CHAPTER 4

1.4K 40 2
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

"Primo where have you been!?" sigaw ni Luna nang makitang paparating si Primo.

"Oh my Gosh! What happened to you!?" Bulalas ni Molly ng makitang duguang labi ni Primo.

Lumapit ang lahat kay Primo. "Sino ang gumawa sayo niyan?" Luna asked.

Umupo lang ito na mukhang banas at tinignan sila. Dumapo ang tingin niya kay Luna. "I'm sorry Direk, may tinuruan lang ako ng lekyon," he said.

Kumunot ang noo ni Luna sa sinabi nito.
"Are you out of your mind? Alam mong may taping tayo tapos nakipag away ka!? Ano haharap ka sa camera na putok 'yang labi mo!?" Galit na wika nito sa binata.

"I'm sorry, it's all my fault."

Napalingon silang lahat kay Delia na may bitbit na medicine kit.
"Primo got into a fight after defending me when someone harassed me at Starbucks," paliwanag nito sa lahat.

Lumapit si Luna sa kaniya. "Na harassed ka!? Bakit ka kasi napunta sa starbucks?"

Tinignan ni Molly si Delia na parang sinabi na 'wag itong mag salita. "Ah...eh gusto ko ka—"

"Molly asked her to buy ice coffe." Putol ni Primo sa sasabihin ni Delia kaya napatingin si Molly sa kaniya.

"But that's her job!" Depensa ni Molly sa sarili.

Tinapunan ito ng masamang tingin ni Luna. "She still has a lot of work to do, work that is more crucial than your coffee, nonetheless!"  inis na turan ni Luna kay Molly.

"But direk—" Bigla rin naputol ang sasabihin ni Molly.

"Go back to the set, all of you! Mag tatape tayo ng scene na wala si Primo. Go!" Nagsibalikan naman silang lahat. Tinapunan muna ng masamang tingin ni Molly si Primo at Delia bago bumalik sa taping.

Naiwan ang dalawa sa bench. Tumabi si Delia kay Primo at sinabing, "Bakit mo pa kasi pinatulan? Alam mo naman na may taping ka pa nakipagbugbogan ka. " Binuksan nito ang medicine kit at kumuha ng gamot.

"Ikaw na nga pinag tanggol manenermon kapa—ouch!" Napadaing ito nang biglang diniin ni Delia ang bulak na may gamot sa labi niya.

"Aba di ko naman sinabing makipag suntokan ka ro'n ah! 'Yan tuloy bibigyan mo pa ko ng trabaho, " anito habang nakanguso.

'Di maiwasan ni Primo ang pag titig sa dalaga, ilang pulgada lang ang lapit nila sa isat-isa. Naakit si Primo sa maamong mukha nito. Bumaba ang tingin niya sa labi nito at napalunok na lang. He was very careful not to lose himself and taste the girl's lips because he was so drawn to them.

Calm down Primo, pag pigil niya sa kaniyang sarili. Napayuko siya at napakuyom ng kamao 'tsaka dumistansya kay Delia. Napatingin naman ang dalaga sa kaniya.

"What are you doing? I'm not done yet," ani ni Delia at lalapit pa sana kay Primo ngunit nag  salita ito.

"Ako na lang ang gagawa."  Kinuha niya ang bulak na may gamot kay Delia.

Tinignan lang siya ng dalaga na parang nagtataka. "Ginagawan na nga kita ng pabor ayaw mo pa," wika nito.

"Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita," he uttered. "Huh? What did you say?" She asked, dahil hindi niya ito masiyadong narinig.

"I said, it might get worse if you treat it."

Napaarko ang kilay ni Delia sa sinabi nito.
"Ang kapal naman nito, ikaw na nga ginagamot tapos gaganyan-ganyan ka pa!" Inis na turan niya sa binata.

"It's your fault why I got hurt."

Binato siya ni Delia ng hawak niyang gamot. "Bakit inutusan ba kitang makipag away doon!? Ang sama talaga ng ugali mo!" inis na saad nya at tinalikuran si Primo.

OBLIVION 2: Primo Youseff ( Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon