Chapter 08

328 19 2
                                    

Dedicated to one of my glittters, Evangelyn Abando :)

~

Via

Pagkagising ko, wala na si Darren sa study table ko. Obviously, umalis na siya kasi off to Cebu na siya. Sanay na ako dun, na walang goodbye, kasi alam ko na babalik naman siya. Yung parang pupunta lang siya sa kabilang bayan, na hindi malayo. I don't really like goodbyes, kaya yung pag-farewell niya sakin ay yung pagkiliti niya. Mamimiss ko naman siya, but its part of my life now.
Naghikab muna ako at binuksan yung blinds.

*Buzz*

Napatingin ako sa cellphone ko nung tumunog to. Hmm. Bakit kaya ang aga aga may nagtetext sa akin?

Ugh. Galing nanaman doon sa muntik nang pumatay sakin! Bakit ba ayaw ako nito lubayan? Ano ba ang gusto niya? Hmph! Nakakainis na.

Well well. So I see na naka-recover ka na sa chemical? Aww. Sayang no? Hindi ka na nainterview ng media nung ganung itsura mo? Para ka kasing pagong! Konting galaw lang sayo nagtatago ka na! HAHA! Unfortunately, naka-recover ka pa. Sayang nga, sana natuluyan ka na. Para malaman nila na baliw pala ang girlfriend ni Darren!

Basta. This time, sure win na ako. Bye bye Viarren na! Hahaha! Humanda ka. >:)

Nakakainis to ah. Ang lakas talaga ng galit sakin! Sino to? Kainis!

Hoy! Sino ka ba? Tigilan mo na nga ako. Sino ka ba? Ano ba ang nagawa ko sayo ha? Magpakilala na nga!

Sira na agad ang araw ko. Thanks to this. Argh.

Oooohhh. HAHA. Paano kung ayoko? Ha? At saka bakit naman ako magpapakilala? Ano ako, t*nga? Hindi ako katulad mo, Via! Hindi ako uto-uto! Kaya nga kailangan mo pa ng warning. Kasi baka masyado kang magulat, matuluyan ka pa. Ayoko nun no. Kasi gusto ko, unti unti pa kitang pahihirapan, so ikaw na ang may gustong pumatay sa sarili mo! Ang ganda diba? HAHA.

"ARGH! BWISET KA! ANO BANG GINAWA KO SAYO? NAKAKAINIS KA!" Sigaw ko sa phone ko at itinapon sa dingding.

"Ate? Ate okay ka lang?" Rinig ko ang boses ni Violet sa labas. Kumakatok na siya.

Binuksan niya ang pinto at pinulot sa phone ko na nasa may pinto. "Bakit Ate? Anong nangyari?"

"GAH. EWAN KO!" Sabi ko at ginulo ang buhok ko. Nakakainis yan. Pag nakita ko talaga yan. Jusko, ano ba to?!

"Ate buti nalang may case. Ayan, okay pa." Sabi ni Violet sabay abot ng phone ko.

"Ate?" Lumapit sakin si Violet. "Umiiyak ka ba?"

Mapahawak ako sa pisngi ko. Basa. Umiiyak na pala ako.

Hindi ko sinagot si Violet, imbis ay pinunasan ko nalang ang pisngi ko at tumayo na.

Pumasok ako sa bathroom ko at nilock ang pinto.

"Ate, open up!" Katok ni Violet sa pinto.

"Go away, Vi." Sabi ko.

Naupo ako sa sahig, nakatitig sa phone ko. Ang hirap makisama sa mga tao na hindi ako kilala. Ang hirap. Bakit ba kasi naging ganito pa yung sitwasyon? Bakit ba kung kelan masaya na ang lahat, may eepal pa? Okay na ang lahat eh. Bumalik nanaman sa mga mala-obstacle na sitwasyon.

Bakit sa akin pa?

"Dito, dito," rinig kong boses ni Violet.

Maya maya pa may kumatok na sa pinto. "Via, buksan mo to." Sabi ni Zoey.

Pinunasan ko ang mata ko at huminga ng malalim. Sasabihin ko ba sa kanila?

Bago pa man ako makapag-isip, naramdaman ko nalang na binubuksan ko na ang pinto.

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon