CHAPTER 10

1.6K 37 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Naalimpungatan si Delia dahil sa tunog ng aircon. Napabangon siya ngunit bigla rin itong bumalik sa pag kakahiga.

"Aww." Daing niya. Napangiwi ito dahil sa sakit ng hita niya. She doesn't seem to remember why her little baby was hurting down there.

Napansin din nito ang suot na pangbahay niya. 'Ano ba ang nagyari?' she asked herself. Muli niyang sinubukan na bumangon ngunit napamura ito.

"Oh, fvck!" mura niya dahil sa hapdi na nararamdaman niya.

Kinapa niya ang cellphone niya sa bed side table niya at nagulat ito nang makita kung anong oras na.

It's already 10 p.m. at hindi niya alam kung paano siya nakauwi.

Pinilit niyang tumayo at nag lakad ng dahan-dahan pababa ng hagdan. Mukhang tulog naman na si Luna kaya napag desisyonan niyang pumunta ng kusina para kumain.

Pag bukas niya ng ref ay napalaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang Mocha Cookie Crumble. Parang nabuhay ang mga ugat niya sa nakita.
Kinuha niya iyon at umupo sa mesa.
Habang sarap na sarap siya sa pag sipsip ay isa-isa namang nagsipasukan ang mga alalang nangyari kanina sa bar.

Naibagsak niya ang hawak niyang Mocha Cookie Crumble at napatingin sa ilalim niya.

"What the heck Delia!?" Unti-unti niyang ginalaw ang hita niya at napangiwi ito sa sakit.

'Damn! Don't tell me kaya masakit to?' Napasigaw ito at maluha-luhang binato ang Mocha Cookie Crumble niya.

"AAAHHHH!! WHY YOU'RE SO STUPID DELIA!?" Sinasabunutan niya ang kaniyang sarili dahil sa hiyang nararamdaman niya. Naiiyak ito na parang baliw dahil sa mga naalala niya.

Napaupo ito sa sahig at napaiyak.
"Ang tanga ko!  Bakit ko ibinigay sa kung sino-sino? Ang masaklap pa ay kay Primo na babaero!" she said while crying.

"Oh my God Delia! What happened!? Are you okay!?" Napaangat ang tingin niya and she saw Luna in front of her wearing a worried reaction.

"Oh gosh! Why are you crying? You look terrible," ani ng kaibigan at lumuhod ito para maka-level si Delia.

She sniffed and hug Luna. "I'm sorry," she muttered while sobbing.

"Sorry for what?" takang tanong ni Luna while hugging her back.

"I ruined the t-taping." Her voice cracked.

Luna faced her. "Gaga wala kang sinira. Alangan namang gisingin ka kanina para mag tape eh nahimatay ka nga."

Napayuko nalang si Delia dahil sa kahihiyan na nararamdaman.

"Buti na lang nakita ka ni Primo sa CR na walang malay. Bakit kasi hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo?"

Nagulat siya sa sinabi ni Luna.
"Masama pakiramdam?" Wala sa sariling tanong.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Tumayo kana nga diyan. Bukas hindi ka papasok. Mag te-tape na lang muna kami scenes kung saan wala ka."

Mukhang na niintindihan na ni Delia na pinalabas ni Primo kanina na nahimatay siya. Medyo nakahinga naman siya ng maluwag dahil walang nakakaalam sa nangyari kanina.

Inalalayan ito ni Luna na tumayo at pinaupo sa kitchen stool.

"Ano ba yan ang kalat mo." Paninermon sa kaniya ng kaibigan. Kumuha ito ng basahan at mop para linisin ang kalat ni Delia.

Napasapo na lang si Delia ng kaniyang mukha dahil hindi maalis-alis sa utak nito ang nangyari kanina sa bar.
Gusto niyang murahin ang sarili dahil sa kagagahan na ginawa. Paano siya nag patukso ng ganun-ganun na lang.

OBLIVION 2: Primo Youseff ( Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon