II: THE AWAKENING

2 1 0
                                    

FAYRA

Nang matapos ang dinner ay nagyaya ang mga pinsan ko na uminom sa veranda ng bahay nila tita Marcel at nakisabay narin ako sa trip ng mga pinsan ko at habang lumalaim ang gabi ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa paligid tiala ba bumibigat ang nararamdaman ko katulad ng naramdaman ko bago ako maaksedenti sa skwelahan namin.

"Fayra okay ka lang?" Alalang tanong sakin ni Cyril ng mahalata ang kinikilos ko dahil panay ako lingon sa likuran ko.

"O-oo okay lang ako. Don't mind me." sabi ko sakanya ngunit mas lalong pang bumigat ang nararamdaman ko parang habang tumatagal ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Doon ko lang naaninag ang itim na usok na nakita ko noon. Ito yung humabol sakin noon dahilan para mahulog ako sa hagdan.

Bigla nalang ako napa tayo ng lumantad ito sa sinag ng buwan at gaya ko rin ay nakita rin ito ng mga pinsan ko dahilan para masigawan sila at magsigtakbohan ngunit ay naiwan dahil para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Sino ka at ano ka?" tanong ko rito ngunit bigla nalang ako nitong sinugod dahilan para tumilapon ako. Napaubo sa sakit ng likod ko na tumama sa malaking puno. Pinilit kong itayo ang sarili ko ngunit kaagad na naman ako nitong sinugod at sinakal. Sinubukan ko itong kamlutin ngunit hindi ko ito mahawakan dahil sa isa itong usok.

"Ikaw ba talaga ang pinili? Napakahina mo naman." Madiin nitong sabi sakin.

"Bitiwan mo ang anak ko!" Sigaw sakanya ni Papa at saka tinangka niya itong sugurin ngunit tumilapon sang si Papa papalayo.

"Walang hiya ka!" Sigaw ko dito ngunit tinawanan lang ako nito.

"Napakahina naman ng pinili ni Bahalmos. Isang mortal na walang kapangyarihan!" Pamamaliit nito sakin.

"Pakawalan mo ako!" sigaw ko dito.

"Nasaan ang espada ni Bahalmos? Ibigay mo sakin at pakakawalan kita." Sabi nito sakin na ikinataka ko naman.

"Anong espada? wala akong alam sa sinasabi mo!" sagot ko sakanya kong kaya nagalit ito at bigala nalang hinigop ang mga magulang ko at pinaluhod ito sa damuhan saka ako pinakawalan at lumapit ito sa mga magulang ko na naka luhod.

"Anong ginagawa mo sakanila?!" galit na tanong ko rito.

"Mamamatay sila kong hindi mo ibibigay sakin ang espada ni Bahalmos!" giit na sabi nito sakin.

"Hindi ang Bahalmos na sinasabi mo at wala talaga sakin ang espadang hinahanap mo." seryusong sagot ko sakanya.

"Madali naman akong kausap. Kong gayun magpaalam kana sakanila!" sabi nito at may kuryenting lumabas sa usok kong kaya kaagad akong tumakbo sa harap ng mga magulang ko at iniharang ang kamay ko sa kuryenting papalapit samin ng mga magulang ko ngunit nagulat nalang ako ng tumama iyon sa hawak kong espada.

"Paano 'to nangyari? Saan to nanggaling?" Tanong ko sa sarili sa sobrang gulat. Yung kuryenting pinakawalan ng itim na usok ay pumapalibot sa espadang hawak ko kong kaya ay tinignan ko ang itim na usok na papalapit samin at susugurin kami kong kaya agad kong hinampas ang espadang hawak ko sa papalapit na itim na usok dahilan para bumalik sakanya yung kuryenting pinakawalan niya kanina at bigla nalang sumubog ang maiitim na usok.

Sa sobrang gulat ko sa nangyari ay nabitawan ko yung espada ngunit hindi ito nahulog sa lupa kundi ito bigla nalang naglaho sa hangin at doon ko naalala ang espadang nasa panaginip ko. Katulad njito ang espadang nasa panaginip ko.Kaagad kong nilingon ang mga magulang ko at ang mga taong nasa palibot namin na takot na takot sa nangyari. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sakanila halos hindi ako makahinga para bang lahat ng enerhiya ko sa katawan ay para bang kinuha nong espada kanina kong kaya napa luhod nalang ako sa sobrang hina ng nararamdaman ko at may kong anong pumasok sa utak ko na mga larawan ng isang pinto na nakatago sa hardin dito sa bahay nila tita Marcel na isang ancestral house kong kaya ay pinilit kong itayo ang sarili ko at pinuntahan yun.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon