Chapter 14

144 7 5
                                    

Perfect Pair

Darren

Mag-isa ako ngayon dito sa bahay. Nasa probinsya kasi sila, at hindi pa naman dapat ngayon yung uwi ko. Pero ewan ko, parang hindi ako mapakali. Maya't maya akong naka-silip sa cellphone ko. Parang may gusto akong gawin na hindi ko malaman kung ano.

Hay.

~

Via

"Ouch, nasaktan si Via!" pababy voice na sabi ni Gwen. "Hahaha iiyak na siya! OMG, cry baby. Hahaha."

"LQ sila ni Darren kasi uto-uto siya! Awe. Hahaha!"

"Alam mo, bagay sayo ganito," Sabi niya pa at nagulat ako nung sinampal niya ako.

"Ano bang ginawa ko ha? Bakit ba ganyan ka?" Tanong ko.

"Awe, uto-uto na, stupid pa. Obviously, ipinaglalaban ko lang ang dapat na saakin. Hindi katulad mo na pinagtatabuyan siya palayo. Go on, just keep on doing it. I'll be happy." Tumawa pa siya. Lumapit siya sa akin at dinuro ako. "Itatak mo jan sa utak mo, na katapat mo si Gwen Cartolosa. At walang kalaban laban ang Oliva Ramos sa kanya. Okay?"

"Hindi!" Sigaw ko. "Ang sama mo!"

"So ngayon mo lang nalaman? Ang slow mo naman! Haha." Tumingin siya sa mga tao sa paligid namin. "Oh, sinong may gustong sumunod sa kanya?!"

Walang sumagot. Nakatingin lang sa kanya.

"Ngayon alam niyo na. Na hindi dapat ako kinakalaban! Diba, Via?"

Sinampal na niya naman ako.

Argh. Lumaban ka Via!

"Iimbitahin kita sa party ko kapag akin na si Darren, ha?"

"Walang hiya ka!" Sinugod ko siya at sinampal din. "Ikaw pa ang may ganang manampal!"

"OO. AKO ANG MAY GANANG MANAMPAL. ANO? ANG YABANG MO HA!"

Ginantihan niya ako at sinabunutan. Napatungo nalang ako. Kahit masakit, hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko.

"Gwen!" Sigaw ni Jeline. Hindi siya pinansin ni Gwen at patuloy lang akong sinampal. Pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko sa mga malalakas na sampal niya.

Pinilit ko na umiwas, pero galit na galit siya.

"Gwen, tama na." Sabi ni Janna. Hawak niya ang braso ni Gwen. Gulong gulo na ang itsura ko. Tinignan niya ako ng masama.

"I will make you live hell, Olivia!" Sigaw niya. Susugod pa sana siya saakin pero pumagitna na ang security guard.

"Ma'am wag po kayong mag-eskandalo dito," Sabi nung guard kay Gwen. Nakipagtalo pa siya sa guard.

"Via, umalis na tayo," Sabi ni Jeline.

Hinila niya ako sa labas at sumakay agad kami sa taxi.

Umiiyak pa rin ako. Hindi dahil sa Gwen na yun. Dahil ang sama ko. Ang sama sama. Hindi ko man lang pinakinggan yung side ni Darren? Agad akong naniwala sa kanila? Siya na boyfriend ko hindi ko nagawang intindihin? Anong klaseng girlfriend ako?

Ang sama ko! Sinaktan ko siya dahil lang doon. Nasaktan din siya nung makita niya kaming dalawa ni Kelvin, pero anong ginawa ko? Mas sinaktan ko pa siya! Ipinagtabuyan ko pa siya! Ang sama ko!

"Via tahan na," Mahinang sabi ni Jeline. Binigyan niya ako ng panyo at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko.

"Via tumahan ka na please," Sabi ni Jeline. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naiiyak talaga ako sa ginawa ko. Ang sama ko kay Darren.

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon