CHAPTER 2

1.6K 39 1
                                    

DELIA

Ngayon ang unang araw ng taping nila Luna sa bago nilang project. As she promised yesterday, sinama nya ako sa kanilang set.

"Nandito na ba ang lahat? In 15 minutes we will start the taping," ani ni Luna sa isang babaeng staff nila.

Inikot ko ang buong paningin ko sa set.

"Are you okay here? Maupo ka muna," she said at inoffer saakin ang isang upuan.

"No, Im fine." Nginitian ko siya.

"By the way, where is the comfort room? I need to pee hehe," bulong ko sa kaniya.

Mahina siyang tumawa. "Pag pasok mo sa dressing room kumanan ka may CR doon, " aniya.

"Thank you!" Agad akong nag madali dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang aking pantog . Leshe naman kasi mukhang sa ininom kong orange juice kanina kaya ihi nang ihi ako.

Pagkakita ko sa dressing room ay agad akong nag madaling pumasok.

"Ahhh!" Napadaing ako at napaupo dahil may nabangga ako na kong anong bagay.

Napawak ako sa aking ulo dahil sa lakas ng impact nito.

Ano ba yon poste? Bakit may poste sa gitna?

"Hey, are you okay?"

I was stunned by a man's baritone voice. Don't tell me na siya ang nabangga ko at hindi poste?

Unti-unti kong inangat ang aking ulo at otomatikong napanganga nang makita ang isang matchong katawan na walang saplot pang itaas.

"Oh, Jesus! My innocent eyes." The word suddenly came out from my mouth.

"Hey, what did you say?" I shook my head. Ano ba Delia? Para kang tanga!

"You look familiar?" aniya.

I looked at his face and my eyes widened, when I noticed who is this man was in front of me.

"YOU!?" we said in unison.

Yong lalaking antipatiko sa Cafè kahapon!
Tumalim ang tingin niya sa akin.

"What the f*ck are you doing here!?"

Sasagotin ko na sana siya nqng bigla na naman akong napayuko. Jusko naman nadidistract ako sa abs nya leshe!

"Can you please put your shirt on? Ang sarap— este ang sakit mo sa mata!" Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa lumabas sa bibig ko. Oh! Delia, kailan ka pa naging manyakis?

Nakaupo parin ako sa sahig. Sino ba naman di madidistract ano?

"Masarap?" Bakas ang pilyong ngisi nito sa kanyang boses.

Naramdaman kong lumapit siya saakin.
"Diyan ka lang, wag kang lumapit sa 'kin!"

Goodness! Nag iinit ang mukha ko.
Hinawakan niya ako sa balikat na ikina- lunok ko. "Anong g-ginawa mo?" Bigla akong kinabahan.

"Tumayo ka. Para kang tanga r'yan," he said,  at hinatak ako patayo.

"Dahan dahan naman!"

"Wow! Ikaw na nga tinutulongan ikaw pa galit?"

"Bakit sino ba may sabing tulongan mo ko!?" Napasabunot siya sa kaniyang buhok.

Nasapo niya ang kaniyang sintido."Mag pasalamat ka na lang, " na aasar na anas nito.
"Edi, thank you! " Inirapan ko ito.

"Why are you here!?" Inis na tanong niya sa 'kin at kinuha ang isang t-shirt at sinuot.

Buti naman naisipan niyang mag suot ng damit. Halos 'di ako makahinga eh, e.

OBLIVION 2: Primo Youseff ( Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon