IV: CROSSING PATHS

2 1 0
                                    

FAYRA

"Binibining Dilara ako'y aalis muna saglit." paalam ni Cersei saakin kong kaya hindi ko na siya pinigalan pa dahil minsan lang daw itong pagtitipon at minsan lang niya makikita ang mga kakilala niyang taga ibang bayan kaya hindi ko na siya pinigilan pa. Si Haakon naman ay kinakausap ng mga matatanda doon sa gilid ng silid at mukhang seryuso naman ang pinag-uusapan nila kong kaya hindi na ako lumapit sakanya dahil baka madisturbo ko pa ang pag-uusap nila.

"Ahhh." ani ko ng may bumunggo sakin sa likod ko kong kaya nilingon ko ito at nagulat nalang ako kong sino ito.

"Pauumanhin binibini." Sabi nito at natahimik nalang ako sa gulat dahil kaharap ko ang isa sa mga prinsipe, si Pyrrhos ang may sandata ng apoy.

"Ahh.. wala ho yun. Hindi niyu kailangan humingi ng tawad." pakukumbaba ko sakanya ngunit ngumiti ito sakin na siyang ikinagulat ko naman dahil kanina sa buong pag-uusap ay napaka seryuso ng mukha nito para bang kapag mali ang isinagot mo sakanya ay bubugahan ka niya ng apoy. Hindi maipaggkakaila na napaka gwapo nito dahil sa medyo makapal na kilay nito ang mga mata nito na medyo may kasingkitan at matangos na ilong at saka ang mapupula nitong labi ang kutis nitong parang gatas. Walang duda na maraming babae ang nabibighani sakanya. Ngunit kong tititigan siya ng husto ay parang may pagkakahawig sila ni Haakon ngunit singkit ngalang ang mga mata niya.

"Ako ang nakabunggo sayo kong kaya dapat lang na humingi ako nga tawad sa'yo." sabi nito sakin kong kaya hindi na lang ako sumagot pa.

"Hmm, mukhang ikaw si Dilara ang sinasabi ni Haakon saakin kanina." singit naman ng isang lalaki na may napaka itim na kilay at ang mga mata nito na kulay asul at katulad ni Pyrrhos ay matangos din ang ilong nito at ang mapula nitong labi.

"A-ako nga at mukhang ikaw ang pinsan niya, tama ba?"ngiting tanong ko sakanya at nginitian ako.

"Ako nga kinagagalak kitang makilala, ako si Avi pinsan ni Haakon anak ni haring Zumtra." ngiting sagot nito sakin.

"Binibining Dilara, ako naman pala si Pyrrhos anak ni haring Zulu galing sa Stygian." sabi nito at kinuha ang kamay ko at aakmang hahalikan ito ngunit kaagad iyong inagaw ni Haakon na siyang ikinagulat ko naman at si Pyrrhos naman ay napangisi pa sa ginawa ni Haakon imbis na magalit ito.

"Alam mong sagrado ang paghalik sa kamay ng isang babae prinsipe Pyrrhos ngunit si Dilara ay walang maalala sa kanyang buong pagkatao kong kaya't hindi natin sigurado kong nakalaan na pala si Dilara sa ibang lalaki." paliwanag ni Haakon kong kaya napatingin naman ako sa kanya na kaagad naman niyang hinuli ang mga tingin ko sakanya. Minsan nawewerdohan na ako kay Haakon kasi sa totoo lang napaka gwapo pa kaya niya dito sa dalawang prinsipe na kaharap ko at mas gwapo pa siya doon sa creepy na si Jetrysus.Gwapo ngayon pero katakot naman tignan para bang sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sakin kanina ay kumukulo ang dugo ko na hindi ko alam para ba akong may sama nang loob sakanya. Pero teka bakit ginawa yun ni Haakon kanina?

"A-ano bang ibig sabihin ng paghalik sa kamay ng isang babae?" curious na tanong ko sakanila at napangisi naman si Pyrrhos at Avi na siyang ikinataka ko naman kong kaya tinitigan ko si Haakon.

"Ang paghalik sa kamay ng isang babae ay pruweba na ikaw ay nakalaan na sa taong humalik sa iyong kamay." paliwanag nito sakin na ikinagulat ko naman.

"Haakon." tawag ng isang babae at may kasama itong isa pang babae na naglalakad papalapit saamin. Ito yata ang sinasabi sakin kanina ni Cersei sina Chasta at Sachi.

"Prinsesa Chasta." Ani ni Haakon ng magharap sila.

"Matagal din tayong hindi nagkita, kamusta kana?" ngiting tanong ni Chasta na napaka gandang babaeng titigan. Hindi mo talaga mapagkakaila na isa siyang prinsesa dahil sa napaka hinhin nito kong gumalaw. Napaka puti ng balat niya para bang nyebe at yung labi niya napaka pula at pinaresan pa ng maliit nyang mga mata at maliit ngunit matangos na ilong sarap pisilin.

"Mabuti naman prinsesa." ngiting sagot naman ni Haakon sakanya at kong titigan mo silang dalawa ay parang may something sa kanila.

"Sino naman itong kasama mo Haakon? parang ngayon ko lang siya nakita rito?" Tanong ng kasama ni Chasta na si Sachi na napaka singkit ng mata ngunit ito ay mga kulay berde at may matangos din itong ilong at maliit na pulang mga labi.

"Ah sya pala si Dilara ang---" naputol nalang ang sasabihin ni Haakon ng may tumawag kay Pyrrhos kong kaya napalingon kaming lahat sa tumawag kay Pyrrhos at walang iba kundi si Jetrysus na magkasalubong ang mga kilay nito nanindig na naman ang mga balahibo ko ng magtama na naman ang paningin namin ni Jetrysus. Ano bang meron dito sa taong 'to na sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay naninindig ang mga balahibo ko at bigla nalang umiinit ang ulo ko sakanya. Baka siguro dahil doon sa mga itim na usok na naka palibot sa palasyo nila na syang sumugod sakin at dahilan para mapunta ako dito sa mundo nila.

"Prisipe Pyrrhos mukhang tinatawag kana ng pinsan mo." ani ni Avi at tinapik sa balikat si Pyrrhos sa balikat.

"Oo nga, oh siya binibining Dilara kong gusto mong bumisita sa aming kaharian ay ikinalulugod kitang bumisita doon... mauuna na akong umalis." ngiting paalam ni Pyrrhos samin kong kaya tumango nalang ako sakanya bago ito tumalikod saamin. 

"Prinsesa Sachi ipinatatawag na ho kayo ng inang reyna ninyo." singit ng isa sa mga tauhan ng Aksumite kong kaya nagpaalam narin si Sachi saamin.

"Prinsipe Avi at Ginoong Haakon pinapatawag na ho kayo ni haring Zumtra." sabi naman ng isa sa mga kawal ng Kanaria.

"Prinsesa Chasta kami ay mauuna narin sayo. Tara na pinsan." paalam ni Avi kay Chasta kong kaya kaagad na kaming sumunod kay Avi paalis at napansin ko nalang na nag-iba ang mood ni Chasta ng hilain ni Haakon ang kamay ko. Naku naman po!

"Ama." tawag ni Avi sa lalaking medyo may edad na sa kanila. Ito ba yung tatay niya? mukhang limang taong lang ang agwat nila dahil sa hitsura nito.

"Ito ba si Dilara?" ngiting tanong ni haring Zumtra sakanila ni Haakon.

"Opo tiyo." sagot ni Haakon sakanya.

"Magandang araw po sa inyo." bati ko sakanya at tumango naman ito at ngumiti.

"Ikinagagalak kitang makilala Dilara, sanay maging komportable ka saaming tirahan habang ikaw ay nagpapagaling." ngiting sabi nito sakin kaya tumango nalang ako bilang sagot ko dahil sa nahihiya ako makipag-usap sakanya.

"Avi, tara na umuwi na tayo." sabi nito sa anak niya kong kaya naman inilahad nito ang kamay at isinara na para bang mayhinahawakan itong bagay pero na bigla nalang ako ng lumitaw ang espada nito sa kamay niya, sa gulat ko kay napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Haakon.

"Huwag kang matakot." rinig kong sabi ni Haakon sakin ngunit ang atensyon ko ay nandoon sa espada ni Avi na kanyang itinusok sa sahig at sa isang iglap lang ay nasa harap na kami ng kanilang tirahan sa Kanaria.

"Salamat anak." sabi ni haring Zumtra sa anak at yumuko naman kaagad si Haakon at Avi at ako naman ay sumunod nalang din sakanila. Pagkaalis ni haring Zumtra sa harap namin ay binuksan na ulit ni Avi ang kamay niya at yung espada ay bigla nalang naglaho sa hangin.

"Possible kaya yun?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Possible ang ano Dilara?" tanong sakin ni Haakon at kamuntikan pa akong mapatalon sa gulat. Napakatalas talag ng tenga nitong lalaki na'to.

"Wala... teka pano si Cersei? naiwan siya?" alalang tanong ko ng maalala si Cersei.

"Maya-maya ay dadating nadin sila, huwag kang mag-alala sakanya." ngiting sabi nito sakin.

TALES OF KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon