CHAPTER 4

398 347 85
                                        

Tapos na ang klase, natuloy ang pan lilibre saakin ni Kianna kanina dahil sa pangungulit ko.

Pauwi na ako ng maalala kong bibili pa nga pala ako ng bagong lace ng id ko.

Nginatngat kasi ito ng aso ko kagabi habang gumagawa ako ng assignment, ayos na rin 'yon dahil pasira naman na dahil mag dadalawang taon ko na rin 'yong gamit.

Matapos ang naging usapan namin ni Luke kanina ay pumunta ako sa science faculty kaso walang teacher na naroon, understandable naman dahil nga lunch noong pumunta ako.

Babalik ako roon ngayon para bumili, meron naman na sigurong teacher doon sa ganitong oras. Uwian na rin naman ng ibang students.

"Samahan na kita,"

Tumango nalang ako kay Luke, Nasabi ko kasi sakaniya kanina na bibili ako ng new lace ko, sinamahan niya pa ako kaso nga walang tao kaya sabi niya ay sasamahan raw niya ulit ako ngayon.

Pumayag na ako dahil ayoko ring pumuntang mag isa roon, baka kasi nandoon si sir texon, tanungin pa ulit ako.

Nag kwe-kwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng Faculty, kakatok na sana ako ng mag ring ang phone niya.

"Si mommy,"

Sumenyas si Luke nasasagutin raw niya ang tawag kaya tumango ako. Kumatok na muna ako at mag isang pumasok, hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang may humila saakin at pabagsak na sinarado ang pinto tyaka niya ako isinandal roon.

Dahil sa gulat ay napatili ako, napahugot ako ng hininga nang may lunapat na malapad na kamay sa bibig ko, tinakpan niya ito para hindi ako makagawa ng ingay.

Nanlamig ang katawan ko nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, bumaling ng kaunti ang kaniyang mukha para bumulong.

"Why are you with him?"

Nag taasan ang buhok ko sa batok nang marinig ang nakakakilabot niyang bulong, Sobrang bilis nang kabog ng puso ko, hindi lang ito dahil sa pag kabigla, dahil na rin sa mukha naming mag kalapit.

Tinanggal niya ang kamay niya sa may labi ko, bahagya rin siyang lumayo para makita ang kabuuan ng mukha ko.

Inilibot ko ang mata sa loob ng faculty, Para akong nabunutan nang tinik ng makitang walang tao sa loob ng faculty maliban saaming dalawa.

"Don't make me repeat my question, Ms. Akiherra."

Bumalik at tingin ko sakaniya. Napalunok ako ng titigan niya ang mata ko kasabay ng pag igting ng kaniyang panga.

"S-sinamahan lang niya a-ako dito," kinakabahang sagot ko.

Bahagya ko siyang itinulak para lumayo siya saakin dahil baka may biglang pumasok at makita pa kami sa ganitong posisyon.

Mahirap na, baka pag isipan pa nila kami ng masama.

"Bakit? Hindi mo ba kayang pumunta dito ng mag isa? Is he holding your foot?"

Nangunot ang noo ko dahil sa sarkastikong tanong niya.

Problema nito?

"Eh ba't ka ba galit? Sinamahan lang naman niya ako dito ah? Masama ba 'yon? T-tyaka lumayo ka nga sa'kin sir, baka may maka kita pa saatin dito at kung ano pa ang isipin nila,"

"I don't care if someone would see us. Isipin nila ang gusto nilang isipin,"

"P-pwede kang tanggalan ng license dahil sa ginagawa mo. Tigilan mo na 'to, tigilan mo na 'ko please..."

Sinubukan ko ulit siyang itulak at sa pag kakataong ito ay hinuli na niya ang kamay kong nasa dibdib niya.

"Ayoko,"

PRECEPTOR'S LOVE Where stories live. Discover now