Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata 'ko, Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bintana.
Akala ko ay sa bintana naka hilig ang ulo ko.
Dahan dahan akong umalis sa pag kakasandal ko sa isang matigas na bagay, nang maka alis na ako sa pag kakasandal ay mabilis ko itong nilingon.
“Hala! Nakakahiya!”
Mahinang bulong ko ng makita si sir Texon na nakapikit ang mga mata, nasa lap niya naman si mojo na natutulo.
Siya pala ang nasandalan ko kanina.
Napakagat labi ako ng makita ang bakas ng tubig sa damit niya.
Baka laway? Laway ko kaya 'yon?
Kinapa ko ang gilid ng labi ko, may natuyong laway nga doon!
Nakakahiya! Nalawayan ko ang suot niya! Sinandalan ko na nga siya tapos nalawayan ko pa!
Nanlaki ang nga mata ko ng dahan dahan niyang umulat ang mga mata niya. Agad na nag tama ang mga mata naming dalawa.
Kita ko ang bahagyang pag laki ng mga mata niya ng nakasalubong niya ang mata ko.
Hindi ko magawang alisin ang tingin sa namumungay niyang mata at ganoon din siya saakin.
“May isang oras pang byahe, bumaba na muna tayo para mag banyo o bumili ng makakain.”
Boses ng isang guro ang nag pahiwalay sa tinginan naming dalawa.
Napatingin ako sa labas ng bintana, may mga bus at pasaherong nag hihintay sa waiting area, may bilihan rin ng mga pag kain.
“Do you want to eat something?” Napalingon ako sa tabi ko.
Wala na siya roon, naka tayo siya at hinihintay ang sasabihin ko.
Napalingon ako sa labas ng bus,walang balak na sagutin siya. Tyaka hindi ko na sana siya sasagutin dahil busog pa naman ako kaso biglang tumunog ang tyan ko ng makita ang chips na hawak ng isang bata sa labas ng bintana.
“Chips,” bulong ko.
Narinig ko ang marahan niyang pag lakad, tumingin ako sakaniya at nakita siyang naka talikod na saakin, handa ng mag lakad palabas ng bus.
“I'll buy you chips then,” sagot niya.
Dinig kong sabi ng niya. Napanguso nalang ako dahil sa narinig.
Tsk. Narinig niya pala ang bulong ko. Ang lakas talaga ng pandinig niya.
Napalingon ako kay mojo ng gumalaw siya. Kinuha ko ang bag sa ilalim ng upuan ko at Inilabas ang sausage na dala ko at ipinakain ito kay mojo na kagigising lang.
“Tagal ng tulog mo ah?” I pat his head. “Mabuti at comfortable ka pa rin sa daddy mo,”
Kahit naman kasi hindi naging maganda ang samahan namin ay nag papasalamat pa rin ako kay Azi dahil kung hindi dahil sakaniya, Wala si mojo saakin ngayon.
Pinakain ko lang si mojo at chineck ang diaper niya para tignan kung nag dumi ba siya o puno na ng ihi ang diaper niya.
Pag katapos non ay nilaro laro ko lang siya, unti unting nag balikan ang mga guro sa bus kaya umayos na ako ng upo.
Napalingon ako sa isang guro na dumungaw saakin. Sa harapan siya ng kinauupuan ko nakaupo.
“Oh, Hindi ka ba bababa para bumili ng pag kain mo?”
Tipid akong ngumiti at umiling.
Inabot niya saakin ang supot ng mga chichirya na binili niya, binibigyan ako.

YOU ARE READING
PRECEPTOR'S LOVE
RomantiekStarted: 01/02/23 Mali sa tingin ng iba ang pag mamahalan ng isang guro at estudyante, pero mas iintindihin mo pa ba ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman mo? Sino nga ba ang susundin mo? Ang isip mong nag sasabihing 'hindi kayo puwede at dapat...