CHAPTER 9

147 112 5
                                        

"Saan kayo galing?" Tanong ni kia habang inayos namin ang tent na tutulugan namin ng isang gabi. "Nag enjoy ka bang kasama si sir kaya ang tagal niyo, ha?"

Napairap ako ng asarin nanaman ako ni kia.

"Wala, nag pahinga lang kami sa may falls na nadaanan namin dahil baka raw hikain ulit ako," Saad ko.

Matapos ang naging usapan namin ni sir kanina ay hindi na kami muling nag usap pa. Ako ang naunang nakarating dito dahil iniwan ko siya roon.

Hindi ko makayanang kasama siya ng matagal. Ayoko ring buksan ang usapin tungkol sa nakaraan.

Hindi pa ako handa.

"Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?"

Hinarap ako ni kia ng matapos naming ayusin ang tent naming dalawa. Share kami sa tent ko since malaki naman ito.

"Ayos na ako. Dahil siguro sa init kaya ako napagod kanina,"

Pumasok ako sa loob ng tent para maayos ang higaan namin. Inilabas ko ang comforter na dala ni kia at inaplag ko ito para hindi masakit sa likod ang hihigaan namin mamaya.

"Mabuti't may dala kang inhaler,"

Bahagya akong napatigil sa ginagawa ng maalala ang nakakausap ko sa telepono.

Ang nag paalala saakin na dalhin ang inhaler ko.

Tumabi saakin si kia at tinulungan akong ayusin ang comforter. Nang mailagay na namin ay inilabas na namin ang mga unan na dala naming dalawa, Ang bag naman namin ay inilagay namin sa gilid.

"Mabuti nga at may nag paalala saakin na dalhin ko 'yung inhaler ko eh," napabuntong hininga ako. "Salamat sakaniya, siguro kung hindi niya pinaalala saakin ay baka natigok na ako kanina,"

Oa sa tigok pero malay mo 'di ba? Sa init ng panahon ngayon ay maaari ka ng matigok sa pag lalakad lamang sa initan.

Pero sino ba naman kasing tanga ang mag lalakad sa init?

"Sinong nag paalala? Tyaka bakit kailangan pang ipaalala? Hindi ba dapat ay palagi mo iyong dala, just in case bigla kang atakihin,"

Liningon ko siya.

"Oo, pero sa nagdaang taon kasi ay hindi ko na dinadala. Akala ko kasi talaga wala na akong hika hindi na rin naman kasi ako inaatake," napailing ako.

Totoo 'yon, matagal ng hindi umaatake ang astma ko, ngayon nalang talaga. Siguro ay na trigger ito kaya umatake.

Mag sasalita pa sana siya ng marinig namin ang isang tunog ng pito mula sa labas. Sabay kaming sumilip ni kia, ang mga guro ay nasa gitna kung saan nakatayo ang mga tent namin.

Lumabas kami ni kia ng mag labasan sa kaniya-kaniyang tent ang mga kasamahan naming estudyante.

"Good morning, students." bati ng isang guro.

"Good morning, teachers." sabay sabay na pag bati naming mga studyante.

"Nakapag pahinga na ba ang lahat?" tanong niya. "May inihanda ang ating SSG's na umagahan, halina't kumuha muna kayo ng makakain para may lakas kayo sa mga activities natin para mamaya,"

"Hay salamat naman at may pagkain. Nagutom ako sa byahe," Saad ni kia, sumang ayon naman ako.

"Hali na kayo't kumuha ng pagkain, isa isa lang ah? Pumila kayo,"

Gutom na rin ako dahil sa haba ng byahe namin, hindi ko rin kasi naubos ang chips na binigay ni Luke kanina.

Speaking of Luke, napalingon ako sa gawi niya. Nag tama ang mga mata naming dalawa. Malungkot at puno ng pag sisisi ang mga mata niya.

PRECEPTOR'S LOVE Where stories live. Discover now