Chapter 7: All About Vampires

862 26 0
                                    

KATATAPOS lang ng Chemistry class nila at patungo na siya sa lecture hall kung saan doon ginaganap ang weekly update at kung may mga importanteng information na kailangan maipahayag sa mga students.

Medyo late na din siya dahil sa lawak ng Elphinestone ay kailangan mo pang lakarin papunta sa kabilang building.

Hays! Ganito araw araw ang mga students sa Elphinestone kailangan pang tumawid ng bundok este building para lang makapasok every subject!

Sumasakit na nga ang ulo ni Celeste dahil lagi silang pumupunta ng laboratory room para lang doon gawin ang mga physical activity nila.

Namangha nga siya ng makapasok siya doon dahil malawak ang laboratory room nila dahil naroon ang mga doctors and nurses.

Ang kinaganda pa sa school na ito ay mayroong sariling laboratory ang mga technician kung saan doon naman nila ginagawa ang mga high technology weapons.

At syempre ang pinaka maangas pa ay mayroon ding sariling laboratory ang mga scientist and phramacist. Dahil ang number one rule daw nila doon ay para hindi humalo ang mga microorganisms sa mga gamot na ginagawa ng mga pharmacist.

Ngayon na lang niya ulit na appreciate ang Elphinestone dahil bukod sa mga bampira ang estudyante dito, hi-tech na din ang mga kagamitan sa eskwelahan na ito.

Napabuntong hininga si Celeste ng makapasok siya sa lecture hall. Alam niyang mas marami siyang makakasalamuhang bampira dito dahil ngayon niya lang napagtanto na maski ang mga professor ay bampira din.

Kailangan ko na talaga ang explanation ni Paris!

Ilang araw na siya dito pero hindi parin siya gaanong sanay na makasalamuha ang mga bampira pero isa sa mga nakuha niyang information dito ay vegetarian daw ang mga vampires and strikto din ang rules nila pag dating sa pakikisalamuha sa mga ordinaryong tao.

I have no other choice but to accept the destiny, This is what I chose and this is much better than staying at my parents house.

"Hi!" Bigla siyang nagulat ng marinig ang boses ni Paris.

Don't tell me nakakabasa din siya ng isip?

"Are you allowed to use your abilities in public?" Tanong niya. Umiling iling naman si Paris sa tanong niya. "Nope, alam mo ba ang sabi ng professor ko dati? Ang totoong matalino ay hindi sumusunod sa rules because we have our own rules and we don't have to obey the rules when we can make our own." Ani niya. Tumango tango na lang si Celeste kahit na wala naman siyang naintindihan ni isa sa sinabi ni Paris.

"Ang weird naman ng professor mo." Ani ni Celeste. Bigla tuloy siyang na guilty dahil nung isang araw ay hindi niya pinapansin si Paris at sinusungitan niya ito pero ngayon ay kinakausap na niya ito ng parang walang nangyari.

"Sorry." Ani ni Celeste. Kumunot ang noo ni Paris. "Why are you saying sorry?" Tanong ni Paris.

"Kasi naging rude ako sayo noong isang araw." Ani ni Celeste.

"Its fine Celeste, I know what you feel." Ani ni Paris.

Ngumiti ito kay Celeste kahit na hindi 'yon nakikita ng dalaga.

"Thanks." Ani ni Celeste. Bigla naman siyang napaisip pero nahihiya siyang itanong ang naisip niya.

"Ahm, Can you tell me all the information about Elphinestone and you." Ani ni Celeste.

"Me? As in tungkol saakin?" Takang tanong ni Paris habang tinuturo ang sarili niya.

"No, I mean about the vampire things." Nahihiyang sabi ni Celeste.

VAMP ACADEMY (Vampires Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon