"Heto, ginawa ko ito para sa'yo. " sabi nito at ibinigay ang panyo na may burda ng isang bulaklak.

"Bulaklak 'yan ng diyosang si Xanth dahil sa bulaklak na'yan nalaman ko na ang lahat." nakangiting sabi nito at lumapit sakin at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"Maligayang kaarawan Haakon, sana nagustohan mo ang aking simpleng regalo." nakangiting sabi nito kong kaya napangiti rin ako.

"Iyong binuo ang aking kaarawan Dilara, ito ang pinaka masayang kaarawan sa buong buhay ko." nakangiting sabi ko sakanya.

JETRYSUS

"Humanda kayo, nagyong gabi natin kukunin si Dilara." utos ko sa mga tapat kong tauhan.

"Guguluhin ko ang masayang pagdidiwang ninyo. Hindi ko papayagan na maging masaya kayo." seryusong sabi ko habang tinatanaw ang centro ng bayan kong saan ay napaka silaw dahil sa mga ilaw nilang dala na nilalagay sa ilog na naghahati sa mga kaharian.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon