DELIANandito kaming lahat sa set. Nag uusap kaming lahat kung ano ang gagawin dahil sa isyung biglang pumutok sa social media.
"Isn't clear na sinabi namin na idelete 'yong clip video na 'yon!? Bakit lumabas pa rin!?" singhal ni Ate Jessica, ang Film Producer namin.
Lahat kami ay natahimik. Nakakahiya, pakiramdam ko ay kasalanan ko.
"Na saan si Primo!?"
Na saan na nga ba 'yon? Nilibot ko ang aking tingin ngunit wala akong Primo na nakita. Late na naman ang tukmol.
"I'm here." Napatingin kaming lahat sa kaniya na kararating lang. Dumapo ang kaniyang tingin sa akin kaya mabilis kong inilihis ang aking paningin sa ibang direksyon.
Pakiramdam ko ay namumula ako. Naalala ko na naman 'yong kahapon.
"Kiss me." Napalunok ako at aatras na sana nang hawakan niya ang ulo ko at angkinin ang mga labi ko. Napawak ako sa laylayan ng kaniyang damit dahil parang nalulunod ako sa kaniyang mga halik.
*Peep! Peep!*
Bigla ko siyang naitulak palayo habang habol ang aking hininga nang may biglang bumusina sa labas.
"Si Luna na yon. Aalis na ako!" 'Di ko na nakita ang kanyiang reaksyon dahil mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay niya.Tatlong beses niya na akong nahalikan at may kakaiba na akong nararamdaman. Taena, naman Delia. Hinalikan ka lang bumibigay ka na? Alalahanin mo, play boy ang Primo na 'yan.
Mukha akong tanga na nakikipag talo sa sarili ko. "You're crazy Delia, " i uttered.
"So anong plano mo sa issue na kalat na kalat na ngayon? Kung hindi ka ba naman uminom ng totoong alak, edi sana matino ang pag uutak mo sa mga oras na 'yon! singhal sa kaniya ni Ate Jessica.
Napakamot lang ng batok si Primo. Pawang pinalabas lang sa kabilang tenga niya ang mga sinabi ni Ate Jessica.
"That's why I'm her." A sexy woman came out. Siguro mga mid 40's, pero ifairness ha ang ganda at parang ang bata pa.
"Oh, hello Manager Amanda, you're here." Pag bati ni Ate Jessica at nakipag beso sa babae, gano'n din ang ginawa ni Luna at ate Rafaela na Production manager namin.
"Yes, I'm her to help you guys, dahil sa gulong pinasok ni Primo."
"Who is she?" pabulong na tanong ko kay Emily na nasa tabi ko.
"She's Amanda Beunavista, manager of Primo at aunt niya, " mahinang sagot nito.
"Ahh..." Muli kong tinapunan ng tingin si Ms. Amanda. Medyo may hawig nga sila ni Primo pag sinuri ng mabuti.
"So dahil nga trending ang video ni Primo with..." Inikot niya ang kaniyang tingin at dumapo ito sa akin. "With her, ikaw si Delia tama?" tanong niya sa akin. Napatango ako bigla kahit parang kakainin ako ng lupa dahil sa hiya.
Tumango tango lang ito at muling nag salita.
"Kailangan gumawa tayo ng alibi para sumara ang issue na 'to. Kaya nag patawag ako ng conference to clarify this."Napasinghap si Luna dahil sa narinig.
"You mean, magpapaconference ka without telling us first?" Luna asked." Ms.Villafuerrte, we don't have enough time. P'wedeng hindi matuloy ang project na 'to pag hindi inaksyonan agad. Artista si Primo at may scandal siya sa isa sa mga staff ng set. Ano ang magiging impact nito sa project niyo? Do you think na magakaka-interest pa ang taong manood ng movie na 'to kung alam nilang may relasyon o ano man si Primo sa PA niyo?"
BINABASA MO ANG
OBLIVION 2: Primo Youseff ( Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)
General FictionPRIMO YOUSEFF is the ultimate chic boy actor-model who hasn't had a serious relationship because for him, it's just a fling with no strings attached. He believes that a career is more important and should take precedence over love. Until one day, a...