"Hoy Zhaiana Akiherra Levana, Ano 'yon? Bakit may paganon? Umalis lang ako saglit tapos pag balik ko may punasan na nang labing nagaganap?"
Iyan agad ang tanong saakin kia nang mag paalam saamin si Sir Texon.
"H-hindi ko alam. N-nagulat rin ako sa biglaang pag kilos niya,"
Kinapa ko ang dibdib ko ng hindi pa rin tumitigil sa pag tibok ng mabilis ang puso.
Bakit ba ang lakas pa rin ng epekto saakin ng mga kilos niya? Ang tagal na non pero bakit hanggang ngayon napapabilis niya pa rin ang tibok ng puso ko.
"Alam mo ba bes, kanina ko pa napapansin na iba 'yung tingin sa'yo ni Sir,"
Napapalunok na lumingon ako sakaniya. Nakakahalata na kaya siya?
Si sir naman kasi, unang araw palang niya dito pero iba na kaagad ang kilos niya. Paano kung may makahalata na may something saamin?
Huh? Wala namang something saamin, past lang. Past naman na 'yon, past na hindi na dapat binabalikan.
Tyaka ano? Ako, miss niya? Nasisiraan na ba siya? Paano kung may nakarinig ng sinabi niya? Paano kung may ibang students ang naka kita nang ginawa niya? Paano kung makaabot ang nangyari sa dean?
Against the law 'yung ginawa niya, maaari siyang mawalan ng license dahil doon.
"Kung hindi ko lang alam na loyal si sir sa Ex girlfriend niya, iisipin ko talagang may gusto siya sa'yo," Napaubo ako.
"H-huh? Si sir, mag kakagusto saakin? Baliw Hindi pwede, labag sa batas 'yon 'no!" kabado akong tumawa ng mahina.
"Ano naman? Oo labag sa batas 'yon pero girl, hindi mo naman kasi mapipigilan ang puso mong mag kagusto sa isang students o sa teacher mo." mahabang lintaya niya.
"Ang kaso loyal sa ex niya 'yon eh pero pwede, Malay mo bigla niyang nakalimutan 'yung ex niya dahil sa'yo,” tumawa siya at hinapas ako. “Pero alam mo, pareho kayo ng kwento, 'di ba sa text din nakipag hiwalay sa'yo 'yung ex mo?" Tanong niya habang nililigpit ang gamit.
"Uh oo?" patanong na sagot ko. "Tara na nga, baka ma late pa tayo sa next subject natin,"
Tumayo na ako't nauna na sakaniyang mag lakad, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, ramdam ko pa rin ang kamay niya sa pisngi ko at ang hinlalaki niyang dumampi sa labi ko.
"Teka! Hintayin mo 'ko,"
Tumigil ako sa pag lalakad at hinintay si kia, nang nasa tabi ko na siya ay sabay na Kaming nag lakad papunta sa room namin.
"Ano, nakapag sorry ka ba kay sir?"
Hindi, paano ako makakapag sorry eh inunahan niya na ako?
Tumango nalang ako para matapos na, baka pilitin niya pa akong humingi ng tawad Kay sir.
Hindi na ulit kami nakapag usap ni kia hanggang sa mag uwian, nag paalam na kami sa isa't isa para umuwi.
Half day lang kami ngayon kaya hindi niya ako nailibre pero nangako naman siyang ililibre niya ako ng lunch bukas.
Nauna siyang umalis dahil may pupuntahan pa raw siya, ako naman ay dumaan muna sa library para manghiram ng libro, mag aadvance reading ako sa biology dahil doon ako nahihirapan.
Habang nag hahanap ng libro ay may lalaking tumabi saakin, hindi ko siya pinansin at pinag patuloy nalang ang pag hahanap ng libro.
Ramdam kong may nakatitig saakin, pero hindi na ako nag abala pang tignan kung sino iyon.
Nahanap ko na ang librong hinahanap ko, Ang kaso ay nasa itaas ito, Hindi ko abot.
Tumingkayad ako para abutin ito pero kulang ang tangkad ko dahil nasa taas talaga 'to, sinubukan kong talunin pero wala pa rin, napabuntong hininga ako't sinubukan ulit itong abutin.

YOU ARE READING
PRECEPTOR'S LOVE
RomanceStarted: 01/02/23 Mali sa tingin ng iba ang pag mamahalan ng isang guro at estudyante, pero mas iintindihin mo pa ba ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman mo? Sino nga ba ang susundin mo? Ang isip mong nag sasabihing 'hindi kayo puwede at dapat...