CHAPTER 5

376 329 48
                                        

I woke up 6 in the morning when my brother knock on my room and gave me a bouquet of white tulips.

Ang sabi niya ay nakita niya ito sa labas ng gate namin kaninang pag uwi niya galing sa trabaho. He check the cctv para tignan kung sino ang nag iwan nito pero Isang delivery rider ang nakita namin.

Sinubukan pang mag doorbell ng rider pero Walang lumalabas, marahil ay hindi ko narinig dahil tulog pa ako.

Walang iniwang pangalan ang nag bigay ng flowers saakin, kahit clue ay wala. I was thinking that it was Luke dahil siya lang naman ang mahilig mag bigay saakin ng bulaklak.

But no, I wasn't Luke. Dahil kung si Luke nga ang nag bigay nito ay paniguradong may iiwan siyang letter na may pangalan niya at may pasok kami ngayon, paniguradong sa school 'yon mag bibigay ng bulaklak at hindi dito sa bahay.

I was staring at the bouquet of white tulips when my phone beep.

I walk near at my bed side table and take my phone. I sat on my bed before I open my phone. As I open my phone, I saw the unregister number on my notification.

From unknown number:
Good morning. Start your day with a smile!

Hindi ko na dapat siya rereplyan ng makatanggap ulit ako ng panibagong mensahe mula sakaniya.

From unknown number:
Did you receive the flowers?

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Napalingon ako sa tulips na nasa kama ko bago ibalik ang paningin sa telepono ko.

To unknown number:
Sa'yo nanggaling 'yon?

From unknown number:
Yeah, you like it?

Of course!

From unknown number:
Of course you do. Tulips is your favorite flowers, right?

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

To unknown number:
How did you know!?

From unknown number:
I've told you, I got my ion you.

Napailing nalamang ako dahil sa isinagot niya. But at the same time ay napangiti.

No one knows that tulips is my favorite flowers, so I'm wondering how did he knows it.

From unknown number:
Eat your breakfast already. See you later.

Hindi ko na siya nireplyan. Tumayo na ako at kinuha ang vase sa side table ko, I took the tulips and put it on the vase.

The tulips is so pretty, ang fresh. Parang kakukuha lamang nito.

After kong ilagay ang tulips sa vase ay ibinalik ko na ito sa side table ko and I walk out of my room, bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Pag baba ko ay nakita ko si kuya na nag aayos ng Plato sa mesa. Halata ang pagod sa mga mata niya, may itim sa ibaba ng kaniyang mga mata.

Nag mukha tuloy siyang panda.

“Kuya, kumain na tayo. Ako nalang ang mag huhugas ng mga plato mamaya para makapag pahinga ka,”

Napalingon siya saakin, nag lakad siya sa usual seat ko para ipag hila ako ng upuan.

Ang sweet talaga.

“Kain kana, baka ma late ka pa,”

Tinanguan ko nalamang siya. Napanguso ako ng lagyan Niya ng fried rice Ang Plato ko.

“Kuya, kaya ako na 'yan, Hindi na 'ko bata para pag silbihan. Umupo ka na lang para maka kain kana rin,”

Nang malagyan niya na ng pagkain ang pinggan ko ay umalis siya, pag balik niya ay may hawak na siyang baso ng gatas at kape.

PRECEPTOR'S LOVE Where stories live. Discover now