CHAPTER 1

470 359 132
                                    

“Zhaiana!!”

Napairap ako ng marinig ang matinis na boses ng kaibigan kong tinatawag ang napakaganda kong pangalan.

Siya si Kianna, Ang nag iisa kong kaibigan. Oo, kaisa isa dahil siya lang ang nakatagal sa masama kong ugali. Hindi naman ako masamang tao pero iniiwasan nila ako.

Mabait ako sa taong mabait saakin.

Ewan ko ba! Mabait naman ako pero madaming may ayaw saakin, siguro ay dahil prangka ako kung mag salita.

Kung ako prangka mas prangka siya, Jusko pag si kia nag salita walang tigil ang pag buka ng bibig niyan, parang armalite ang bunganga niyan sa sobrang daldal at minsan ay wala pang preno.

Si kia 'yung tipo ng tao na sasabihin niya ang gusto niyang sabihin, parang hindi pinag iisipang mabuti ang mga lumalabas sa bibig niya.

Pero kahit ganiyan si kia, maaasahan 'yan, kapag kailangan mo ng tulong o ng karamay sa mga problema mo, palagi siyang nandiyan sa tabi mo para punasan 'yang mga luha mo, handa siyang maging matibay na bakod para may masandalan ka.

Kahit na ang totoo ay marupok siya.

Kapatid na ang turing ko kay Kia, Matagal na kaming mag kaibigan, mga limang taon na rin. Siya ang nag ligtas saakin noong muntik na akong mabangga ng dahil sa kalutangan ko.

She's beautiful like me, matalino at mayaman. Oo matalino siya tamad lang talaga.

“Shuta may pa exam pala si panot ngayon?”

Natawa ako dahil sa itinawag niya saaming guro sa mathematics.

“Oo, sinabi niya kahapon ah? Hindi mo ba narinig?”

“Narinig,” ngumuso siya at bigla nalamang ngumiti na parang may naisip na kalokohan.

“Bespren, nag review ka? Ako kasi hindi, baka naman ano hehe,”

Napairap ako sa hangin dahil doon, kahit hindi niya sabihin, alam ko na agad ang gusto niyang iparating.

“Sagot mo lunch ko,” Saad ko.

Mas lumapad naman ang ngiti niya dahil sa sinabi ko, tumayo siya at biglang hinalikan ang pisngi ko.

“Eww” nandidiring saad ko at pinunansan ang pisngi kong may bakas ng lipstick niya.

Hobby niya 'yan, Ang biglang hahalik sa pisngi mo.

“Saan mo ba gustong kumain mamaya? Ano ano ba ang gustong kainin ng napakaganda at napakabait kong kaibigan?”

“Binola mo pa 'ko,” natatawang sabi ko sakaniya at nag isip kung anong gusto kong kainin mamaya.

“Gusto ko ng unli wings,”

“Sige, may malapit namang kainan ng unli diyan sa labasan, doon nalang tayo kumain since maraming nag sasabi na masarap daw ang luto doon. Gusto ko ring matikman!”

Tumango nalamang ako at hindi na sumagot dahil pumasok na ang panot naming guro.

“Get one whole sheet of pad paper,” bungad niya.

“Sir, one whole?” tanong nang kaklase kong si Yoan

“Boplaks rin 'tong si yohan eh, kasasabi lang ni panot,” natatawang sabi ni Kia.

Mag katabi kami ni kia, Mabuti na nga lang at siya ang katabi ko, makakapag chismisan kami.

“Ay hindi! One fourth,” Pamimilosopo ni sir Panot.

Panot ang tawag namin sakanya dahil hirap kaming bigkasin ang pangalan niya, pero syempre kami lang ng kaibigan ko ang tumatawag sakaniya non, mahirap na, baka makarating sakaniya't ibagsak pa kami.

PRECEPTOR'S LOVE Where stories live. Discover now