Chapter 12

188 4 0
                                    


Via

Sa dinami dami ng maiisip ko na pwedeng involved dito, si Janna pa?

Teka, kung may ibang involved, ibig sabihin hindi si Darren ang may kasalanan? Aish, ang gulo!

Sumasakit na ang ulo ko. Kaya bumangon nalang ako sa kama ko at bumaba sa sala.

"Aalis ako mamaya ha," Sabi ko kay Violet na lumalamon ng lollicake. "Teka, san galing yan?"

"Hm? Ahihi. Bigay ni Kyle kay Zoey." Sagot niya kahit punong puno pa ang bibig.

"Oh, ayun naman pala eh, KAY ZOEY. Eh ba't nilalamon mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Eh. Mahal ka rin ni Darren." Sabi niya sabay labas ng sala. Ha? Anong connect? Tss. Nakakaloka.

Napagplanuhan namin ni Jeline na magkikita kami sa plaza uli ng mga 1:00 para mag-finish off sa plan namin. May plano kami. At yun ay pupunta kami sa Joe's coffee.

"Hala! Via nasan yung lollicakes ko?" Tanong ni Zoey habang nakahawak ang kamay sa pintuan ng ref.

"Mahal ka din nun," Sagot ko. Tsk. Nahahawa na ako kay Violet ah. Pero sa ayaw kong sagutin eh? Busy ako mag-isip.

Ugh. Darren nasan ka ba? Kailangan na kita ngayon! Hindi na sana ako magpapaka-super spy dito kundi dahil sayo! Lagi naman diba? Sayo palagiiii. Ano ba, miss na kita. :'(

~

Darren

"Okay, sorry talaga bro," Sabi ni JK sa akin. "Alam ko na may sarili ka ring problema pero ikaw lang ang alam ko na may experience dito eh!"

"Sige na, tutulungan na nga kita." Sagot ko. Hindi ko din naman matitiis tong other-half ko. Kailangan niya ng tips ko ngayon. Alam ko dapat naghahanap na ako ng paraan para makausap si Via pero sa tingin ko kailangan niya ng space. Pero miss ko na siya. Miss ko nang makasama si Via.

"Yeah! Salamat!" sabi niya

Hinila niya ako papunta ka kotse niya.

"Teka, dude paano yung kotse ko?" Tanong ko sa kanya.

"Tss. Ano ka ba, ang swerte mo nga may driver at assistant ka. Ipadrive mo nalang pauwi." Sabi ni JK. Ngkibit-balikat nalang ako at sumakay sa front seat ng kotse niya. Nagmaneho na siya papunta sa kanila. Pero pinatigil ko siya sa may tapat ng isang flower shop.

"Alam mo, sa tingin ko mas magugustuhan ni Andrea kung bibigyan mo siya ng bulaklak." Suggest ko.

Ngumuso naman si JK. "Flowers? Hindi ba pang patay lang yun?"

Tsk. Napakamot ako sa batok ko. "Ewan ko sayo. Bahala ka na nga,"

Itinigil niya ang kotse sa tabi ng shop at tinanggal ang seatbelt niya. "Sige na, ang bitter naman masyado nito,"

Bumaba na rin ako at nagsuot ng cap at shades. Sumandal lang ako sa may pintuan habang hinihintay ko siyang mamili.

Nakita kong kausap niya ang isang babae. I guess tindera dito, at sa tingin ko hindi makapili si JK ng bulaklak kasi panay ang kamot niya sa ulo kada turo ng babae sa mga set ng bulaklak.

"Sir, hindi po kayo papasok?" Tanong ng isa pang sales lady.

"Nope," Sabi ko at pinipilit kong ibahin ang boses ko. "Pakisabi nga dun, roses." At nginuso ko si JK na naka-disguise din.

Tumango ang sales lady at nakita ko na sinabi nga niya at tinuro pa ako. Kinawayan ko lang siya at namili na siya.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Wala paring text galing kay Via. Ilang beses ko nang tinitignan ang phone ko simula nung umaga, pero wala pa din.

Perfect Pair (Darren Espanto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon