Chapter 13: Marriage

705 29 0
                                    

NARAMDAMAN ni Celeste ang paghahapdi ng sikmura niya kaya idinilat niya ang mga mata niya.

"Does it hurt?" Bigla siyang napabaling sa kaharap niya at tumampad sakanya si Luther at ginagamot ang mga pasa niya.

Hindi siya nag salita bagkus ay hinayaan lang niya itong gawin ang ginagawa niya.

"I'm sorry, I don't know who did this to you so would you mind if you tell me? Pangako babawian ko ang gumawa nito sayo." Ani ni Luther. Hindi parin inimik ni Celeste si Luther.

Napakunot lang ang noo ni Celeste dahil sa sinasabi ng binata. Wala kasing kwenta ang pinagsasabi nito at parang nahanginan ata ang utak ng isang to at kung ano ano na ang sinasabi.

"Napuruhan na din ba ang dila mo at hindi kana makapagsalita?" Tanong ng binatang bampira sakanya. Her heart skipped ng mapagtanto nitong kakaiba ang tono ng boses ni Luther ng tanungin siya nito.

Ang tono ng boses na 'yon ay tono ng pagaalala. Hinawakan siya ni Luther sa magkabilaang pisngi na ikinagulat naman niya.

"Patingin nga." Ani niya ibinuka pa nito ang bibig niya.

"Huwag ka ngang mag bait baitan saakin. Parang kailan lang gusto mo na akong patayin at ngayon ginagamot mo ako." Biglang sabi ni Celeste.

"I'm sorry, I know its my fault. Huwag kang mag alala hindi lang ikaw ang nabugbog, ako din." Ani ni Luther sabay pakita sa braso, binti, tiyan at likod niyang may sugat at mga pasa.

"Mabuti lang sayo yan dahil hindi naman kayo namamatay kaagad sa ganyan." Ani ni Celeste.

"Again, I'm sorry." Ani ni Luther at napabuntong hininga ito.

"Your sorry is enough. Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan." Ani ni Celeste tsaka tumayo sa higaan. Nakaramdam siya ng kirot ng tumayo siya pero hindi niya 'yon pinansin bagkus ay nag tuloy tuloy lang siya sa paglalakad palabas habang si Hunter ay naiwang magisa sa loob ng kuwarto na inookupa niya.

Nagtungo siya sa kusina kung saan naroon ang mayordoma na naging malapit sakanya.

"Hija! Maayos na ba ang kalagayan mo? Bakit bumangon kana? Ginagamot pa ni Luther ang mga sugat mo diba?" Sunod sunod na tanong ng mayordoma.

"Ayos na po ako. Mag papaalam na po sana ako na aalis na ako." Ani ni Celeste.

"Huh? Agad agad? Nako hindi pwede, kailangan ko munang masiguro na maayos na ang kalagayan mo. Kaso itong si Luther talaga ang kulit kulit, pinilit niyang mag prisinta na siya na daw ang gagamot sa mga sugat mo." Ani ng mayordoma.

"Ganun ho ba, magaling na po ang mga sugat ko at bumalik na din po ang lakas ko kaya wala po kayong dapat ipagalala." Ani ni Celeste.

"Osige. Kung ganon saan ka naman pupunta? Huwag mo sabihing babalik ka roon sa bahay ng mga magulang mo?" Tanong ng mayordoma sakanya.

Hindi kaagad siya nakasagot dahil hindi naman talaga niya alam kung saan siya pupunta. Alam niyang wala siyang tutuluyan sa mga panahong to dahil walang wala siya ngayon.

"Dito kana lang muna hija huwag ka ng makulit. Mas mabuti kung dito ka muna at ako na muna ang pansamantalang mag aasikaso saiyo." Ani ng mayordoma.

Napangiti si Celeste dahil ngayon niya lang naramdaman ang pakiramdam na mayroong nagaalala sakanya at mayroong taong handa siyang asikasuhin at alagaan na kailanman ay hindi niya naramdaman sa mga magulang niya.

"Atsaka hindi mo kaagad sinabi saakin na asawa mo naman pala 'yang si Luther!" Ani ng mayordoma na ikinabigla naman niya. "Jusko anong klasing asawa ang batang yan at ganyan ka niya tratuhin? Talaga namang makukurot ko ang batang yan!" Ani ng mayordoma.

VAMP ACADEMY (Vampires Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon