X: IT'S TIME

2 0 0
                                    

HAAKON

"Dilaraaaaaaaa!" sigaw ko ng saluhin ng babaeng mahal ko ang panang para sakin. Nakita ko ang pagbagsak ng katawan nito sa lupa na puno ng dugo na galing sa dibdib niya.

"Jetrysus!" Buong lakas kong sigaw dahil sa sobrang galit ko ay bigla nalang ako nakaramdam ng kuryenti sa aking kamay at unti-unting humulma ang isang espada.

"Ang espada ni panginoong Bahalmos." rinig kong sabi ni Avi ngunit wala akong pakailam sa naka palibot sakin dahil nakatuon lang ang mga mata ko sa taong nanakit sa babaeng mahal ko.

Sa sobrang lakas ng hangin sa palibot ay natanggal ang telang nakatabon sa mukha ko kong saan nakita nilang lahat ang buong mukha ko.

"Impossible! kamukha siya ni panginoong Bahalmos!" rinig kong sabi ni reyna Karishma.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa babaeng mahal ko!" galit na sigaw ko kay Jetrysus at kaagad siyang sinugod at buong lakas kong inihampas sakanya ang espadang hawak ko dahilan para maputol ang espada niya.

"Papatayin din kita Jetrysus!" galit kong sigaw at agad na kinontrol ang hangin at pagkatapos ay ibinato ko sakanya ang bumubulok na hangin dahilan para mapa tilapon ito. Napa luhod ito at napa ubo ng dugo bago ito nakatayo ulit.

"Tsk! Yun lang din ba ang kaya mo?!" seryusong tanong nito.

"Madami pa kaya humanda ka!" sagot ko at inilabas ko ang apoy sa kamay ko na ikinagulat niya. Ibabato ko na sana kay Jetrysus ang ang bolang apoy na hawak ko ng pumagitna si reyna Beeyana.

"Tama na!" awat nito sa'min.

"Ina?" usal ni Jetrysus.

"Tama na ito! noon ay nagpatayan ang mga ama ninyo, ngayon kayo na naman! Kayong magkapatid! tama na!" sabi nito na siyang ikinagulat namin.

"A-anong pinagsasabi mo ina?" utal na tanong ni Jetrysus kay reyna Beeyana.

"Magkapatid kayong dalawa! Jetrysus, Haakon." sabi nito at tinitigan ako.

"Kong sana ay naging matapang lang ako noon kagaya ni Dilara ay sana buhay pa si Bahalmos." mangiyak-ngiyak nitong sabi.

"Dilara." sambit ko sa pangalan niya habang umaagoy ang mga luha ko.

"Anak ko si Haakon. Siya ang panganay kong anak! ang tunay kong mahal ay si Bahalmos hindi si Jamalya." sabi nito.

"Beeyana!" rinig kong tawag sakanya ni Jamalya ng dumating ito.

"Hindi muna ako pagmamay-ari Jamalya, malaya na ako at ang Stygian! kaya lisanin na ninyo ang lugar na ito!" pagtaboy ni reyna Beeyana sakanya.

"Paano?"galit nitong tanong kay reyna Beeyana.

"Wala na ang kadenang porselas mo sa'kin Jamalya pinalaya na ako ni Dilara. Kaya umalis kana!" sigaw sakanya ni reyna Beeyana.

"Hindi ako papayag!" protesta nito at aakmang lalapitan si Reyna Beeyana kong kaya ay hinila ko si reyna Beeyana papunta sa likuran ko.

"Dadaan muna kayo sakin." madiin kong sabi sakanila.

"Sa amin din." ani ni Avi kasama sina Chasta, Sachi at Pyrrhos kong kaya walang nagawa sina Jamalya kundi ang lumisan.

"Ginoong Haakon." rinig kong tawag sa'kin ni Cersei kong kaya nilingon ko naman si Dilara na naka handusay sa lupa at nag-aagaw buhay. Doon lang ako nakaramdam ng sakit, yung kirot sa puso na makita ang babaeng mahal ko na nahihirapan. Kaagad ko siyang nilapitan at ikinalong sa mga bisig ko.

"Haakon." tawag nito sa pangalan ko at hinawakan ang pisngi ko.

"Fayra... Dilara ko." tanging sabi ko sakanya at napangiti pa siya.

"Iligtas mo ang mundo" hirap nitong sabi.

 "U-upang ma iligtas mo ako sa hinaharap." dagdag pa niya.

"Mahal kita... Fayra." tawag ko sa tunay niyang pangalan.

"M-mahal din kita... h-haakon....." sabi nito at ipinikit ang mga mata nito. At doon na ako napahagulgol sa pag-iyak. Ang pagkawala niya ay para ko na ding ikinamatay, nasasakanya ang puso ko at hindi ako iibig ng iba dahil siya lang ang babaeng iibigin ko hanggang sa mga sususnod ko pang buhay.

"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!" 

FAYRA

"Anak? ginising kana ba?" rinig kong tawag sakin ng pamilyar na boses kong kaya ay kaagad kong iminulat ang mga mata ko at doon ko nakita ang mga mukha  ng mga magulang ko kong kaya ay kaagad akong bumangon at niyakap sila.

"Anak, okay kana ba?" alalang tanong nila sakin.

"Bakit, ano po bang nangyari?" takang tanong ko.

"Hindi mo ba naalala ang nangyari kagabi?" balik na tanong sakin nila Mama at nakita ko ang sarili ko sa isang full size mirror. Ito yung suot ko ng una akong nakita ni Haakon.

"Nakabalik na ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

"Anong sinasabi mo anak?" usisa ni Mama ng marinig ako.

"Ano nangyari doon sa garden ni Lola?" tanong ko sakanila.

"Nadatnan ka nalang namin na wala kanang malay doon." sagot sakin ni Papa at kaagad ko namang tinignan ang relo ko, alas otso na ng umaga. Nakabalik na nga talaga ako.



Mag-iisang buwan na simula ng makabalik ako halos gabi-gabi napapanaginipan ko si Haakon. Nakikita ko na umiiyak siya  sa pagkawala ko na siyang nagpapabigat sa dibdib ko. Kaya naman araw-araw akong bumibisita kina Lola at pinupuntahan ko yung pader kong saan ako dumaan noon para makapunta sa nakaraan pero para na itong ordinaryong pader nalang.

Lumapit ako sa pader at hinawakan ito.

"Haakon, sana maging malakas ka na harapin sina Jamalya at Jetrysus. Mahal kita Haakon palagi 'yong tatandaan." sabi ko at tumalikod na saka naglakad papalayo.

"Fayra." rinig kong tawag sakin kong kaya naman ay nilingon ko ang taong tumawag sakin.

"Uuwi kana ba?" tanong nito sakin.

"Opo Lola, mukhang uulan narin ho kasi." sagot ko sakanya kaya napatango naman ito.

"Oh sige, mag-ingat ka sa pagda-drive." payo nito sakin kaya tumango naman ako bilang sagot ko sakanya at tumalikod na.

"At ngala pala Fayra." ani ni Lola kong kaya napa lingon ako sakanya.

"Kong gusto mong makita ang taong yan, buksan mo ang puso mo dahil magtatagpo at magtatagpo ulit kayo." naka ngiting sabi ni Lola bago ito naglakad papasok ng bahay niya.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay kinuha ko ang papel na may drawing ko ng mukha ni Haakon.

"Magtatagpo tayo ulit Haakon, pangako yan." sabi ko at ibinalik iyon sa bulsa ko.

Habang nasa byahe ako ay inabutan na ako ng malakas na ulat kong kaya ay binagalan ko lang ang pagpapatakbo ng kotse dahil sa madulas ang karsada ngunit sa hindi ko inaasahan ay may kong ano ang tumama sa kotse ko dahilan para umikot ang kotse ko at mabunggo ang ulo ko sa windshield dahilan para manlabo ang paningin ko.

"Doc she's in conscious." Rinig kong sabi ng babae ng maimulat ko ang mga mata ko ngunit napaka labo ng mga nakikita ko hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila. Maliban sa isang tao. Hindi ko alam kong epekto ba ito ng pagkaka-untog ng ulo ko pero sigurado akong siya 'yon.

"Haakon." mahina kong tawag sakanya.

"Miss you need to stay calm." rinig kong sabi niya na halos kaboses niya ngunit engleshero nga lang.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon