CHAPTER 8

338 280 102
                                    

Kasabay ko si kia'ng umakyat ng bundok. Matapos ang nangyari sa paanan ng bundok kanina ay hindi na kami nag hiwalay.

Nasa kanan ko siya at sa kaliwa naman ay si mojo. Nilagyan ko na siya ng tali para mag lakad siya tyaka para mahawakan ko rin ang bag niya.

Nahuhuli kami ni kia sa pag lalakad, nauna na ang ibang students at teachers kanina. Si Luke ay hindi ko alam kung nasaan siya, sa tingin ko ay kasama ang mga kaibigan niya.

Nasa likuran naman namin si Sir Texon at ma'am Licay na pinili talagang mag pahuli para sabayan si sir Texon.

“Kanina pa ako nauurat sa teacher na 'yan. Napaka daldal,” bulong saakin ni kia para hindi kami marining nung dalawa.

'kala mo naman talaga hindi siya maingay.

“Maingay ka rin naman ah, naurat ba 'ko?” pag aasar ko sakaniya.

Nginusuan niya naman ako at pabirong inirapan.

“Ibang klase naman 'yung ingay ko eh,” nakanguso pa ring saad niya.

“Sige na, Sir. Isang gabi lang naman eh, pag bigyan mo na 'ko,”

Nag katinginan kami ni kia, may pandidiri sa mukha niya ng marinig ang matinis at impit na boses ni ma'am Licay.

Kadiri naman, tanda tanda na nag be-baby talk pa rin. Hindi na nahiya samin ni kia na naririnig silang nag uusap.

“No ma'am, hindi tayo pwedeng mag share sa iisang tent,”

Napasinghap ako dahil sa narinig.

Ganiyan na ba talaga ka desperada si ma'am Licay na masolo ang lalaki na pati sa tent ay gusto niya itong makasama?

“Grabe, may tinatago rin palang landi si Ma'am,” bulong ni kia. “Pero kunsabagay, ganiyan din naman siguro ang gagawin ko kapag may pogi,”

Napailing nalamang ako. Basta talaga gwapo, eh 'no?

“Why not? We won't do anything wrong naman. Tyaka you're single, right sir? So walang magagalit kung sakali. So come on! Just one night” pamimilit niya.

Nag katinginan kami ni kia at sabay na napailing, bakas ang pandidiri sa aming mga mukha.

“Ma'am, I'm not here to do such thing like that,” madiin ang pag kakasabi ni sir texon non. Bakas sa boses niya ang pag pipigil. “And not because I'm single does it mean I'll do it with you. You're just my co-teacher ma'am, and I'll respect you so please respect me too..”

Tama! Namimilit pa kasi eh.

Natahimik si ma'am Licay dahil sa sinabi ng guro. Hindi na namin siya narinig na nag salita.

Patuloy pa rin kami sa pag akyat ng bundok, tahimik na lamang ang dalawang guro sa likuran namin at ganoon din kami ni kia, tanging ang tunog ng kahoy at tuyong dahon na natatapakan lamang ang maririnig.

Mahaba-haba na rin ang nilakad namin, dinig ko na ang mabilis na pag tibok ng puso ko dahil sa pagod.

“Ayos ka lang ba? Namumutla ka,” tanong ni kia.

Napalingon ako sakaniya at tipid na ngumiti.

“Don't mind me, I'm okay,” hindi nawala Ang pag aalala sa mata ni kia, lumingon siya sa dalawang guro na nasa likuran namin.

“Ma'am sir, pwede po bang mag pahinga muna?” tanong ni kia, Napalingon ako sa dalawang guro at agad na nag tama ang mata Namin ni sir texon.

Napaiwas ako ng tingin ng bumaba ang mata niya sa labi ko. Kita ko sa peripheral vision ko ang pag kunot ng noo niya.

PRECEPTOR'S LOVE Where stories live. Discover now