Wala masyadong ginawa ngayong araw. Kaunti lang ang pumasok na teacher kanina para mag discuss dahil nag hahanda na ang mga guro sa gaganaping camping.
Every year nag kakaroon ng camping ang school namin. Pili lang ang mga estudyanteng sinasama nila at kadalasan ay ang mga may achievers at nasa special programs lang.
At isa na kami doon ni kia at Luke, dahil nga kabilang kami sa achievers ay palagi kaming kasama sa camping.
“Mag iingat ka doon ah? Kapag nakasagap ka ng signal, tawagan mo ako. Update me from time to time kung maaari, understood?”
Tumango ako at ipinag patuloy ang pag aayos ng gamit na dadalhin ko para sa camping. Tatlong araw daw kami sa bundok, 'yon ang sabi saamin ng mga kasama naming teacher.
Napatigil ako sa pag tutupi ng damit ko ng sumagi sa isip ko si sir Texon.
Sasama kaya siya?
Sana naman ay hindi, ayoko siyang makasama ng tatlong buong araw. Pero ayos lang rin kung sasama siya dahil magiging komportable ako kung kasama siya.
I don't know why but I'm not comfortable going to a camping with other people na hindi ko gaanong nakaka usap. Kahit pa kasama si kia at Luke, Ayoko pa ring sumama.
No choice lang dahil may grado din ang mga sasama sa camping specially kaming mga achievers.
“Kunin mo 'tong binili kong power bank, para pag na lowbat ka ay makakapag charge ka. Solar 'yan, kapag naubos ang battery ay itutok mo lamang siya sa araw,”
Kinuha ko ang power bank sa kamay ni kuya at inilagay ito sa mini backpack ko. Nang maayos ko na ang mga dadalhin ko ay nag ayos na ako para matulog.
Umupo ako sa kama ko agad namang tumalon doon si mojo at nahiga sa lap ko. Inilagay ko ang kamay ko sa ulo niya.
“Kuya, paano si mojo?” tanong ko kay kuya habang hinihimas ang kamay sa ulo ng alaga. “Sinong mag papakain sakaniya?”
“Sino pa ba? Syempre ako.” inilagay niya sa gilid ng table ang bag na dadalhin ko para sa camping bago naupo sa tabi ko. “Dito ako uuwi,”
“Huh? Malayo 'yung pinag tra-trabahoh-an mo dito sa bahay, hassle kapag dito ka uuwi,”
“Kaya ko naman, tyaka walang pag iiwanan kay mojo, Hindi ko naman siya pwedeng kunin sa apartment ko dahil hindi pwede ang aso doon. Sa makalawa pa ang uwi nila mommy kaya walang mag babantay sakaniya kapag hindi ako uuwi,”
Napanguso ako. Tumingin ako kay mojo na ngayon ay mahimbing na ang tulog sa lap ko.
Hassle kapag dito uuwi si kuya, Sayang pa sa gas. Tyaka nasa dalawang oras ang byahe mula dito hanggang sa apartment niya, Sayang ang oras na mag mamaneho siya papunta't pabalik.
Isama ko nalang kaya siya? Pwede ko naman siguro siyang dalhin sa camping?
Mag papaalam nalang ako.
“Hindi na kuya, isasama ko nalang siya. Sayang sa gas kapag dito ka umuwi, tyaka 'yung dalawang Oras na pag mamaneho mo papunta rito sa bahay, gamitin mo nalang 'yon para mag pahinga,”
“Pwede bang mag sama ng alaga roon?”
“Hindi ko alam, mag papaalam nalang ako,”
Napabuntong hininga siya. “Fine, tell me kapag pumayag sila o hindi,”
Tumango ako. Tumayo na siya at nag paalam na mag papahinga na, hinalikan niya na muna ang tuktok ng ulo ko bago siya lumabas.
Pagkasarado ni kuya ng pinto ay dahan dahan akong tumayo at inilapag si mojo sa kama para hindi ito magising.

YOU ARE READING
PRECEPTOR'S LOVE
RomanceStarted: 01/02/23 Mali sa tingin ng iba ang pag mamahalan ng isang guro at estudyante, pero mas iintindihin mo pa ba ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman mo? Sino nga ba ang susundin mo? Ang isip mong nag sasabihing 'hindi kayo puwede at dapat...